c-20

131 6 4
                                    

Nandito na kami sa kwarto kung saan dito kami matutulog. Napabuga ako ng hangin dahil akala ko iisa lang ang bed ng kwarto.
Nakita kung tumingin sa akin si Vincent kaya napakunot ang noo ko.
"Ano?" Tanong ko sa kanya
"Akala mo isa lang ang kwarto nuh?" May halong ngiting pang aasar ang iginawad niya sa akin.
Napamula ang mukha ko sa sinabi niya "O-of course not!" Wika ko. "Kahit naman siguro dalawa yung bed nasa iisang kwarto rin naman tayo" Mahinang sambit ko. Napakunot ang kanyang noo sa aking sinabi.
"What? May sinasabi ka?" Ngiting tanong nito sa akin
"Tsk! Wala.. Matulog na ako, antok na ako!" Wika ko at agad na sumampa sa kama. Hindi na siya umimik pa kaya naisipan ko na lamang na ipikit pa ang aking mga mata.



Nagising ako sa sinag ng araw. Anong oras naba? Bakit parang ang sakit na yata ng araw. Dahan-dahan akong bumangon at kinuha ang phone ko para tignan kung anong oras na. Oh no! 10am na? Ganito pala kahaba ang tulog ko?. Pero teka asan na naman kaya si Vincent?. Tatayo na sana ako nang may napansin akong isang paper bag sa kama ko. Napakunot kung kinuha ang paper bag at agad na binuksan ang laman nito. Nagulat ako sa kung anong meron ang nasa loob ng paper bag. "What the??! A two piece?" Saad ko. Nakita kong may note rin nakalagay sa paper bag kaya kinuha ko rin ito at binasa.

Hey! Good morning Sexy Wife.. Wear this and see you around!

Love,
Handsome Husband

Napatawa na lamang ako sa kanyang note. Paano ba yun. It's my first time wearing two piece. Don't judge me guys pero hindi talaga ako mahilig sa two piece. Hindi rin kasi ako fun mag beaches. Kaya nagdadalawang isip ako kung isusuot ko ito. Pero anyways kami lang naman ni Vincent dito. E try ko nalang.



Agad na akong tumayo at nagtungo na sa banyo. Naghilamos nalang ako at nag toothbrush at isinoot kuna agad ang two piece. Agad akong napatingin sa salamin. Shocks! Bakit too revealing naman itong two piece na to! Hayssss!!!! Rafa two piece nga diba? Saad ng utak ko. Nagdadalawang isip na naman ako kung lalabas ba ako ng banyo o hindi o huwag na lang puntahan si Vincent. Pero baka tumirik na yung tao sa kahihintay sa akin alas dyes na kaya. Alam ko na may naisip na ako. Agad kung kinuha ang tshirt ni Vincent. At isinoot ito. Tamang tama at lagpas siya hindi makikita ang bikini.

"Infairness huh ang bango ng tshirt ng mokong" Saad ko sa sarili. Agad na akong lumabas ng banyo at tinungo ang kinaroroonan ni Vincent.






Agad kong nakita si Vincent na nakatayo at may kinakausap na babae. Wait..? Babae? Akala ko ba kami lang dito?. Napakunot ang noo ko. Nang nasa malapitan na ako ay laking gulat ko kung sino ang babae na kausap ni Vincent.

"Mira?" Tawag ko sa babae. Naputol ang kanilang pag-uusap ng nakita nila ako. Nagpalipat - lipat ako ng tingin sa kanilang dalawa. Nakita ko rin ang gulat na expresyon sa mukha ni Vincent.

"Mira" Wika ko ulit sa babae.
Ngumiti naman si Mira sa akin at lumapit at niyakap ako "Ate Rafa, it's so nice to see you again!" Pahayag ni Mira sa akin.


Sa kaalaman niyo si Mira ay ang kapatid ni Edward na nag stay sa ibang bansa. Doon kasi ito nag aaral ng Marketing para na rin sa pagpapatakbo ng kanilabg negosyo and since Edward left, Mira will be the one to take over the company.




"Kailan ka lang umuwi?" Tanong ko sa kanya.
Ngumiti naman si Mira sa akin "ate, kahapon lang ako umuwi and then, I just wanna call you nga sana kaso out of coverage ka so I called tita Dianne to asked if where are you so she give me the info" Pahayag nito
"Ohh, im sorry lobat kasi ako kahapon" Saad ko. Tinignan ko si Vincent na tahimik lamang at nakikinig sa amin. "Magkakilala pala kayo ni.. ni Vince?" Dagdag na tanong ko sa kanya
Agad naman lumingin si Mira kay Vincent at ngumiti. Napakunot naman ang noo ko "of course ate! He's my partner in business.." Saad niya  Tumango naman ako sa sinabi niya. Tinignan ko si Vincent na bakit di ko alam look.

"Uhm, ladies I think we need to take our lunch muna since its already 11 let's go!" Saad ni Vincent. Agad naman kami sumunod at nagtungo sa cottage kung saan naka ready na ang mga pagkain.




Tahimik lamang akong kumakain habang si Mira at Vincent ay panay ang pag-uusap nila.

"Have you still remember koy, when we were a kid nalunod ka dito sa dagat? Hahaha tapos akala mo talaga malalim yun pala nasa mababaw ka lang" Tawang sabi ni Mira. Ano daw? Koy? Bakit ganun? Parang kilala na nila ang isat-isa?
"Koy? Bakit koy? Ang tawag mo sa kanya?" Takang tanong ko kay Mira habang sumusubo ng kanin

"We are childhood buddies kasi ate Rafa.. Close talaga kami nitong si Vincent.. Actually yang Koy, shortcut yan sa word na shokoy.. Mukha kasi itong shokoy noong bata pa haha" Tawang sabi ni Mira. Napangiti na lamang ako sa kanyang sinabi. Bakit parang may kung inis akong nadaramdam ngayon. Tinignan ko si Vincent na tumatawa lang.

"Koy, balatan mo ako ng shrimp pleaseee" Agad kung nabitawan ang hawak kong kobyertos. Tangina, napalakas ata. Nakita ko silang nakatingin sa akin.

"Are you okay?" Tanong sa akin ni Vincent.
Ngumiti naman ako ng tipid "yeah! Yeah..im okay.. Just..just continue what you two doing" Saad ko

Tinignan ako ni Mira at bumaba ang tingin niya sa kamay ko "is that the engagement ring that kuya Edward gave to you ate Rafa?" Nagulat ako sa kanyang sinabi.


"Ahh..uhmm yeahh eto nga" Saad ko at hinawakan ang ring na bigay sa akin ni Edward.

"Tini treasure mo pa pala" Ngiting saad niya sa akin. Hindi na ako sumagot pa sa kanyang sinabi.

Napatingin kami sa phone ni Vincent na nag ring agad naman niya itong kinuha "excuse muna, I need to answer this call" Saad ni Vincent at umalis. Naiwang kaming dalawa ni Mira. Walang nagkikibo sa aming dalawa. Ba't parang ang awkward.

"I didn't expect na kinasal kana pala" Medyo nagulat ako sa kanyang sinabi. Agad akong tumango at dahan- dahan yumuko

"Have you already find justice sa pagkamatay ni kuya, Rafa?" Doon ako napaangat ng tingin sa kanya at nagulat ng bigkasin niya ang pangalan ko na walang ate na word.




"Im still aiming for his justice Mira" Saad ko sa kanya

Nakita kong napa smirk siya sa sinabi "what if... What if ang sinasabi mong justice ay nasa paligid mo lang pala" Napakunot ang noo ko sa kanyang sinabi. Anong ibig niyang sabihin?

"What do you mean Mira?" Takang tanong ko sa kanya

"Hey! Seryoso ata ang pinag-uusapan niyo?" Wika ni Vincent. Ngumiti lang sa Mira at tumingin sa akin. Naguguluhan ako sa bawat salitang sinasabi niya.





------
To be continue...



Like
Vote.comment for UD

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 01, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I own His HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon