Ilang araw naba akong ganito palaging nakamukmok sa kwarto. Dalawang linggo na ang nakalipas mula noong nawala si Edward sa akin, sa amin. Sobra pa rin akong nasasaktan sa pagkawala niya. Dinidibdib ko pa rin ang pagkawala niya. Wala na rin akong planong bumalik ng trabaho dahil nawawala ako sa sarili ko tuwing titignan ko ang mga pasyente ko naalala ko si Edward.
Tinignan ko ang kamay ko na may singsing. Ito nalang ang tanging alaala na bigay sa akin ng taong pinakamamahal ko. Napaiyak na naman ako. Tangina namang luha to!
Biglang may kumatok sa pinto at pumasok doon si mommy dianne.
"Rafa, iha..kahapon kapa hindi kumakain...nag-aalala na kami ni daddy sa iyo" saad ni mommy Dianne sa akin
Napabuntong hininga na lamang ako "wala akong gana my," saad ko
Lumapit si mommy sa akin at hinawi niya ang buhok ko at isinukbit sa likod ng tenga ko "iha, Rafa...alalahanin mo naman ang sarili mo, akala mo ba matutuwa si Edward pag ganito ang kalalagyan mo ngayon? Malulungkot rin yon" napahagulhol na naman ako sa sinabi ni mommy
"My, ang sakit! Ang sakit! Sakit! Kung bakit ba kasi nangyari pa ito sa amin! Kung bakit sa taong mahal ko pa!" Saad ko habang patuloy pa rin sa pag-iyak
"May dahilan ang lahat Rafa... Wag kang susuko..siguro plinano ito ng Dyos sa iyo..sa atin" dagdag niya. Hindi naman ako umimik sa sinabi ni mommy. Agad lumapit si mommy sa akin at niyakap ako ng mahigpit "nandito lang kami, kami nang daddy mo at ng kapatid mo..mahal na mahal ka namin Rafa"
40 days ngayon ni Edward at heto ako ngayon nasa libingan niya. Naglapag ako ng tela sa harap ng kanyang libingan at nag dala ng mga paborito niyang pagkain na inilagay ko sa basket. Parang picnic style kun baga. Nilanghap ko ang sariwang hangin sa paligid. Napahinga ako ng malalim at tipid na napangiti.
"It's been 40 days, since you left us babe...na..na m-miss na kita...n-namin.." Saad ko. Tumulo na naman ang luha ko. "Bakit g-ganun babe....sabi mo..hindi mo ako iiwan..magpapakasal pa tayo d-diba?" Napahagolhol na naman ako. "M-mahal k-kita..sobra!"
Napahinto ako sa paghikbi ng may napansin akong lalaki sa likod ko. Agad akong napalingon. Isang lalaki na may katangkaran rin. Maganda yung pangangatawan na parang model at mala adonis nitong mukha. Bitbit nito ang isang pungpong na bulaklak. Familiar siya sa akin pero hindi ko alam kong saan ko nga ba ito nakita.
"S-sino ka?" Takang tanong ko sa kanya. Ngunit tinitigan lamang niya ako. Agad siyang lumapit sa puntod ni Edward at inilagay doon ang bulaklak na hawak niya. Hindi pa rin siya sumagot sa tanong ko kanina. Bakas sa kanyang mukha ang pagka seryoso nito.
"Ikaw ba ang girl-" saad niya pero hindi ko na siya pinatapos pa dahil inunahan ko na siya.
"Fiancé! Im his Fiancé!" Saad ko. Hindi pa rin siya tumitingin sa akin. Nakatutuk pa rin siya sa puntod.
Hindi ko na hinintay na sagutin pa niya ang tanong ko kanina. Agad na akong tumayo at bibitbitin ko na sana ang basket na inilapag ko nang bigla siyang magsalita.
"I-im.sorry" napakunot ang noo ko sa kanyang sinabi. At paano at bakit naman siya nag sosorry? Agad ko siyang hinarap at nakita ko ang seryoso niyang mukha at mga titig nito na tumatagos mula kaluluwa
"Sino kaba talaga? At s-saka bakit ka nag sosorry?" Tanong ko sa kanya.
"Hindi mo ba talaga ako naaalala?" Seryosong sabi niya. But still napakunot pa rin ang noo ko.
"Pwede ba daretsuhin mo nga ako! Sa tingin mo? Kung kilala kita magtatanong ba ako? Tsskk! Bobo rin kausap eh!" Saad ko.
Nakita ko na napangiti siya sa sinabi ko. Agad naman akong napalunok sa sexy na ngiti na ipinakita niya sa akin "remember sa airport? When you accidentally hugged me? Na akala mo nga ako yung "babe" thing mo" nakita ko ang nakakaloko niyang ngiti. At tangina! Kaya pala pamilyar siya sa akin dahil siya pala yung lalaking napagkamalan kong si Edward. Agad akong napatakip ng mukha . nakakahiya! Agad kong pinulot ang basket at walang sabi-sabing umalis sa harapan. Tinawag niya ang pangalan ko pero hindi ko siya nilingon. Bahala siya dyan. Pero agad naman akong napahinto nang may maalala ako. Bakit siya nagpunta dito sa puntod ni Edward.
Agad ko siyang nilingon "anong ginagawa mo dito sa puntod ni Edward?" Saad ko.
Nakita ko ang pagkagulat sa kanyang mukha. "Ahhh..umm.. I..i just saw you sitting infront of the grave while crying..so agad kung pinuntahan..akala ko kasi kung napano ko. But I didn't know na ikaw pala ang makikita ko dito" wika niya sa akin.
"Sana naman ito na ang huli nating pagkikita" saad ko sa kanya
"No!" Agarang saad niya sa akin
"What? Are u insane?" Wika ko.
"I..mean, I want to know you more" saad niya sa akin.
Paranoid yata tong lalaking ito. Napailing na lamang ako sa kanyang sinabi. "Wala akong panahon sayo Mr. Whatever!" Saad ko sabay talikod at lakad palayo
"Kung ikaw walang panahon..Pwes ako meron!" Sigaw niya pero hindi ko na siya pinakinggan pa. Agad na akong sumakay sa kotse at dari-daritso na pauwi.
-------------
Support po 💓
Don't forget to
Vote
Comment
FollowSana po magustuhan niyo ito.. Para patuloy pa akong gagawa ng story💓
BINABASA MO ANG
I own His Heart
Romance***** Rafaela Concepcion story A well-known surgeon Lahat nasa kanya na. Pag-ibig, kasikatan at mapagmahal na pamilya. Pero paano kung isang trahedya ang mangyayari. Makakaya pa kaya niyang ipagpatuloy ang buhay niya o may darating na bago sa buhay...