Part 17

554 18 0
                                    

"PUMAPAYAG kang may mangyari sa inyo, heto nga at nagsasama na kayo pero ayaw mong magpakasal sa kanya? Baliw ka ba?" ang inis na tanong sa kanya ni Cristy.

Malungkot siyang nagyuko ng ulo saka sumagot. Isang linggo na siyang naninirahan sa condo ni Ronnie nang mabanggit niya kay Cristy ang tungkol doon. "Hindi naman kasi simple iyon, kapag nagpakasal ako sa kanya habang buhay na iyon. Saka isa pa, paano kung hindi naman niya ako mahal? Ayoko nang masaktan ulit" totoo sa loob niyang sabi.

"Pero paano kapag nabuntis ka niya? Ano ka ba naman Savannah, hindi rin naman biro iyang ginagawa mong pakikipag-live in sa kanya. Hindi ba at ikaw mismo ang nagsabing hindi kayo nag-usap tungkol dito? Basta nalang nangyari?"

Tumango siya. "Naguguluhan ako" amin niya.

"Alam na ba ng mga magulang mo ang tungkol dito?"

Umiling siya. "Huwag mong sasabihin please? Ayokong masaktan sila kapag nalaman nila itong ginagawa ko" totoo iyon sa loob niya.

Noon ibinaba ni Cristy ang hawak na baso ng pineapple juice sa mesa saka siya pinakatitigan. "Matanong nga kita, ano bang nararamdaman mo kay Ronnie? Bakit mukhang wala ka yatang kakayahang tanggihan siya sa lahat ng gusto niya?" ang naghihinalang tanong sa kanya ng matalik niyang kaibigan.

Napabuntong hininga siya sa tanong na iyon. Eksaktong isang buwan mula nang makilala niya ang binata. At masasabi niyang malaki ang nagbago sa takbo ng buhay niya. Ito ay sa paraang parang hindi na niya makita ang sarili niya nang wala si Ronnie sa tabi niya. Sa lahat ng plano niya palagi itong kasama.

"I-I think I-I'm in love with him" ang halos pabulong niyang sagot habang nakatitig sa mismong plato na nasa kanyang harapan.

Nang mag-angat siya ng ulo ay nakita niya ang matinding pagkabigla sa mukha ng kaibigan niya. "Savannah, si Julius nga na dalawang taon mahigit mong boyfriend nagawa kang lokohin, anong assurance mo na hindi kayang gawin ng lalaking ito ang ganoong sa'yo?"

Naramdaman niya ang sakit na gumuhit sa dibdib niya nang dahil sa sinabing iyon ng kaibigan niya. "H-Hindi ko rin alam. Basta nararamdaman ko whenever I'm with him safe ako" sa mababang tono ay sagot niya.

"At siya, ano naman ang feelings niya para sa'yo? Hindi ba ang kwento mo sakin noon hindi niya makalimutan iyong namatay na girlfriend niya?"

"Hindi ko rin alam" ang malungkot niyang sagot.

Noon lumambot ang aura ng mukha ng kaibigan niya. "Mag-usap kayo, iyon lang ang tanging paraan na nakikita ko para maging maayos ang lahat."

"OH, bakit parang ang tahimik mo naman yata?" ang nangingiting tanong niya kay Savannah.

Iyon ang araw ng binyag ni Adrian, ang anak nina Ace at Michelle. At dahil nga ipinauna na sa kanya ni Michelle na ninong siya ng anak nito ay hindi pwedeng wala siya sa espesyal na araw na iyon. Ang kaibahan nga lang, may kasama na siya ngayon. At kahit siya mismo ay parang hindi makapaniwala sa lahat ng nangyayari sa kanya nitong mga nakalipas na araw.

"H-Ha? Hindi ba normal lang naman ang kabahan?" ang sagot sa kanya ng dalaga saka sinundan ang sinabi ng mahinang tawa.

Natatawang binuhay niya ang engine ng sasakyan. Pero bago niya iyon pinatakbo ay minabuti niyang hawakan muna ang kamay ng kasama saka iyong masuyong hinalikan. At gaya ng dati, nakita niyang namula ng husto ang mukha ni Savannah. Amused siyang tumitig sa magaganda nitong mga mata. Saka pagkatapos ay maingat na hinawi ang hibla ng buhok na tumabing sa maganda nitong mukha.

"Thank you so much Vannah" ang tangi niyang nasabi.

Nakita niyang hinagod ng humahangang tingin ni Savannah ang kanyang mukha. At nagustuhan niya iyon kaya muli ay itinaas niya ang kamay nito at saka ulit hinalikan. "Para saan?"

Nagkibit siya ng balikat. "Alam mo ba simula nang mawala sakin si Victoria hindi ko na inisip na magiging ganito ulit ako kakumpleto at kasaya? Pero nangyari, dahil sa'yo" pagsasabi niya ng totoong nararamdaman. Iyon ang dahilan kung bakit gusto kitang pakasalan. Ang gusto pa sana niyang idugtong pero dahil sa alalahaning baka masira ang magandang atmosphere sa paligid nila ng dalaga ay minabuti niyang huwag nalang.

Kung tutuusin kasi may dahilan at katwiran naman ito para tanggihan ang alok niya. Dahil una sa lahat kailan lang sila nagkakilala. Galing sa break-up ang dalaga nang makilala niya ito kaya talagang mahirap para rito ang magtiwalang muli sa iba. Kaya naman nang mawala ito at umuwi nang Laguna ay saka niya na-realize na mas mainam siguro kung tutulungan niyang muling ngumiti ang puso nito. Para nang sa gayon ay hindi ito mahirapang tanggapin at pagkatiwalaan siya. At sa nakikita niyang maningning na kislap sa mga mata ngayon ng dalaga ay mukhang nagbubunga ang pagsisikap niya.

"Ako rin naman, hindi ko inasahan na makakalimutan ko ng ganoon lang kabilis si Julius. At ang lahat ng iyon ay dahil sa'yo. Kaya thanks to you too" ang ngiting-ngiting sabi ni Savannah.

Noon niya kinabig ang babae at mahigpit na niyakap. Hindi niya napigilan ang sarili niya kaya hinalikan pa niya ito ng mariin sa mga labi. "Alis na tayo?" aniya pagkatapos.

Tumango si Savannah. "Do you think they'll like me?"

Pinuno ng mataas na level ng kaligayahan ang puso ni Ronnie nang dahil sa simpleng tanong na iyon. "I think they'll love you" aniyang nginitian ang dalaga with tenderness.

A SMILE TO KEEP (TIME IN A BOTTLE SEQUEL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon