CHAPTER 11

37K 561 13
                                    

ZIA 'S POV

Mapapalampas ko ang lahat ng mga pang aaalipusta nila sa akin ngunit kapag ang mga anak ko na ang nakasalalay ay hindi ko ito mapalalampas....I may be young pero lahat kaya kong gawin para sa mga anak ko...kaya hindi ko na natiis na gamitan ng kapangyarihan ang mga bampirang ito, hindi ko alam kung anong klaseng kapangyarihan mayroon sila, pero wala akong pakialam dahil sinagad na nila ang galit ko...

Ngunit imbis na awatin ako ng magaling kong asawa ay napansin Kong parang natutuwa pa ata siya sa mga nangyayari.
Ni hindi man lang niya ako inawat sa ginagawa ko, pansin ko lang at kampante lang siyang nakaupo habang himas himas niya ang baba niya at ngumingiti ngiti ang loko. Ni hindi niya ata alam na ako ang may kagagawan nito e....

" Zydus stop it tama na..."

" what? I didn't do anything......and besides, I've already warn her, pero Matigas ang ulo niya...."

" kung hindi ikaw ! Sino ang......"

Sabay na tumingin sa akin ang tatlong nakatatanda at agad ko ng tinapos ang pagpapahirap ko sa apat na bampirang yun.  tinaboy ko silang apat palabas ng kastilyo. Kakaiba ang tingin sa akin ng tatlong nakatatanda....

" wag mong sabihing ikaw ang gumagawa nun papa anong....."

" who are you! ....

" Uncle , I've already introduced her to you ,she's my wife and like I've said before, she's just not an ordinary one..."

" mayroon akong nararamdamang kakaibang aura sa katauhan mo, ngunit nahihirapan akong tukuyin ito......."

" parehas tayo Uncle ganyan din ang nararamdaman ko sa kanya....but she's not one of us...she's only a human.."

" a human that bearing a child of yours Zydus! ....asan ang bata....nasabi mo kanina about the child of yours...pwede ba naming makita ang bata...."

Napatingin na lang ako kay Zydus...as much as possible ayoko sanang malaman na may anak kami ni Zydus. Masyadong magulo ang mundo ng mga bampira ngayon ramdam ko ang takot at kaba sa bawat pagtibok ng puso ng mga bampirang nakakasalamuha ko...ayoko mang sumama kay Zydus dito sa mundo nila dahil gusto kong mamuhay ang mga anak ko ng normal, pero tadhana na mismo ang naglalapit sa amin papunta sa dapat na kalagyan nila....

Hindi kakayanin ng kambal ang buhay dito sa mundo ng mga immortal. Mahihirapan sila sa  pagsabay sa mundo ng mga mortal at immortal. Lumaki sila at nasanay na sa mundo ng mga mortal dahil lumaki at nagkaisip sila sa mundo ng tao. Kahit pa sabihin ang napakalaking kaibahan nila sa mga normal na tao...

napakabilis nilang lumaki sa idad nilang tatlong taon hindi mo masasabi na tatlong taon lamang sila sa laking bulas at tatas nilang magsalita...dagdag pa ang kakaibang lakas ng mga ito at maari pang ito mismo ang magdala sa kanila sa kapahamakan...
Hindi ko rin naman sila naipapasok na sa paaralan dahil sa iniiwas ko sila sa ano mang sasabihin ng tao. Halos nasa bahay na lamang kami buong maghapon. Magmula ng mangyari ang gulo nun sa mga kalaro nila ay lumipat na kami ng tirahan sa utos na rin ni papa. Mahirap na daw baka maulit muli ang ganoong pangyayari at pagtagni tagniin ng mga ususerong tao at mapahamak pa ang mga bata....

Isa pa kaya ako napapayag na sumama sa kanya, ay parang may isang pwersa na naghahatak sa akin na sumama sa kanya, na para bang matagal na kaming magkakilala at nararapat lamang na hindi ako humiwalay sa kanya.....

At alam kong kailangan ko din ang tulong ni Zydus para sa kambal. Alam kong siya lamang ang makakatulong para magamit at matutunan ng mga anak ko ang kanilang kakaibang lakas. At higit sa lahat.

THE HUSBAND...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon