c-17

111 3 1
                                    

Ikalawang araw na namin dito sa tagaytay. Papunta ako ngayon ng kusina dahil magluluto ako ng agahan namin ni Vincent baka kasi tulog pa ito kaya naisipan ko na ako nalang yung magluluto.

Pagpasok ko pa lamang sa kusina amoy kuna ang lutong corned beef. Nakita ko si Vincent na naka topless lamang. Oh wait? Topless?. Shocks! Ang hot niya! Wika ng aking isipan. Naka boxer shorts lamang ito at walang pang itaas. Napalunok ako ng dalawang beses. My god! Busog na ako nito promise! Agad kong iwinaksi ang nasa isip ko. Mali itong ginagawa kong pagpantasya sa kanya! Lol!

Tumikhim ako para naman maagaw ko ang atensyon niya sa pagluluto "ehem!" Nakita kong napalingon siya sa gawi ko at ngumisi lamang ito.

"Ang hot naman" wika ko. Nakita ko ang pagkunot nang kanyang noo kaya dali-dali akong bumawi sa sinabi ko "ay este! A-ano...ang..ang corned beef! P-patikim huh!" Dagdag na wika ko sa kanya. Pasimple ko namang tinikman ang corned beef na luto niya.

Binalingan ko siya at tinignan mula ulo hanggang paa. Shetss! Ang gwapo niya "ang sharapp huh!" Saad ko sa kanya. Habang tinignan ko  pa rin siya pabalik-balik taas- baba. Ano bang nangyari sa anatomy and physiology ko noon? Takte naman!

Nakita kong napangiti siya "ang alin ang corned beef?" Bungad na tanong nito sa akin. Kaya nawala sa isip ko ang mga sinasabi ng isip ko. Ano ba ang gulo na!

"Ikaw! A-aay! E-este...ang c-corned beef! Oo! Tama! Ang corned beef! Ang s-sarap!" Puta! Ano bang nangyayari sa akin? Rafa wake up! Hubad lang yung tao sa harap mo nagkaganyan kana!. Lumapad ang ngiti nito na napatingin sa akin. Isang ngiti mo at diba laglag na itong panty ko! Kainis! Agad ko na siyang iniwan sa kusina. Baka kasi ano mang oras bibigay na ako dito. Joke lang hihi.

"Halika na kain na tayo" bungad ni Vincent
"Sige" wika ko
Salamat naman at naka t-shirt na ito baka hindi ko na malunok ang kinakain ko.
"Are you okay Rafa?" May himig na pag-alala sa boses nito. Umiling naman ako sa kanya.
"You don't like the food? Mag order nalang tayo. I will call mang Celso para--" hindi ko na siya pinatapos pa
"Its okay, uhmmm... Masarap yung food," kung alam mo lang Vincent kung anong iniisip ko ngayon. Haysss! Ano ba yan!
"Papasyal tayo ngayon sa Resort" bungad ni Vincent habang patuloy parin sa pagkain. Tumango naman ako bilang tugon sa sinabi niya.

Nasa sasakyan kami ngayon habang binabyahe namin ang Resort nila ni Vincent. Si Vincent ang nag dadrive so ang ending walang imikan. Walang nagsasalita sa amin. Tinignan ko siya pero busy lamang ito sa pagmamaneho. Ibinaling ko na lamang ang paningin ko sa daan. Nabigla ako ng may biglang tumunog na musika sa loob ng sasakyan niya.

Migraine by Moonstar88

Oo nga pala, hindi nga pala tayo
Hanggang dito lang ako, nangangarap na mapa-sayo
Hindi sinasadya
Na hanapin pa ang lugar ko
Asan nga ba ako? Andiyan pa ba sa iyo?

Agad akong napalingon sa gawi ni Vincent. Seryoso pa rin ito sa pag dadrive. Hindi ko alam ang naramdaman ko pero ang bilis ng pintig ng puso ko.

Nahihilo, nalilito
Asan ba ko sayo? Aasa ba ko sayo?

Nasusuka ako, kinakain na ang loob
Masakit na mga tuhod, kailangan bang lumuhod?
Gusto ko lang naman, yung totoo
Yung tipong ang sagot, ay di rin isang tanong

Nahihilo, nalilito
Asan ba ko sayo? Asan ba ko sayo?
Nahihilo, nalilito
Asan ba ko sayo? Aasa ba ko sayo?

dinarama ang bawat salita sa kanta. Bawat salitang binitawan sa kanta na para bang may kahulugan.

"Tinamaan ka sa kanta nuh?" Agad akong napalingon sa kanya nang bigla itong magsalita. Sa kalsada parin ito nakatingin.

"H-hindi noh! Bakit naman ako matatamaan!" Nakita kong napa smirked siya sa aking sinabi.

"Here we are!" Agad naman akong napatingin sa paligid sa kanyang sinabi. Namangha ako sa aking nakita. Napakaganda kasi. Dali-dali akong lumabas sa kotse at nagtungo sa baybayin. Pumikit ako at dinaramdam ang paligid. Ito yung gusto ko ang mag relax.

"You like it?" Napamulat ako sa aking mata at agad nilingon ang binata. Masaya akong tumango-tango sa kanya at niyakap ito. Teka? Did I just hugged him? Wika ng isip ko. Agad naman akong napaiwas sa kanya.

"I-im.. Sorry, nabigla lang ako.. A-ang ganda kasi.." Nakita kong ngumiti naman ito sa sinabi ko.

"I know you like this place..kaya kita dinala dito..come here I'll show you something" hindi na ako nakapagsalita pa ng hilahin na niya ang kamay ko.

"Saan tayo pupunta?" Bungad kong tanong sa kanya

"Basta!" Sagot nito.

Nagulat ako ng may matanaw akong kubo na nasa may dagat. Agad ko siyang binalingan.

"Pupunta tayo jan! Come here!" Hinila na naman niya ako. Nakaapak na ako sa dagat hindi naman siya malalim hanggang tuhod ko lang naman yung tubig.

At nang makarating na kami ay na surpresa ako sa dami ng pagkain na nakalatag sa mesa ng kubo. Actually ang nasa loob ng kubo ay may isa kama atsaka may lamesa at dalawang upuan. Ang ganda talaga! Atsaka makikita mo yung lawak ng dagat at preskong hangin. Napatingin ako kay Vincent na umupo sa bakanteng upuan sa harap ng mesa.

"Balak mo ba akong baboyin? Kakakain lang natin ah!" Wika ko sa kanya
"Hmmm...pwede na rin" ngiting wika nito sa akin "gusto mong maligo?" Umiling naman ako sa kanya. Kahit sa kaloob-looban ko gusto ko talaga. Pero ayoko, wala akong extrang damit.

"Naligo na ako kanina sa bahay" I said
"Iba naman pag nasa dagat" saad ni Vincent. "Come here! Umupo ka dito sa tabi ko" dagdag ni Vincent.
Agad naman akong lumapit sa kanya at umupo. Wala kayang gamot sa varicose! Lol!.

Tahimik lamang kami habang nakatingin sa dagat. Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Vincent kaya agad ko itong nilingon. At pag lingon ko sakto naman na nakaharap na ito sa akin. Napalunok na naman ako ng dalawang beses. Ngumiti ito sa akin at agad nag iwas ng tingin.

"Have you remember our first meet?" He said.
"Sa airport?" I chuckled
"Yup! Na akala mo ako yung boyfriend mo?" Saad nito
"Excited lang kasi ako masyado noon" saad ko naman sa kanya. Napaisip naman ako ng may bigla akong naalala.
"Uhmmm, may gusto lang sana akong tanong sayo" wika ko sa kanya. Napatingin na ito sa akin
"What is it?" Tanong niya
"A-ano yung ginagawa mo sa puntod ni E-edward? I m-mean..nung nakita kita.. Kasi wala naman akong maalala na friend kayu ni Edward diba?" Tanong ko sa kanya. Nakita kong natigilan siya sa aking sinabi. Agad niyang iniwas ang kanyang paningin. Bakit? May problema ba sa naging tanong ko? Tanong ng isip ko


-----
Ano na? Masisira ba ang moments nilang dalawa?
Ano na ang mangyayari kay Theo?
Magmamahal na kaya ulit si Rafa?

abangan.....

Keep updated!
Don't forget to comment
Vote
Follow

The more comments much better! Thank uu..

I own His HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon