CHAPTER 18

31.6K 456 12
                                    

ZENUM POV

Laking gulat ko ng malaman kong siya pala ang asawa ng kapatid ko, napapunta ako dis oras ng palasyo para sundan at alamin kung sino ang babaing yun. Kahit wala pa sa plano ko ang pagpunta sa palasyo sa ngayon dahil gusto ko munang mag ikot ikot sa buong paligid at mag imbestiga tungkol sa mga pangyayaring nagaganap ngayon sa paligid. Although, may kutob na akong hindi siya pangkaraniwang guest lamang sa palasyo dahil nakita ko kung paano siya ingatan ng mga kawaksi ng palasyo at may kasama siyang kawal ng palasyo. Sa kakasunod ko sa kanila ay hindi ko namalayang nasa loob na pala ako ng palasyo...at ng ipakilala na siya sa amin ni Zydus ay hindi ako makapaniwalang ang babaing nakilala ko kani kanina lamang at ang asawa ni Zydus ay iisa.....

Sa taglay niyang angking kapangyarihan, alam kong hindi lamang siya isang ordinaryong nilalang, walang normal na tao ang makakagawa ng bagay na yun. At sa tagal ko ng naglalakbay sa ibat ibang panig ng mundo ay wala akong nakitang katulad niya.

Napakaganda niya lalo na kapag ngumingiti siya, hindi na ako magtataka kung bakit nabighani ang kapatid ko at walang pag aalinlangang itoy pakasalan at gawing reyna....ngunit napakalaking konsekwensiya ang ginawa niyang pagpapakasal dito dahil lumala ng husto ang laban sa pagitan ng lahi ng mga lobo sa lahi ng bampira......

Nang malaman naming sumalakay na naman sa isang lugar ang mga grupo ng werewolves ay agad kaming nagpunta sa lugar na yun upang alamin at tiyakin kung may natira pang ilang bampira at tao na buhay sa lugar na yun. Matagal na panahon na rin kasi na kinaya ng mga bampira ang mamuhay katulad ng isang normal na tao kaya okay lang sa kanila ang makihalubilo sa mga ito. Ngunit may iilan pa din talaga lalo na sa mga tumiwalag at sumama ang loob sa ginawang desisyon ni Zydus sa pag iisang dibdib sa isang mortal....kaya ang mga dating tagasunod nito ay umanib sa kalabang mortal ng aming lahi......

May isang bampira daw na nakatira doon na bigla na lang nanalakay o umatake sa kapwa niya bampira, at sa mga mortal na tao. Bigla na lang daw ito nag iba ng anyo ayon sa isang bampirang nakaligtas, nagulat na lamang sila na naging isang hybrid ang isa sa bampirang naninirahan doon. Matagal na daw naninirahan ang bampirang yun at lahat ng mga dayuhang pumapasok sa lugar nila ay sinisigurado nilang kilala nila ang pinanggalingan nito. Kaya nagulat na lamang sila sa biglaang pangyayari.....

Halos naubos ang lahat ng mamamayan sa lugar na yun, at napansin ko si Zia na paikot ikot ang mga mata at bumitaw siya sa pagkakahawak sa kamay ni Zydus.....

" where are you going! I told you...stay with me..."......pabulong na wika ni Zydus kay Zia..

" don't worry , hindi naman ako lalayo, dito lang ako...hmm..." .....sabay ngiti kay Zydus, at ito namang si Zydus ay biglang pumayag ng makita lang ang ngiti ng asawa niya. Ang Laki na talaga ng pinagbago ng kapatid ko dahil kay Zia... Ang dating matapang ang dating at hindi kailan man mo mabibiro ay parang isang maamong tupa kapag kaharap niya ang mahal na reyna...

At napansin ko ng palayo ng palayo ang babaeng ito , hindi ko na inabala pa si Zydus na sabihin ang pag alis ni Zia dahil may kausap siya at kasalukuyan niyang inaalam ang buong pangyayari sa pamamagitan ng paghawak nito sa bawat puno at mga bahay na nandun....isa sa kakayahan ni Zydus ang malaman ang buong pangyayari sa pamamagitan ng paghawak nito sa anumang bagay na may kinalaman sa krimen....

Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ng babaing ito at patuloy tuloy pa din sa paglakad hanggang sa mapansin ko ang isang hybrid na bampira na pasugod sa kanya. Nakita ko ang pagkagimbal sa mga mata niya, at bago pa siya malapitan ng hybrid na yun ay mabilis akong tumalon para siyay labanan. At nang mapatay ko ang hayop na hybrid na yun ay bigla na lang nawala sa paningin ko si Zia, ngunit parang narinig ko pa ang pagsigaw niya kanina..

THE HUSBAND...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon