C-2

581 5 0
                                    

Nandito kami ngayun sa paborito naming restaurant. Dito kasi kami unang nagkita, dito niya ako niligawan at dito ko na rin siya sinagot.


As usual pagkatapos ng order namin ay agad akong napatingin sa kanya habang malapad ang pagkakangiti ko rito kulang nalang mapunit tung bibig ko.



"Ang gwapo mo babe" puri ko sa kanya at piningot ko ang ilong niya. Napatawa naman siya sa sinabi ko


"Hahaha..ganyan mo talaga ako ka miss huh?" Wika nito sa kanya. Napa ikot ang mata ko sa kanyang sinabi

"Tse!" Sabay baling ko sa ibang tao na narito. Napakunot nalang ang noo ko sa nakita ko sa sulok. Kung hindi ako nagkakamali ito yung lalaking napagkamalan kong si Edward. Tsk! Kung minamalas nga naman. Kala mo gwapo di naman.

"Babe? Are you okay?" Bungad na tanong sa akin ni Edward

Napataas ang kilay ko sa kanyang sinabi "h-huh? No babe.. I just remember something" ngiting sabi ko sa kanya.


Nakita kung napangiti si Edward. "Ano namang ngiti-ngiti mo jan?" Saad ko

"Nothing.." Wika nito

"Here's your order mam/sir" saad nang waiter sa amin. Napangiti naman ako sa kanya. "Thank you" wika ko rito sa waiter. Agad naman itong umalis.




"How's my baby doctor?" Tanong ni Edward sa akin habang ngumunguya ng pagkain.


"Okay naman, nakakapagod pero masaya" saad ko sa kanya. "Plano ko nga sana babe na dito nalang ulit mag trabaho" dagdag niya


"Gusto ko rin naman babe but you know I handle dad's business.. Sa aming magkakapatid alam mo na si dad sa akin niya pinagkatiwala ang kompanya at hospital namin doon" wika nito sa akin. Napa pout naman ako sa kanyang sinabi. Hindi ko naman siya masisisi kung ganun niya kamahal ang trabaho niya. Pero kasi paano naman ako?


"I know what you think babe, but trust me after Mira graduated for marketing ang management sa kanya ko ipapasa ang business namin.. Sasamahan na kita dito..forever" lumiwanag ang mukha ko sa kanyang sinabi. Eto yung hinihintay ko ang sasabihin niya.


"Kaya mahal na mahal kita Edward eh," saad ko

"And I love you too..come her let your baby give you a hugs and kisses" napatawa naman ako sa kanyang sinabi. Ganito kami kahit nasa restaurant sobrang clingy namin sa isa't-isa. And I don't care mahal ko itong taong to eh. He kiss me in my forehead. Napangiti naman ako. Hindi talaga ako nagkamali sa pagpili sa kanya. Hinigpitan ko pa lalo ang pagyakap sa kanya.

"Magyakapan nalang ba tayo dito?" Napatawa kami pareho sa kanyang sinabi


"Hayaan mo sila babe" sumbat ko sa kanya. Habang hindi bumibitaw sa yakap. Feel na feel ko eh


"Uwi na kaya tayo..doon nalang natin ipagpatuloy" hinampas ko siya sa dibdib. Napatawa naman siya

"Joke ba yun?" Tanong ko sa kanya

Nakita ko ang nakakalokong ngiti niya "hmmm..hindi!" Sagot niya

"Babe!" Napabitaw ako sa pagyakap niya at nilingun ko siya.Agad naman siyang tumawa sa reaksyon ko. Alam naman niya na in the first place na hindi pa talaga ako handa sa ganoong bagay. At alam naman rin niya na ibibigay ko lang yung tinatawag nilang langit pag kasal na kami which is nirerespito naman niya.



"Ikaw naman hindi mabiro" giit niya. "Halika na alis na tayo..pupuntahan pa natin ang mommg at daddy mo" agad naman akong tumayo at lumabas na kami pareho sa nasabing restaurant.










Agad na kaming pumunta sa bahay namin. Laking pagtataka ko kung bakit parang may mali. Napatingin ako kay Edward pero parang wala rin lang naman ito. Agad akong pumasok sa bahay at tinungo ko ang kusina kasi nandun lang ang may linawag eh. Pagtungo namin ni Edward ay laking gulat ko na lamang kung bakit ang raming pagkain.




"Mom, dad i told naman kanina diba na hindi ako dito mag di-dinner?" Saad ko sa kanilang dalawa




"Yes sweetheart!" Agad namang sagot ni daddy sa akin.

Napakunot ang noo ko. Nilingon ko si Edward na nagkibit balikat lamang


"Iho, welcome back!" Agad namang lumapit si Edward kay dad at yumakap. At lumapit ito kay mommy para bumeso-beso.






"Hindi niyo man lang ba titikman ang mga niluto ko?" Saad ni mommy Dianne sa akin



"Of course tita, gutom na rin naman ako" kumunot ang noo ko sa sinabi ni Edward

"Pero-" hindi na ako pinatapos ni Edward magsalita dahil hinila na niya ako at pinaupo.

Tahimik lamang kami kumakain. Busog ako eh, paano ko ito lulunukin. Nahihiya naman ako kay mommy Diane pag tatagihan ko siya. Siya pa naman ang nagluto nito. Baka magtampo eto sa akin.




Napalingon lamang kaming lahat ng tumikhim si Edward at biglang tumayo. Binalingan ko sina mom at dad na seryosong nakatingin sa kanya. Anong problema nito?




Tumikhim na naman ito ng pangalawang beses "ahmm.. Tito, tita" inisa-isa niyang tinignan sina mom at dad nakita ko naman nakatango lamang sila mom at dad pareho. "Babe, I'd like to say something" nakita ko ang seryosong titig niya sa akin. Bigla akong kinabahan. Ano kaya ang sasabihin nito sa akin?. Hindi kaya nakabuntis ito doon sa ibang bansa? Nakapag-asawa ng puti? O baka iiwan na ako?


"No hindi!" Bigla kong sigaw. Nakita ko ang pagkagulat ni Edward pati sila mom at dad sa akin na ang atensyon


"Babe?" Takang tanong ni Edward sa akin


"Ah...heheheheh g-go on b-babe c-care to t-tell ano ba y-yung gusto mkng sabihin sa akin?" Ang bilis ng takbo ng puso ko. Tangina, nag tachycardia yata ako. Napalunok ako ng tatlong beses. Sana mali ang nasa isip ko.





"Babe kasi- alam kong mabibigla ka but babe-" eto na sasabihin na niya. Bigla nalang may kung anong namumuong luha sa aking mga mata. Hindi ko alam kong bakit siguro dala sa kabang nararamdaman ko.

I own His HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon