PART 2

937 29 0
                                    


"BAKIT ba kasi kailangan mo pang mag-abroad? Magnegosyo kana lang dito sa Caringlan, o kaya mag-apply ka sa malalaking kumpanya sa Maynila?" ang nanay niyang si Ramona habang magkakaharap silang kumakain ng almusal.

Gaya ng matalik na kaibigan niyang si Michelle ay sa bayang iyon siya nagtapos ng kolehiyo si Ronnie. Isa siyang Mechanical Engineer. Mula Switzerland ay umuwi siya sa Pilipinas dahil natapos na ang contract niya sa malaking kompanya ng sasakyan na pinagtatrabauhan niya. Sa ngayon ay pinag-iisipan niya kung tatanggapin niya ang alok sa kanya ng dating amo para dalhin naman siya sa pagkakataong ito sa Italy. Kamakailan lang ay bumili siya ng isang condominium unit sa Makati. Doon siya nanunuluyan kapag nasa Maynila siya. Wala naman sa plano niya ang bumili ng condo pero nangyari. Hindi niya maintindihan kung bakit pero dahil investment iyon ay hindi rin naman sayang ang pera. Habang sa isip niya, may mga bagay lang siguro sa buhay na nangyayari ng wala sa plano. At kadalasan ang mga iyon pa ang pinakamagaganda.

Hindi nagsalita si Ronnie at sa halip ay ipinagpatuloy ang tahimik na pagkain. "Tama ang Mama mo anak, isa pa alam mong kailangan ka narin dito sa atin. Kailangan habang maaga pa napag-aaralan mo na kung paano i-manage ang manggahan" ang ama naman niyang si Nestor na sinulyapan pa ang nanay niyang nagkibit lang ng balikat. Solong anak siya, dahil doon ay tama lang na pag-aralan niya ang pagpapatakbo ng manggahan nilang pinagyaman ng mga magulang niya.

Mabigat ang buntong-hininga na pinakawalan ni Ronnie bago nagsalita. "Actually Papa pinag-iisipan ko narin po ang tungkol diyan" half true iyon dahil ang totoo alam niya mismo sa sarili niyang hindi pa siya ganoon kahanda para maglagi na ng pirmihan sa kanilang bayan.

"Limang taon na iyon anak, hindi ka parin ba handa?" ang nanay niyang nakikisimpatya siyang tinitigan.

Nagkibit siya ng balikat. "I don't know" ang halos pabulong niyang sagot saka inabot ang baso ng tubig at uminom.

Tama ang Mama niya. It's been five years mula nang masawi si Victoria sa isang malagim na vehicular accident sa bayang iyon. Isang Pre-School teacher ang dalaga sa isang private school dito sa Caringlan. Habang siya naman ay Production Manager sa nag-iisang kumpanya ng sasakyan sa bayan nila. Masipag si Victoria at mahal na mahal ang trabaho lalo na ang mga estudyante nito. Iyon ang dahilan kung bakit madalas ring umuwi ng late ang dalaga dahil mas pinipili nitong tapusin na ang kahit anong trabaho na pwede nitong tapusin.

Pero isang gabi minalas na lasing ang driver ng nasakyang traysikel ni Victoria. Valentine's Day noon pero dahil nga pareho silang maraming tinatapos na trabaho ay minabuti nilang magkita nalang sa isang Japanese Restaurant sa bayan.

Ayon sa mga nakakita ng insidente ay hindi raw napansin ng traysikel driver ang pagpula ng traffic light kaya nagtuloy-tuloy ito sa pagtakbo. Iyon ang dahilan kaya ito bumangga sa isang paparating na kotse. Dead on arrival ang driver ng traysikel habang si Victoria naman ay inabutan niyang nakikipaglaban sa kamatayan sa loob mismo ng Emergency Room ng ospital. Mapait na napangiti si Ronnie. Parang hinintay lang siya ni Victoria nang gabing iyon dahil matapos nitong sabihin ang mga salitang, Sometimes remember me, ay binawian narin ng buhay ang dalaga.

"I'm sure hindi nagugustuhan ni Victoria ang ginagawa mo sa buhay mo ngayon anak" ang papa niyang tinitigan siya ng tuwid sa mga mata.

Tumango. "Panahon lang ang makapagsasabi Papa" aniyang pinilit na magpakawala ng mahinang tawa. "but hey, hindi ko pa nga pala nasasabi sa inyo, baka sa makalawa pasyalan ko si Tita Erlie" aniyang iniba ang usapan.

"Good, kailangan mo iyon anak" ang mama niya.

"Sasaglit lang ako sandali sa bayan para mamili ng mga ipapasalubong ko sa Tita" aniyang tinapos na ang pagkain at tumayo.

Ang tiyahin niyang si Erlie ay kapatid ng Papa niya. Dalawang oras ang byahe mula sa bayan ng Caringlan ay ang bayan naman ng San Antonio kung saan ito nakatira. Bukod sa babuyan na siyang kabuhayan nito ay ginawa naring boarding house ng tiyahin niya ang malaki nitong bahay gawa narin ng pag-iisa nito roon. Matandang dalaga kasi ang tiyahin niya.

A SMILE TO KEEP (TIME IN A BOTTLE SEQUEL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon