"SAVANNAH!" sakay na siya ng taxi nang tawagan niya ang telepono ni Lenie na siyang ipinantawag ni Julius sa kanya.
Napapikit siya at lalong kinabahan nang marinig ang tono ng pagkapanalo sa boses ni Julius. "P-Papunta na ako, ibigay mo sa akin ang complete address" aniyang pinilit na itago ang kaba sa tinig pero nabigo siya.
Habang idinidikta ni Julius ay isinulat naman niya sa maliit na papel ang address ni Lenie. Nang maputol ang linya ay mabilis siyang gumawa ng mensahe. Nang maipadala ang text message ay iniabot niya ang piraso ng papel sa driver saka pagkatapos ay isinandal ang likuran sa sandalan ng backseat ng sasakyan.
MAGANDA ang pagkakangiting binuksan ni Julius ang pinto at sinalubong siya. Umakma pa nga itong hahalikan siya pero mabilis siyang nakaiwas. Wala pang thirty minutes ay narating niya ang apartment ni Lenie.
"Nasaan siya?" ang hasik niyang tanong sa lalaki.
Tumawa ng may kalakasan si Julius saka hinila ang buhok niya. "Ano kung sabihin ko sayong pinatay ko na siya, may magagawa ka ba?" ang lalaking inilapit ng husto ang mukha sa kanya.
Naramdaman niya ang pag-iinit ng mukha niya gawa ng matinding galit. "Walang hiya ka! Nasaan siya?"
Noon siya itinulak paupo ni Julius sa mahabang sofa. Pagkatapos ay sinimulan nitong kalasin ang pagkakabutones ng sarili nitong polo. Binalot ng takot ang dibdib niya kaya naging sunod-sunod ang pinakawalan niyang paghinga.
"A-Anong gagawin mo?" takot niyang tanong saka iginala ang paningin sa paligid pagkatapos. Tamang nahagip ng paningin niya ang piguring kabayo na nakapatong sa sidetable ng sala set.
Ngumisi si Julius. "Gagawin ko sa'yo ang bagay na dapat sana ay matagal ko ng ginawa noon pa man" anitong tumawa pa ng mahina.
Nang upuan siya ni Julius paharap ay noon siya nagsimulang umiyak. Diring-diri niyang iniiwas ang mga labi niya rito pero dahil mabilis siya nitong nasabunutan ay nagawa parin siya nitong siilin ng halik sa kanyang mga labi.
Sa kabila ng matinding takot sa dibdib ay minabuti parin niyang paganahin ang matinong pag-iisip. Alam niyang hindi makatutulong kung manlalaban siya kaya sa halip ay pilit niyang tinugon ang mga halik sa kanya ni Julius. Ilang sandali lang, naramdaman na niya ang pagiging banayad sa kanya ng lalaki. At iyon ang tamang pagkakataong hinihintay niya para umatake. Wala siyang sinayang na anumang sandali, malakas niyang inihampas ang pigurin sa ulo ni Julius.
Sumisigaw at namimilipit sa sakit ang lalaki kaya nagawa niyang pakawalan ang sarili mula rito. Isa lang ang nakita niyang kwarto ng apartment kaya iyon ang pinasok niya. Noon niya nakita si Lenie na nakaupo sa isang sulok habang nakagapos ang dalawang kamay.
"Lenie!" aniyang nilapitan ito at niyakap.
"Hindi kana dapat nagpunta rito" si Lenie na nangingitim ang gilid ng labi.
Muling umahon ang galit sa dibdib ni Savannah. "Sinaktan ka niya!"
"Umalis kana, hayaan mo na ako dito" taboy sa kanya ng babae.
Magkakasunod siyang umiling. "Hindi ako aalis ng wala ka. Parating na ang mga pulis, pagbabayaran ni Julius ang lahat ng ito" aniyang sinimulang kalasin ang pagkakatali ng mga kamay nito.
Siguro dahil narin sa ginawang pananakit ni Julius sa babae ay hindi naging madali para rito ang kumilos. Bukod sa sa laki at bigat ng tiyan nito. Magkapanabay pa silang napasigaw ni Lenie nang bumulaga sa may pintuan ng silid si Julius.
Hawak nito ang duguang ulo pero sa kabila niyon ay kitang-kita niya ang pagtatangis ng mga bagang nito. "And where do you think you are going?" anitong mabalasik hindi lang ang titig kundi maging ang tinig saka itinulak pasara ang pinto.
"Pabayaan mo na kami!" sigaw niya sa lalaki na nagsimulang humakbang palapit sa kanila.
Pinuno ng malakas na tawa ni Julius ang silid. "Marunong naman akong sumunod sa usapan Savannah, hindi ba may kasunduan tayo?" anitong ngumisi.
Nagtaas-baba ang dibdib niya saka nilingon si Lenie. Ilang sandali pagkatapos ay itinaas niya ang kanyang noo saka tinitigan ng tuwid sa mga mata ang lalaki. "Fine" aniya saka binalingan si Lenie. "lumabas kana, iligtas mo ang sarili mo at ang bata" aniya rito.
Magkakasunod na umiling si Lenie. "No, hindi kita pwedeng iwan sa hayop na lalaking iyan!"
Sukat sa sinabing iyon ni Lenie ay dinalawang hakbang lang ito ni Julius. Dinaklot ng lalaki ang braso nito saka itinulak palayo sa kanya. Nawalan ng balanse ang babae at napaupo sa sahig.
Nanlaki ang mga mata ni Savannah sa nakita. "Lenie!" sigaw niyang umakmang lalapitan ang babae pero mabilis siyang muling nasunggaban ni Julius. Ilang sandali lang natagpuan niya ang sariling nakahiga sa kama habang sa ibabaw niya ang ang lalaki.
"Gusto mo bang makita ng babaeng iyan kung paano ako magpaligaya ng babaeng mahal ko? Sige ipakikita ko sa kanya. Aangkinin kita ng buo sa harapan niya at titiyakin kong magbubunga ang gagawin ko sayo at___" iyon lang at hindi na naituloy pa ni Julius ang iba pang gusto nitong sabihin nang bumalandra pabukas ang pintuan ng silid.
"Tarantado ka! Anong ginawa mo sa kanya! Hayop!" ang magkakasunod na murang narinig niyang pinakawalan ni Ronnie habang inuundayan ng magkakasunod at malalakas na suntok sa mukha si Julius.
Hinihingal sa pagod siyang nilapitan at niyakap ni Ronnie. "Are you okay huh? Sinaktan ka ba niya?" magkasunod nitong tanong saka buong pagmamahal na hinaplos ang kanyang luhaang mukha.
Nang mga sandaling iyon ay kasalukuyan ng hawak ng mga pulis si Julius na patuloy parin sa pagpupumiglas. "Bitiwan ninyo ako! Mga walang hiya kayo! Huwag ninyo akong hawakan!" anitong galit na galit na sigaw sa mga pulis pero wala rin naman itong nagawa.
"S-Savannah?" ang tinig ni Lenie ang tila nagpabalik sa tamang huwisyo niya.
"D-Dugo!" ang malakas niyang naibulalas saka madaling nilapitan ang kaibigan. "Ronnie, dalhin natin siya sa ospital!" aniya sa nobyong gaya niya ay parang natulala rin sa nakitang pulang likidong nagmarka sa maternity dress ni Lenie.

BINABASA MO ANG
A SMILE TO KEEP (TIME IN A BOTTLE SEQUEL)
RomanceCOMPLETED Nang pagtaksilan siya ng lalaking dapat sana ay pakakasalan ay minabuti ni Savannah ang lumayo. Pero hindi niya maintindihan kung sadya ba siyang sinusundan ng kamalasan dahil ang paglayo niyang iyon ang naging dahilan kung kaya siya nahab...