Rafaela's POV
hayss! Bukas na ang huling palugit nang lalaking iyon. Pero kulang parin. Kahit pag iipunin ko pa lahat ng naipon ko hindi parin ito magkakasya! Tumawag na rin ako sa kapatid ko pero pati siya nagkaproblema.. Bakit ba naman kasi kami nagkaganito? Kung nandito lang sana siya ngayun hindi sana ako magkakaganito. Napahikbi ako ng maalala ko nanaman ang taong minahal ang taong magiging asawa ko na sana. Napabuntong hininga na lamang ako at agad ko nang pinunasan ang mga luhang kanina pa nag uunahan sa paglabas. Hinawakan ko ang kamay ko at napatingin ako sa singsing na soot ko. "Kaya ko naba?" Mahinang sabi ko sa sarili. Pinikit ko ang aking mata para hindi na alalahanin ang mga nangyayari. At hindi ko namalayan ay nakaidlip na pala ako.
Napamulat ako at hindi ko namalayan ang oras tanghali na pala! Agad akong napabangon at naalala ko na ngayon pala kami magkikita. Agad akong bumangon at dali-daling nagtungo sa banyo upang alam niyo na gawin ang morning rituals namin mga babae.
Agad na akong bumaba at nakita ko sa sala na nag uusap sina mommy at daddy alam ko tungkol na naman ito sa kumpanya ang pinag-uusapan nila. Naaawa na ako kay dad at kay mommy alam kong pinaghirapan nila ang kompanya na yun. Napabuntong hininga na lamang ako at nagpatuloy sa pagbaba. Napaangat naman ng tingin sila mom at dad sa akin. Napangiti naman ako sa kanila.
"Hey, iha where are you going?" Tanong ni dad sa akin
"Uhmmm...dad...a-ano magkikita kami ni Odette ngayon" saad ko ni dad. Nagkatinginan naman sila mam and daddy.. "Uhmmm dad i have to go" dagdag kong sabi at agad ng umalis. Hindi ko na hinintay pa ang sagot nila. Agad na akong sumakay ng sasakyan at pinaandar ito.Agad kong pinark ang sasakyan ko sa sinabing tagpuan namin ni Vincent. Medyo kinabahan ako at hindi ko alam kung bakit ako kinabahan ng ganito. Iba yung kaba eh na para bang sumabak ka sa isang kompetisyon na para bang hindi ka prepared. Hayssss! Nako naman. Napatikhim ako at agad akong pinagbuksan ng kanilang crew. Nilibut ko ang paningin ko sa restaurant napakaganda ng ambiance sa lugar makikita mo talaga na mamahalin at mga mayayaman ang pumapasok dito. Nagpalinga-linga ako sa paligid. Naningkit ang mata ko ng may nahagip ako ng isang tao na para bang malayo ang kanyang paningin. Nakatingin lamang ito sa labas. Makikita mo sa mukha nito ang seryoso nitong awra at para bang walang ka emosyon ang mukha nito. Napahigpit ako ng paghawak sa pouch kong dala. Napahinga ako ng malalim at agad kong tinungo ang pwesto ng table nito.
"Ehem!" Napatikhim ako para maagaw ko ang atensyon niya. Napakalalim kasi ng iniisip. Mukha nga atang hindi niya napansin ang prisensya ko. Agad naman umakyat ang kanyang tingin sa akin. Tinitigan niya ako. Hindi ko alam kung anong na fe feel ko pero parang may kung anong kuryente ang dumagan sa sistema ko sa bawat titig niya sa akin.
"Ehem! May dumi ba ako sa mukha?" Taray kung tanong sa kanya. Pero hindi parin siya natinag tinitigan parin niya ako. Ano bang problema ng lalaking ito? Hindi ba siya nagsasawang titigan ako?
"Ehem!" Pagtikhim ko na naman sa kanya.
Nakita ko na napa smirk siya "may trangkaso ka ata?" Agad akong nagulat sa kanyang sinabi"What!?" Napakunot ako sa kanyang sinabi
"Take a sit! Baka kung ano pang masasabi ng mga tao dito na hindi kita pinapaupo" seryosong sabi nito sa kanya. napalingon naman siya sa mga taong kumakain at hindi nga siya nagkakamali may iba nga na tumitingin sa kanya. Napayuko naman siya at dahan- dahang umupo.
"So---" akmang magsasalita na sana siya ng pinutol na ang sasabihin niya ng binata
"Let's order first! Im hungry" saad nito habang tumintingin sa menu. Napairap naman siya sa lalaki.
"Did you roll your eyes on me?" Wika ng lalaki na patuloy pa rin sa pagtingin sa menu nito. Nabigla naman siya sa sinabi ng binata. Aba't! Gago pala to ah. Sabi niya sa isip.
Pagkatapos na nilang mag order ay namayani ang katahimikan sa kanilang dalawa. Hindi niya alam kung ano ang una niya sasabihin. Paano ba naman kasi napaka seryoso ng lalaking ito. Ni hirap nga siyang mag joke dito. Kala mo naman kung sinong gwapo. Pero gwapo naman talaga siya, matangos ang ilong maganda ang mga mata nito na para bang mahihigop ka pag titigan ka nito at mapupula nito mga labi na siguro masarap to halikan. Teka wait? H-halikan? Saad ng isip niya. Ano ba yan. Kung saan- saan nalang napadpad ang isip ko. Napahinga nalang ako ng malalim.
"Are you done checking me?" Nabigla na naman ako sa kanyang sinabi. Ano ba tung klaseng lalaki ito? Mga mata pa ito sa tenga niya? Ba't alam niya tinitigan ko siya.
"Ba't naman kita tititigan?" Paghahamon kung saad sa kanya. Hindi siya sumagot bagkus agad siyang lumingon sa akin at seryoso parin ang mukha nitong napatitig sa akin.
Agad naman dumating ang kanilang mga orders. At walang atubiling kinain na niya ito. Gutom na rin kaya siya. Hindi kasi siya nag agahan kanina.
"So how was it?" Saad ng lalaki. Agad naman niyang nabitawan ang kanyang tinidor. At napatingin sa lalaki.
"Ahh...ano k-kasi"
"What?" Seryosong sabi nito
"Hindi kita mababayaran" daritsong saad niya sa binata. Nakita niya naman ang pagliwanag ng mukha ng binata.
"So you will marry me then?" Wika nito sa kanya
"M-may..may iba ba na paraan aside sa marrying you?" Pag-uutal niyang sabi
Binitawan ng lalaki ang kutsara at tinidor nito na hawak at napatukod naman ang kamay nito sa lamesa agad naman siya nitong tinitigan "yes! May ibang paraan..unless you will.."
Agad naman siyang nagsalita "you will what?" Dugtong niya dito
"You will give yourself to me.. Make love with me" seryosong sabi nito sa kanya"What??" Napasigaw siya sa sinabi ng binata. Nakita niyang napatingin ang mga kumakain sa kanila. Napapatawa ba ito? Kasi kung oo nakakatawa siya! Nakatingin parin sa kanya ang lalaki na para bang seryoso parin ito sa kanyang sinabi.
-------
Hanggang dito po muna. Pasensya po at natagalan ang UD ko busy kasi sa school. Huhu.. Sana matapos na tong crisis na kinaharap natin guyses😩BTW.. Nakalimutan ko na ang takbo ng story na ito hihih pero anyways tignan lang natin kung ano ang mangyayari.. Keep updated ang don't forget to
FOLLOW
COMMENT
VOTEMAG UUPDATE AKO GUYS PAG NAG COMMENT KAYU NITO THANK YOU..
BINABASA MO ANG
I own His Heart
Romance***** Rafaela Concepcion story A well-known surgeon Lahat nasa kanya na. Pag-ibig, kasikatan at mapagmahal na pamilya. Pero paano kung isang trahedya ang mangyayari. Makakaya pa kaya niyang ipagpatuloy ang buhay niya o may darating na bago sa buhay...