C-4

494 6 0
                                    

Rafaela POV

"Edward!" Agad akong napasigaw dahil sa masama kung panaginip. Hindi ko alam pero naka aircon naman ang kwarto ko pero bakit ganito ako kung pinagpawisan. Para kasing totoo yung nasa panaginip ko na nadisgrasya si Edward. Agad ko namang tinignan ang orasan na nasa side table ko katabi ng lampshade. Ala una na pala. Napasapo ako sa aking mukha. Agad kong dinampot ang aking cellphone dahilan na umiilaw ito. Haysst! Muntik ko nang makalimutan may operation pala akong gagawin 4am.

Agad na akong nagtungo sa banyo para maligo. Mamaya ko nalang siguro tatawagan si Edward baka tulog pa iyon.





Pagkatapos kung maligo ay dumaretso na ako sa aking sasakyan. Hindi na ako nagpaalam kina daddy dahil alam naman nila na sa ganitong oras ako aalis tuwing may schedule ako for operations. Pero pag emergency o stat cases ay bihira lamang na nag e stay ako sa bahay dahil sa hospital na ako palagi naka mukmok.


3:35 am na 25 minutes nalang at mag sta-start na yung operation na gagawin ko. Napahinto na lamang ako ng biglang may mga emergency nurse na parang nagmamadali at dala-dala ang stretcher bed. Hindi naman sa natural lang na paangyayari ito sa loob ng hospital pero parang bigla akong kinabahan na ewan. Agad kong sinilip kong ano ang meron. Hindi sa ibig sabihin na chismosa akong doctor pero ewan ko ba kung bakit parang gusto kung lapitan ang pangyayari at usisain kung ano at sino yung tinatakbuhan nga mga nurse at on duty na doktor sa E.R.





Agad akong lumapit para tignan ang pangyayari. Una kung nakita ang isang lalaki na parang familiar sa akin at ewan ko kung saan ko ba ito huling nakita. Puno ito ng dugo at makikita mo kung gaano ito nag-aagaw buhay. Samantalang napalingon naman ako sa pangalawang dinala. Laking gulat ko kung sino ang nakahiga sa damit pa lamang ay alam ko nang si Edward ito. Hindi ko maintindihan para gumuho ang mundo ko sa aking nakita. Hindi ko na marinig ang mga tao sa paligid oarang nabingi ako sa aking nasaksihan. Wasak ang katawan nito na para bang tumilapon.

"Edward!" Sigaw ko habang nakasunod sa kanya. Agad siyang te transfer sa bed at siniraduhan ang kurtina. Bubuksan ko na sana ang kurtina nang biglang tumunog ang intercom

"Dra. Rafaela Concepcion, please proceed to operating room" hinang- hina na ako hindi ko alam kung anong gagawin ko. Napahagulhol pa rin ako ng iyak. Binalewala ko na ang pag paging sa akin agad ko nang binuksan ang kurtina at nakita nila ang pagtaka sa kanilang mga mukha ng nakita nila akong umiyak.

"Dra." Wika ng isang nurse na babae

"Wag kanang magsalita gawin niyo na ang lahat! Lahat- lahat!" Sigaw ko sa kanila

"Dra. Kasi..." Hindi ko na pinatapos pa ang sasabihin ng isang nurse dahil agad ko na siyang pinalitan sa pwesto para e revived si Edward.

"E-edward! Please! W-wake up!" Saad ko habang patuloy pa rin sa pag revived sa kanya.

"Time of death.. 3:58" saad ni Doctor Jimenez. Agad kung binalingan si Dr. Jimenez

"No! No! Noooooo! H-hindi!  .....hindi!" Saad ko sabay hagulhol.. Niyakap ko si Edward wala akong paki kung puro dugo na ang coat ko.


"Dra. Im sorry we did everything... He's dead" hindi ko pinansin si Dr. Jimenez sa kanyang sinabi.

"Dra. Rafaela Concepcion, please proceed to Operating Room now"

"Dra. I think you should go... Kanina kapa tintawag sa O.R. mamaya mo muna alalahanin ang kasintahan mo" saad ni Dr. Jimenez. Agad naningkit ang mata ko sa kanyang sinabi. Parang sinabi na niya rin na pabayaan ko nalang si Edward dito

"How could I set aside him doc,? Kasintahan ko yung nawala!" Sigaw ko sa kanya

"Alalahanin mo naman yung nag agaw buhay sa operating room Dra.! Inaasahan ka ng pamilya nila! Kung isa ka nga talagang doktor bakit mo uunahin ang sarili mo kung may ibang tao na nangangailangan ng tulong mo! Make sense doktora!" Saad nito sa kanya. Natauhan naman siya sa kanyang sinabi. Agad siyang napapikit at iniwan ang lugar na kung saan nandoon ang pinakamamahal niya.

Agad siyang nagtungo sa O.R. at nakapagpalit na rin siya ng scrub suit at nag medical hand washing na rin siya. Pinakalma niya ang kanyang sarili. Tahimik lamang sa loob siguro pati sila alam na rin ang pangyayari. Nakita niya ang pasyenteng nakahiga. Hindi niya maiwasang maalala si Edward. Sinuot na niya ang kanyang O.R gown at may nag assit na rin sa kanya para maisoot ang gloves niya.

Binalikan niya ng tingin ang pasyente. Napabalik nalang siya sa kanyang sarili nang magsalita na ang senior doktor na si Dr. Pimentel ito ang kasama niya tuwing may operasyon sa ulo o something part nito.

"Dra. Shall we?" Agad naman siyang tumango para rito

"S-scalpel" utos niya sa isang nurse na katabi niya. Nanginginig ang mga kamay niya at panay agos naman ang luha niya. Nang nahiwa na ang inner part ng skull ng pasyente ay napahinto siya, tinitigan niya ang pasyente naalala na naman niya kasi si Edward. Napaigting siya ng sumigaw si Doc Pimentel.

"Suction!" Agad siyang natauhan sa sinabi ng doctor. Kinuha niya ang suction tube at sinuction ito para ma pasok lahat ng dugo doon sa suction.

"Doc. Rafa! Nasa operation tayo!" Wika nang senior doctor sa kanya

"Im s-sorry doc!" saad niya

"Just continue" tumango naman siya.

Mahigit isang oras at natapos rin ang isinagawang operation. Agad siyang lumabas habang punas-punas niya ang kanyang luha. Nasasaktan pa rin siya sa nangyari.

Agad siyang pumunta sa morge nang nasabing hospital at halos natakpan na niya ang kanyang bibig sa kanyang nasaksihan.

"Edward!" Sigaw niya kasabay nang paghaguhol niya

"Edward! Bakit! Sabi mo hindi mo ako iiwan! Sabi mo magpapakasal pa tayo! Pero bakit! Bakit!" Napahagulhol siya ng sobra. "Yun ba yung sinasabi mo sa akin kagabi hudyat na ba yun para...para mangayari to? Huh Edward?" Sigaw ko. Napayakap ako sa malamig niyang katawan. Hindi ko lubos akalain na hahantong kami sa ganito. Ang mga masaya naming alalaala ay nauwi lang sa isang bangungut. Biglang may tumapik sa likuran niya at nilingon niya ito. Nabungaran niya ang mugtong-mugtong mata na ina ni Edward.

"T-tita.." Saad ko "t-tita si...si Edward" hagulhol ko. Sobrang sakit. Para akong pinapatay sa sobrang sakit. Nagkayakapan kami ng mommy ni Edward. Dama ko rin ang sakit ng kanyang nadarama dahil sa pagka agang pagkawala ng kanyang anak.

"Hindi ko lubos maisip na mangyayari ito sa anak ko Rafa" nakita ko ang pagtulo ng luha sa mommy ni Edward. "Alam na alam mo yun kung gaano ko kamahal ang anak ko, pe-pero wala na tayong magagawa pa...n-nangyari na yung nangyari" saad ni tita




"T-tita" giit ko. Dahil hindi ko akam kong ano ang sasabihin ko


"I suggested na e dodonate ko nalang ang puso ng anak ko since then ang brain dead naman ang dahilan ng pagkamatay ng anak ko since then sa ulo naman siya mukhang nawasak" saad nito sa kanya

Napa -iling iling siya hindi niya gusto na may ibang tao ang makakatanggap sa organ ng minamahal niya "No, tita wag...paano tatahimik si Edward kung yan ang gagawin mo" giit ko habang patuloy parin sa pag-agos ang luha




"Alam ko rin yon iha, pero ayoko namang ipagkait ito sa isang taong nangangailan din ng tulong...." Hindi ko alam kung bakit sobrang bait ni tita. Kaya siguro sobrang mahal ko ang anak nito



"S-sino ang taong dahilan ng pagkamatay ni Edward tita? Sino?" Tanong ko sa kanya.

Nakita ko ang paghagulhol na naman ni tita. Agad ko siyang niyakap at napaiyak na rin ako. Kung sino man yung taong kabangga ni Edward mamatay ka sana! Hayop ka! Wala kang awa!

I own His HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon