"Babe kasi- alam kong mabibigla ka but babe-" eto na sasabihin na niya. Bigla nalang may kung anong namumuong luha sa aking mga mata. Hindi ko alam kong bakit siguro dala sa kabang nararamdaman ko.Nakita ko siyang papalapit sa aking pwesto. Napatingin ako ng bigla niyang kinuha ang isa kung kamay. Napapansin niya siguro na nanginginig ako kasi tinitigan niya ito.
Nakita ko ang pagsilay ng ngiti sa kanyang mga labi "babe kung-" saad ko pero hindi na niya ako pinagpatuloy dahil agad na siyang lumuhud sa harapan ko.
"Baby, will you marry?" Napatakip ako sa aking bibig sa kanyang sinabi. Napalunok ako dala ng pagragasa ng aking mga luha. Napatango ako bilang tugon sa kanyang tanong sa akin. Napatayo naman si Edward at agad akong niyakap ng mahigpit.
"Hindi mo alam kung gaano mo ako pinasaya babe" wika ni Edward sa kanya
"Ako kaya ang pinasaya mo, hindi ko akalain na gagawin mo ito at kinun chaba mo pa sina daddy at mommy huh" giit ko sa kanya sabay pag kirot sa kanyang tagiliran.
"Ouch! Hahaha... Hindi na siya surprising babe kung ipagtatapat ko pa ito sayo right?" Saad nito sa kanya
"Pasalamat ka mahal kita!" Wika niya rito sa binata
"I love you too babe!" Sabay halik sa noo. Napatikhim naman ang kanyang daddy na agad naman sila pareho napalingun.
"Mamaya na siguro kayo mag lambingan, ang mabuti pa tapusin muna natin ang pagkain" saad ni mommy sa amin. Napatawa naman kami sa kanyang sinabi. Hindi ko akalain kong gaano ako kasaya ngayon araw. Ito yung pinakahihintay na mag propose na sa akin si Edward.
Pagkatapos ng aming salo-salo ay agad na ring nagpaalam si Edward kina mommy at daddy. Sinamahan ko na rin siya sa labas.
Kinuha niya ang kamay ko kung saan isinuot niya ang singsing. "Perfect! Bagay na bagay saiyo,beautiful" napangiti naman ako sa kanyang sinabi.
"Babe, hindi mo alam kung gaano mo ako pinasaya..." Saad ko
"So you mean you waited for this to happen?" Nakita ko ang nakakaloko niyang ngiti
"Tse! Hindi ah!" Napamula ako sa kanyang sinabi
"Your blushing babe hahaha! But well kahit naman hindi mo ito balak hintayin, gagawin at gagawin ko rin naman ito sayo babe..ganyan kita kamahal" agad ko siyang niyakap ng mahigpit "always remember babe, no matter what happen..mhal na mahal kita" tinitigan ko siya sa kanyang mukha. Nakikita ko sa mga mata niya ang pagka seryoso. Para bang may ibang mangyayari.
"Ano ba yang pinagsasabi mo?" Saad ko
Bigla nalang niya akong hinila at hinalikan sa labi. Agad kong pinulupot ang aking mga kamay sa kanyang leeg. It takes 10 seconds bago nagkahiwalay ang mga labi namin at habol pa namin pareho ang mga hininga namin. "I love you Rafa" seryosong sabi nito sa kanya
"I love you too babe" giit niya rin sa binata " sigi na gabi na oh! Malayo pa ang byahe mo" dagdag niyang sabi sa binata
"Okay, i have to go..ingat ka palagi babe!" Saad ni Edward
"Ikaw ang mag-iingat babe" saad ko sa kanya.
Tumalikod na siya papunta sa kanyang sasakyan. Pero agad naman itong huminto dahilan para sa pagkunot ng noo ko. Bigla siyang humarap sa akin at seryosong mukha nito na para bang may something.
"M-may nakalimutan ka pa ba babe?" Tanong ko sa kanya. Hindi siya sumagot bagkus agad siyang bumalik sa pwestong kinatatayuan ko at niyakap ako ng mahigpit.
"Mahal na mahal kita, huwag na huwag mong huhubarin ang singsing na yan babe.. Tanda yan ng pagmamahal ko sa iyo" and he kissed me on my forehead then he smiled. " i have to go, goodnight" napatango na lamang ako. Ewan ko ba parang may mali sa bawat salitang binibitawan niya. Ako man ay naguguluhan pero ewan hindi ko malaman ang kasagutan. Nakita ko na lamang na papalayo na ang sasakyan niya. Agad naman akong pumasok sa loob ng bahay at dumiretso sa kwarto.
Habang nakahiga sa higaan ay titig na titig pa rin ako sa singsing na nasa aking mga kamay. Hindi ko maiwasang hindi mapangiti. Pangarap ko ito. Pangarap kong ikasal sa taong mahal ko at mahal na mahal ako. Kadarating lang niya kanina pero ito pala ang pinaghandaan niya .
________
Someone's POV"hello bro? Yes im on way to the club..okay bye" saad niya sa kausap niya sa kanyang cellphone. Napahinga siya ng malalim habang nagmamaneho papunta sa club ng kanyang mga barkada. Ilang years naba bago ulit siya naka tungtong sa bansang ito? Almost 4 years na siyang hindi nakakauwi dito.
Napangiti na naman siya habang inaalala niya ang nangyari sa airport kanina kung saan niyakap siya ng mahigpit ng babae.
"Napagkamalan ba naman" sabi niya sa sarili. Hindi niya pa rin maiwasang hindi damhin ang bawat yakap ng babae. Na para bang may kung anong dala ito sa kanyang sistema. Pero agad niya iwinaksi ang pangyayari. Pinangako na niya sa kanyang sarili na hinding-hindi na siya magka- interes pa sa isang babae. Nabigla siya ng may tumawag sa kanyang cellphone. Kinapa na lamang niya ito dahil nasa daan ang focus niya. Pero na slide niya yata ang kamay niya dahilan sa pagkahulog sa ilalim ng kotse ang cellphone. Nakita naman niya na walang kaharap na sasakyan kaya bumaba ang tingin niya sa cellphone na nahulog. Dali-dali naman niya itong pinulot para sagutin. At nang mabalik ang tingin niya sa daan yun nalang ang gulat niya ng may papalapit rin na sasakyan sa kanya "Fuck!" Hindi na niya mailiko pa ang sasakyan dahilan kung saan sa sinag ng ilaw ng sasakyang nasa harap niya.
Hindi na niya alam ang pangyayari dahil ang huli naalala na lamang niya ay ang pagtilapon niya dahilan sa pagtanggal niya ng seatbelt.
----------
Comment
Vote
Follow para ma update ko siya agad ! Thank you❤ vonnetta17
BINABASA MO ANG
I own His Heart
Romance***** Rafaela Concepcion story A well-known surgeon Lahat nasa kanya na. Pag-ibig, kasikatan at mapagmahal na pamilya. Pero paano kung isang trahedya ang mangyayari. Makakaya pa kaya niyang ipagpatuloy ang buhay niya o may darating na bago sa buhay...