CHAPTER 8

42.9K 613 8
                                    

ZYDUS POV

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdan ko ng makita ko ang mga bata at tawaging mommy si Zia...

Kaya pala may kakaibang enerhiya akong nararamdaman, inakala ko pang kay Zia ang enerhiyang yun. Isang napakalakas na enerhiya peri wala naman akong maramdamang panganib buhat sa mga enerhiyang yun. .

ang mga bata na kamukhang kamuka ko. Para na rin akong tumingin sa salamin ng makita ko ang dalawang batang ito..

lalo na ang isang bata na kulay green ang mga mata , at blonde ang buhok katulad ko..at ang isa ay parang mas hawig kay Zia dahil na rin maŕahil sa kulay ng mga nila. pero ang hugis ng ilong  ay sa akin. At ang buhok nito ay nakuha niya sa ina niya,  Kaya hindi ko na kailangan pang tanungin si Zia..kung sino at kaninong anak ang mga ito...

Sa kauna unahang pagkakataon ay parang biglang lumambot ang puso ko. Masaya ako ng makita ko ang Reyna ngunit mas kakaibang sigla ang nararamdaman ko ngayon ng masilayan ko ang aking mga anam. 

Hindi ako makapaniwala sa mga nakikita ko. Dalawang batang lalaki ang mga anak ko. Akin sila dahil may bumabalot na itim na kapangyarihan sa nga aura nila.

Natawa na lang ako ng makita  kong nakasimangot ang batang lalaking kamukhang kamukha ko. I saw him smirk toward me at talaga namang nakataas pa  ang isang kilay niya at titig na titig sa akin...na parang pinag aaralan talaga niya ang mukha ko......

Saka ko na iisipin kung paano nangyari ang ganitong hiwaga

Isang normal lamang si Zia ngunit nagdalang tao at nabuhay siya. Wala pa ni isa man sa mga nilalang magmula pa noon sa mga kanunununuan ko na may isang  mortal na nilalanang na nabuhay after giving birth sa anak ng bampira.

Magkaibang enerhiya ang nararamdaman ko sa dalawang bata. Ngunit parehong malakas at kakaiba ang nararmdaman ko sa mga bata. 

masyado silang over protective sa ina kay Zia. Kita ko kung paano sila pinalaki ni Zia bilang isang mortal. Alam kong hindi madali ang palakihin ang anak ngbisang bampira. Nung bata ako nahirapan ang mga mortal na nag alaga sa akin. At kauna unahang tikim ko pa sa dugo ay nagmula sa aking taga pag alaga noon.

Mainit ang ulo ng isang batang lalaki pagkakita sa akin, talagang salubong pa din ang kilay nito kahit nalaman na niya at napatunayan na ako ang kanilang tunay na ama ay hindi ako exempted sa ginagawa nilang pag subok sa lahat ng nilalang which i like more to him.

Nalaman kong maraming nagtangkang lumigaw sa Reyna ngunit ni isa ay walang pumasa sa standard ng mga bata. May pangyayaring nasaktan ng aking anak ang isa sa manliligaw ni Zia. At magmula noon ay wala ng pinahintulutan si Zia na pumunta sa bahay nila.

Sa lahat mortal marahil na gustong manligaw sa kanilang ina, ay sadyang pinahihirapan ng dalawang ito.  Ayon naman sa dalawang bata na napakadaldal na din,  na  magpahanggang sa ngayon ay walang ibang lalaki sa buhay ng kanilang ina.

Ngayon pa lamang ay excited na akong makita at malaman kung anong klaseng kapangyarihan mayroon pa silang natatago, siguradong magugulat lahat ang mga nakatatanda kapag nalaman nilang may anak ako at buhay pa rin ang Reyna.

Ang sabi nila isang bampirang may pambihirang lakas at kapangyarihan daw ang nakatakdang maging Reyna ko walang nakakakilala daw sa babaing ito at walang nakakakilala sa kanya kahit sino. Ang tanging mapagkikilanlan lamang daw dito ay ang parang tattoo sa kamay nito na paro paro. Ngunit wala akong makitang tattoo sa kamay ni Zia at imposibleng siya ang babaing yun dahil isa lamang itong mortal unlike sa sinabi nilang bampira.........

Hindi natuloy ang balak sana ng kambal kong anak na pagsubok na igagawad sa akin dahil ng araw mismong yun ay nakatanggap ako ng tawag mula sa mga nakatatanda sa transylvania na sumalakay ang mga werewolves dun, malalakas daw ang mga ito at sadyang kakaiba ang lakas nila napakaraming bampirang kasapi namin ang napatay ng mga ito....napansin ni Zia ang pag iiba ng aura ko. Parang alam niyang may problema ako agad.....

THE HUSBAND...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon