Hawak- hawak ko ang chart ng isang pasyente patungo sa silid nito. Naka private room kasi ito kaya agad na akong nagtungo para bisitahin ang kalagayan nito. Kumatok ako at agad pumasok nakita ko ang pasyente na nakahiga sa mismong higaan nito kasama ang matandang babae. Hindi naman siya katandaan parang kasing edad lang ito ng mommy Dianne niya kun baga.
Nakita niyang napangiti ang babae sa kanya samantalang hindi naman siya binalingan ng pasyente.
"Magandang umaga doctora" bati sa kanya ng ginang. Siguro ina niya ito.
Napangiti naman siya rito "magandang umaga rin po sa inyo madam" wika niya sa ginang."Upo ka muna doctora" nakita niya na mabait ang ginang agad naman siyang napa iling sa sinabi ng ginang sa kanya.
"Huwag na po, uhmm..kukumustahin ko lang po yung pasyente" agad naman niyang binalingan ang pasyente na para bang hindi siya nito nakikita. Bakas sa mukha nito ang seryosong awra ni hindi nga siya nito natapunan ng tingin. Base kasi sa chart ng pasyente, meron itong fracture sa dalawang lower leg nito dulot ng isang disgrasya dahilan para hindi makakalakad ang pasyente."Uhmm..sir Theo, kumusta na ang pakiramdam mo?" Mahinahong wika niya sa binata. Ngunit hindi parin ito sumagot sa tanong niya kaya napabuntong hininga na lamang siya.
"Uhmm, sir?" Saad na naman niya sa binata. Pero laking gulat niya ng bigla nalang siya nito sinigawan
"Do you think im okay? Stupid!" Nabigla siya sa sagot ng binata. Ito lang kasi ang kauna-unahan na sinigawan siya ng pasyente. Pwera nalang sa mga senior doctor niya. Pero ito, ito palang ang kauna-unahan.Napalingon siya ng magsalita ang ginang "naku, doctora pasensya kana sa anak ko, siguro hindi niya lang matanggap na hindi na siya makakalakad pa. Pag pasensyahan mo na siya doctora" ngumiti naman ako ng tipid. Binalingan ko naman ang pasyente na parang galit na ito. Agad kong nilingon ang ina niya.
"Madam, may iba pa pong paraan para makalad ang anak niyo. We can do therapy session..para po mabalik sa dating normal ang paglakad niya" agad kong nilingon ang binata. Alam kong nakikinig siya sa amin ng kanyang ina
Nakita ko naman ang pagliwanag ng mukha ng kanyang ina "gagawin namin yan doctora, alang-alang sa kanya.. Nag-iisa namin siyang anak ng ama niya...gagawin namin ang lahat makalakad lang siya muli" napangiti naman ako sa sinabi ng kanyang ina.
"Sige po, madam.. Gagawan natin ito ng paraan hahanap po tayo ng isang therapist para sa kanya..sige po madam alis na po ako" agad ko naman binalingan pabalik ang lalaki pero wala pa rin itong imik. Agad na akong umalis sa kanyang silid. Napabuntong hininga na lamang ako.
"Ang lalim yata noon doctora!" Ngiting saad ni Dr. jimenez. I just roll my eyes on him.
"Ewan ko ba naiinis ako doon sa pasyente. Siya na nga ang kinumusta siya pa ang may ganang magalit" saad ko sa kanya. Nakita ko naman na napatawa siya "anong nakakatawa?" Tanong ko sa kanya"Iba na yan doctora" at agad na itong umalis. Napakunot ang noo ko sa kanya. Ano namang nakakaiba doon? Bakit hindi ba pwedeng mainis sa pasyente? Tssk!
Agad na akong umuwi sa amin. Daretso na ako sa aking kwarto at humiga. Haysss! Nakakapagod ang araw na ito. Daming ginagawa at ang dami rin pumasok sa aking isipan. Isa na roon ang kasal na sinsabi ni Vincent!
"Bukas na pala" agad akong napatingin sa kamay ko kung saan tiningnan ko ang singsing na bigay ni Edward sa akin noon. Naramdaman ko na naman ang pagtulo ng luha ko."Na mimiss na kita babe..pasensya..pasensya kong..kung---" hindi ko na pinatapos ang sasabihin ko dahil napahagulhol na ako ng iyak. Hindi ko kayang matali sa iba. Lalong lalo na wala ako nararamdaman. Ayokong palitan si Edward sa buhay ko... Pero alam ko rin na hindi na maibabalik pa ang nakaraan.
"Edward...patawad...patawad kong gagawin ko ito" pinunasan ko ang luhang tumulo sa mukha ko. Pinikit ko ang aking mga mata at hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.
Someone's POV
"Hey! Bro what's up!" Bungad sa kanyang kaibigan. Hindi niya ito sinagot dahil alam naman niya na magungulit na naman ito. Nag-iisa lang siya dito sa silid dahil umalis ang mama niya. May meeting kasi sa kumpanya nila. At dahil hindi nga siya makakaalis kaya ang ina na lamang niya ang nag silbing papalit muna niya hanggat hindi pa siya maayos.Nagsalita na naman ang madaldal kong kaibigan "ang sabi ni tita magpapa the---" hindi ko na siya pinatapos pa dahil inunahan ko na siya.
"Im not in the mood today Luke!" Saad ko sa kanya
"But dude, i think it's the best way naman diba? Hindi naman pwede hanggang ganyan ka nalang forever! Hello? Paano naman ang mga chika babes mo Hahahah" napa poker face naman ako sa kanyang sinabi. Hindi ko alam kong ano ang gagawin ko kung susundin ko ba ang sinabi ni mommy sa akin o hindi.. Until now nasasaktan pa rin ako sa nangyari sana wala nalang rin ako.. Pinikit ko ang mga mata ko at naaalala ko na naman si Daisy. "Fuck!" Biglang kong saad. Napalingon naman sa akin si Luke."Hey? U okay dude? May masakit ba sa iyo?" Umiling naman ako sa kanyang sinabi
"Naka decide na ako" saad ko kay Luke. Nakita ko ang pagkunot ng kanyang noo
"Ang alin?" Takang tanong niya sa akin"I need to rest..just call my mom sabihin mo mag - uusap kami" wika ko sa kaibigan ko napa nood naman siya sa sinabi. At pinikit ko na ang mga mata ko.
Naalimpungatan ako sa tunog ng cellphone ko. Agad kong dinilat ang mga mata ko at tinignan kong sinonh distorbo ang tumawag sa akin. Nakita ko sa caller na si Odette ang tumawag. agad ko naman itong sinagot dahil alam kung emergency na naman ito. Hindi kasi tatawag si Odette pag hindi emergency.
"Hello Odette? Napatawag ka ng maaga?" Bungad ko sa kanya
"Naku doctora pasensya na kasi... Kasi ano tumawag kasi ang ina ng pasyente mo.." Nagtaka ako sa sinabi ni Odette..
"Tumawag? Atsaka madami naman akong pasyente sino ba sa kanila?" Tanong ko sa kanya"Si ano ..si Theo Falcon" napakunot ako ng noo. Theo? Napaisip ako.. Sa dinami kasing pasyente ko hindi ko na sila memoryado. Agad naman akong nagsalita
"What about him?" Tanong ko sa kabilang linya
"Sabi ng mommy niya mag papatherapy na daw siya" agad akong nagulat sa sinabi ni Odette. Lumiwanag ang mukha ko sa kanyang sinabi.
"Ganun? Sige- sige pupuntahan ko siya ngayon sa ospital" bungad ko. Hindi ko na pinatapos pa si Odette at binaba ko na ang tawag. Dali-dali akong pumasok sa bathroom para gawin ang morning rituals ko.------
Hanggang dito po muna😊
nako po sino kaya itong si Theo? Ano kayang papel niya sa buhay ni Rafaela..Si Theo o si Vincent? Hmmm..
Just keep on updated guysss! And don't forget to comment
Vote
Follow
BINABASA MO ANG
I own His Heart
Romance***** Rafaela Concepcion story A well-known surgeon Lahat nasa kanya na. Pag-ibig, kasikatan at mapagmahal na pamilya. Pero paano kung isang trahedya ang mangyayari. Makakaya pa kaya niyang ipagpatuloy ang buhay niya o may darating na bago sa buhay...