c-11

163 6 0
                                    

Agad kong binaybay ang daan patungo sa hospital. Hindi ko alam pero medyo na eexcite ako sa nalaman ko na mag thetherapy ang pasyente. Habang nagmamaneho ako ay biglang tumunog ang cellphone ko. Agad ko itong binalingan pero unregistered number lamang ang nakatatak nagkibit balikat na lamang ako. Hindi ko ito sinagot. Manigas siya jan kung sino ka man tumatawag.

Agad na akong nagtungo sa room ng pasyente. Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa agad ko na itong binuksan. Nakita ko ang pasyente na nakahiga pa rin habang tutok na tutok sa tv. Napabuntong hininga na lang ako at lumakad palapit sa kanya. Siguro umuwi ang ina nito kasi siya lang ang nandito ngayon.

Napatikhim naman ako para maagaw ko ang atensyon niya na nakatutok sa tv parin. "Good morning sir!" Masigla kong bati sa kanya. Pero hindi parin ito natinag. Nakatutok pa rin ito sa tv na para bang seryoso na nakikinig. "Sir?" Ulit kung sabi sa kanya pero hindi pa rin ito nakikinig. Agad kong kinuha ang remote control sa tv at eni off ito.
"What the?!" Galit na wika nito sa akin. Nakita ko ang pag arko ng kilay nito na nakatingin sa akin. Nakatitig siya sa akin na para bang tagos hanggang kaluluwa ko kaya ako na ang umiwas sa titigan naming dalawa.

Agad na akong nagsalita "uhmm...sabi sa akin ng secretary ko magpapa therapy kana daw?" Tanong ko sa kanya. Nakita ko ang paghinga niya ng malalim
Agad niya akong nilingon at heto na naman ang titig niya na nakakalusaw na para bang isa akong yelo na pag tinutok mo sa araw ay malulusaw "yeah" tipid na sagot nito

Ngumiti ako sa kanya "mabuti kong ganun..uhmm e aarange ko ang appointment mo sa isa sa mga therapist na mag aalaga sa iyo" sabi ko sa kanya

"I don't need therapist" wika niya. Nagulat naman ako sa kanyang sinabi
"What do you mean? Diba magpapa therapy kana? So---" hindi ko na natuloy pa ang sasabihin ko dahil inunahan na niya ako
"I want you" nagulat ako sa kanyang sinabi
"What?" Takang tanong ko sa kanya "nagpapatawa kaba? Mr. Falcon isa akong Surgeon at hindi ako isang Physical Therapist" saad ko sa kanya
"I know..." Sagot niya sa akin
"So alam mo naman pala eh! Babalikan nalang kita pag may nakuha na akong Therapist sa iyo" aalis na sana ako ng bigla na naman itong magsalita
"I will double your salary or even triple" nagulat ako sa kanyang sinabi. Seryoso ba ito? Bigla ko siyang nilingon at seryoso parin ito hindi nga ito nakatingin sa akin pero alam kong seryoso ito sa kanyang sinasabi.
"Hindi mo ako makukuha sa pera Mr." Wika ko sa kanya. Anong akala niya sa akin madadala sa pera? Hmm
Nakita kong napa smirk siya "really? Ok final i will triple your salary.. Just be my personal therapist. Magkano ba ang sahod mo dito?" Saad niya sa akin. Heto na naman at nagkatitigan na naman kami.

"B-bakit ako?" Tanong ko sa kanya. Nagulat ako sa aking sarili kong bakit bigla ko na lamang ito natanong sa kanya. Pero bakit ako?

"Ikaw ang doctor ko diba? So just continue what you've started" saad nito sa akin.. "I have to rest" dagdag niyang sabi sa akin. Nakita kong tumagilid na ito nang higa. Hindi ko na lamang siya sinagot bagkos umalis nalang ako sa kanyang silid.

Nandito ako ngayon sa isang coffee shop. Dito kami magkikita nang mommy ni Theo na pasyente ko. Nakita kong papalit na ito sa akin at nakangiti. Ngumiti rin ako sa kanya pabalik. Umupo na ito sa harap ko. Medyo naiilang ako ewan ko kung bakit. Nagulat na lamang ako ng bigla niyang hinawakan ang kamay ko.

"Thank you iha" nagulat ako sa kanyang sinabi.
"Po?" Takang tanong ko sa kanya. Tumawag kasi sa akin si Odette kanina sabi niya na gustu daw makipagkita ang ina ng pasyente kaya ito na nga.
"Thank you for letting my son decide na magpa therapy alam mo ba na kahit anong kumbinsi namin ng daddy niya noon na magpa therapy pero ayaw niya.. Until dumating ka kahapon" saad nito sa akin. Ni refer kasi si Theo sa akin ni Doctor Janice kasi hindi niya kayang matiis ang ugali nito ni ayaw nga magpakuha ng vital signs ng pasyente. Alam ko kasi ang ugali ni Janice medyo mababa ang patience nito ewan ko ba kung bakit nag doctor pa ang babaeng iyon. Pero mabait naman iyon kaibigan niya nga. Ito ang unang doctor na naging kaibigan niya ang malapit sa kanya.

"Uhmmm...wala po yun madam" wika ko sa kanya
"Tita.. Just call me tita" nagulat ako sa kanya sinabi
"Po? N-naku nakakahiya naman po madam este..t-tita" pahayag ko sa kanya. Hindi pa rin niya binibitawan ang kamay ko.
"May pakiusap kasi sana ako sa iyo iha" nagtaka ako sa kanyang sinabi na dahilan ng pagkunot ng noo ko
"Gusto ko sana...ikaw ang maging therapist ng anak ko" eto na nga ba ang sinasabi ko wika niya sa kanyang sarili
"Madam, este tita alam niyo naman po diba na doctor ako isa po akong surgeon.. Nag oopera po ako ng pasyente at isa pa hindi po ako isa Physical Therapist kung gusto----" hindi na niya ako pinatapos na magsalita. Bakit ba ang hilig-hilig ng mga tao na hindi patapusin ang isang tao na magsalita
"Tulad nga nag sinasabi ko iha..ikaw lang ang nagkusang doctor na kumimbinsi sa anak ko.. Kahit yun lang ang hiningi ko..ayokong habang buhay malungkot ang nag-iisa naming anak..nakikiusap ako sa iyo iha" napahinga ako ng malalim at napapakit na lamang

"Uhmmm...o-okay p-po ..p-pumapayag na po a-ako" pag-uutal kong sabi. Nakita ko ang paglawak ng ngiti niya sa sinagot ko.
"Thank you iha..wag kang mag-alala.. Akong bahala sa lahat ng gastusin mo o kahit ano ang gusto mo" saad niya sa akin.. Umiling na lamang ako
"Wag na po tita..okay na po sa akin ang tumulong" pahayag ko. Biglang tumunog ang cellphone ko at kinuha ko ito. Isa na namang unregistered number ang tumambad agad ko nalang itong sinagot pero tinignan ko muna ang mommy ni Theo. Nakita ko ang pagtango nito kaya sinagot ko na ang tawag.

"Hello? Sino to?" Tanong ko sa kabilang linya
"Finally you answered" nagulat ako sa boses nang tumawag alam ko si Vincent ito.
"A-anong? Kailangan mo?" Saad ko sa kanya
"Pupunta na si attorney Ferrer sa bahay niyo may ibibigay ako" nagtaka ako sa kanyang sinabi. Agad ko namang binalingan ang ginang na nakatingin sa akin.
"Ahhh...sige pupunta na ako" at binaba ko na ang tawag niya. Nilingon ko naman ang ginang
"May problema ba iha?" Ngumiti ako sa kanya ng tipid.
"Uhmmm...aalis na po ako tita, uhmm tatawag nalang po ako kung kailan magsisimula ang session ng anak ninyu" wika ko sa kanya. hindi ko na siya pinatapos pa at agad na akong umalis.


Agad na akong nakarating sa bahay. At nagtaka ako na may isang unfamiliar na sasakyan sa labas kaya dali-dali akong pumasok sa loob. Buti nalang at nasa business trip si dad kasama si mommy.. Alam kong si yaya ang nagpapasok nito.

Pagpasok ko sa loob nakita ko ang isang lalaki na naka suit pa ito. Mga nasa mid 40's na ito kung tignan pero makisig pa rin naman. Ito na siguro ang tinutukoy ni Vincent sa akin na attorney niya.

"Hi.. Ms. Rafa! Im attorney Ferrer pinapunta ako rito ni Vincent para ibigay sa iyo to" nagtaka ako sa inabot niya sa akin na isang  short envelope.
"A-ano ito?" Medyo nagtataka ako sa kung ano man ang laman nito
"Just open it ma'am!" Wika sa akin ni attorney.
Agad ko naman itong binuksan. At laking gulat ko na lamang na isa pala itong marriage certificate.
"Marriage certificate?" Takang tanong ko kay attorney
"Yes ma'am.. Actually perma niyo lang po ang kulang dyan ma'am, napermahan na po iyan ni sir Vincent.." Saad ng attorney sa kanya
"Where is he?" Tanong ko sa kanya habang nakatutok parin sa marriage certificate na hawak ko
"He's on a business trip in New York ma'am.. Kaninang umaga pa po siya umalis" hindi ako nakasagot sa kanyang sinabi bagkus ay tinitigan ko parin ang hawak- hawak kong marriage certificate.


--------
Ano na kaya? Pepermahan kaya ni Rafaela ang marriage certificate nila ni Vincent?
At ano kayang mangyayari sa therapy session nila ni Theo? Hmmmm abangan....

Just don't forget to
comment
Vote
Follow

vonneta17💓

I own His HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon