c-16

114 6 1
                                    

Rafaela POV
Kanina pa ako naiilang sa kanilang dalawa. Para kasing tigre itong kaharap ko na si Theo at para namang lion itong si Vincent. Kulang nalang magpatayan to sa harap ko. Hindi ko na gusto itong ganitong tensyon sa dalawang ito kaya ako na mismo nalang ang unang nagsalita.
"Vincent, paano mo nalaman---" hindi na niya ako pinatapos dahil nagsalita rin ito
"I thought you have an emergency in the hospital?" Tanong nito sa akin. Hindi niya ako nilingon pero alam kong naghihintay lamang ito sa sagot ko.
"Ahh, a-ano kasi.." Ano ba? Bakit ba ako nauutal?
"What?" Dagdag na sabi nito sa akin hindi parin nito nakuhang tumingin sa akin.
"Galing siya sa hospital, may emergency nga.. But after that, I called her to joined me for breakfast" nagulat ako sa naging sagot ni Theo.. Agad kong nilingon si Theo at kita ko ang seryoso nitong mukha habang uminom ng kape
Napa smirk naman si Vincent at tinignan si Theo, "I didn't ask you, I'm asking to my wife, your not my wife right?" Napakunot naman ako sa diretsahang sagot ni Vincent. Ano ba naman tong pinagsasabi ng mokong na ito.
"Vincent!" Wika ko sa kanya. Nilingon naman niya ako at ngumiti. Kita ko ang pantay nitong mga ngipin at napaka puti rin nito.

"What? Totoo naman diba? I didn't asked him" saad nito sa akin
"Tama na Vincent! I came here to meet Theo, may importante kaming pinag-usapan" seryosong saad ko sa kanya.
"Gaano ba yan ka importante Rafa para tanggihan mo ako kanina sa breakfast natin?" Nakita ko ang pag-igting ng kanyang panga. He is mad.
"Ayoko ng eskandalo dito Vincent" mahinang sabi ko sa kanya. Nakakahiya na kasi, nakatingin na sila sa amin. Nakakahiya

"I don't care!" Nagulat ako ng biglang sumigaw si Vincent.. Hindi ko akalain ganito pala siya magalit. Napalunok na lamang ako habang tinitigan siya. Pota! Ang gwapo niya pa rin kasi kahit magalit! Ugh! Ano ba itong iniisip ko. Nabigla ako ng nagsalita na naman ito "Let's go home Rafa!" Seryosong sabi ni Vincent..
"But---" hindi na niya ako pinatapos ng bigla nalang niyang hawakan ang kamay ko na dahilan ng pagtayo ko sa kinauupuan ko "no buts!" Saad nito sa akin. Tinignan ko si Theo na napatungo ito. Siguro tatawagan ko na lamang ito mamaya. Naghihintay ako na kaladlakarin niya ako palabas pero nabigla na naman ako ng magsalita na naman ito sa harap ni Theo "Thank you for accompanying her for breakfast," at kinaladkad na niya ako palabas sa restaurant. Nagulat ako kung bakit dito ako sa sasakyan niya ako pinapasok. "Hey! May dala akong kotse Vincent!" Wika ko sa kanya. Hindi niya ako pinansin. Bagkus ay pinaandar na nito ang sasakyan. Napabuntong hininga na lamang ako.
"I already called Someone to pick your car" mahinahon at seryosong sabi nito. Hindi na ako sumagot bagkus sa labas ng bintana na lamang ako tumingin.



Napamulat ako ng may tumapik sa braso ko, nakatulog pala ako. Pero teka? Saan ba kami? Anong lugar to. Lumingon ako sa tabi ko na nakatingin rin pala sa akin. He's hazel nut eyes, nakakaakit ang matangos nitong ilong at ang mapupulang labi. I remembered noong hinalikan ako nitong mokong na ito hindi ko naman first kiss yun pero ganun nalang rin. Nakita kong napa smirk ito to kaya kumunot ang noo ko.
"Are you done checking me?" Ngiting saad nito sa akin. Umiwas ako ng tingin sa kanya. Namumula na yata itong mukha ko ngayon. Pero teka? Saang lugar ba ito.
"We're here in Tagaytay, halika na" agad naman akong bumaba sa kanyang sinabi. Nakasunod lamang ako sa kanya. Maganda yung bahay na pinasukan namin. Ano namang gagawin namin dito?



Nakasunod lamang ako sa kanya inilibot ko naman ang paningin ko sa magandang bahay na pinasukan namin. Kanino kayang bahay ito?

"Anong ginagawa natin dito?" Bungad na tanong ko sa kanya. Umupo ito sa couch at binalingan ako. Umupo na rin ako kaharap niya.
"We're here for a vacation" wikang sabi ni Vincent sa akin
"Ano? Alam mo na naman siguro diba na marami akong gagawin sa hospital!" Saad ko

"Kinausap ko na ang may-ari and he said okay"
"I-ilang araw tayo dito?" Tanong ko
"3 months" nagulat na naman ako sa kanyang sinabi. Ano ba naman tong araw na ito napaka magulatin ko!
"3 months? Bakit? Anong gagawin natin dito? Your joking right?" Nakita ko ang paghinga nito ng malalim. Seryoso na naman ang mukha nito.
"Gusto kong kilalanin natin ang isa't-isa" bungad nito. Natigilan ako sa kanyang sinabi. Hindi ko na siya sinagot pa at tumayo na ako at umalis sa harapan niya.




Hapon na nang napag desisyunan ko nang magluto ng pagkain namin. Gutom na ako kaya ako nalang ang magluluto, umalis kasi sandali si Vincent ewan ko kung saan yun pupunta. Pake ko ba!

Pagkatapos kung magluto ay sakto naman ang pagdating ni Vincent, good timing huh!

"Hi!" Masiglang bati nito sa akin. Tumango naman ako. "Upo kana kain na tayo" saad ko sa kanya. "Wow, gutom na nga ako" ngiting pahayag nito. Hindi na lamang ako umimik pa at nagsimula na rin akong kumain. "I just checked the resort, pupuntahan natin yun bukas" saad ni Vincent. Tumango lamang ako.
"Ohh, by the way bigay ni Mang Celso, katiwala ko sa resort" nakita kong binuksan niya ang Tupperware at napangiwi ako sa aking nakita
"I-i didn't eat shrimp" bungad ko sa kanya. Nakita kong nawala ang ngiti sa kanyang labi kaya agad na akong nagsalita
"Allergic ako sa seafoods" bungad ko sa kanya.
"Oh! Sorry I didn't know, but you eat that fish" turo niya sa isda na nasa plato. Kumunot naman ang noo ko. "Diba seafoods rin yan? Galing yan sa sea diba?" Dagdag nitong sabi.

"Nagpapatawa kaba?" Tanong ko
"Hmmm..pwede na rin" and then he chuckles. "Mabuti nga na nandito tayo, so I got to know you more" saad nito. Natigilan ako sa aking pagsubo at binalingan siya. Kumakain na ito. Umiling-iling na lamang ako. Sakit sa ulo itong lalaking ito.



-------
Sa mga nag request ng UD ito naaaaa😁
Ano na next? Hihi
Kayu? Sino bet niyo
#teamTheo
"teamVincent


Comment na para masaya...

I own His HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon