ZIA's POV
Nagising ako na nasa loob ako ng infirmary ng palasyo, may nakatusok na dextrose sa braso ko at nakita ko ang laman ng dextrose ay punong puno ng dugo..pinakiramdaman ko ang sarili ko...parang kakaiba ang lakas na nararamdaman ko sa mga sandaling ito. Ilang oras na ba akong nakahiga dito..mabilis kong inalis ang suwero na nakakabit sa akin.
Biglang bumukas ang pinto ng kwartong kinaroroonan ko at pumasok ang isang doktor ng palasyo..isa rin siyang bampira alam ko..
" mahal na reyna bakit po kayo tumayo...baka makasama sa inyo ang biglaang pagtayo niyo..."
" don't worry ! Ayos nako kaya ko na ang sarili ko...ilang oras ba akong nandito sa kwartong ito..."
" mahal na reyna, tatlong araw na po kayong nakahiga at walang malay ..at halos kakaalis lamang po ng mahal na hari ngayon ngayon lang, dahil bigla pong nagkasakit din ang mga mahal na prinsipe.."
" ha! Tatlong araw! ...asan na ang mga anak ko..kamusta na sila.."
" mabuti na po ang lagay nila, kagaya niyo rin po ay nasa kabilang silid lamang sila at kasalukuyang tinitignan ng ilang doktor na naka assign..sa kanila..kamusta na po ang pakiramdam niyo..."
" okay na ko! Pakiramdam ko nga nakatulog lamang ako at kagigising ko lang , ano bang nangyari sa akin, ang natatandaan ko lang kausap ko si Zenum sa garden ng biglang sumakit ang dibdib ko at pakiramdam ko uhaw na uhaw ako tapos yun na wala nakong maalala pa..."
" dinala po kayo dito ni Prince Zenum, at lahat po ng gamot na pwede naming ibigay sa inyo ay hindi po umiipekto. Kaya isang bagay lamang po ang naisip ng mahal na hari na maaaring makaligtas sa inyo..."
Bigla akong napatingin sa kamay ko napansin ko ang dextrose ko na dugo ang lumalabas, patungo sa mga ugat ko, bigla akong kinabahan at parang may biglang pumasok sa isip kona isang bagay, hindi naman siguro...
" alam ko pong malaki ang katanungang nasa isip niyo ngayon mahal na reyna, pero ginawa lamang po ng mahal na hari ang nararapat para sa inyo... Maiiwan ko na po kayo, tatawagin ko na po ang mahal na hari para siya ang magpaliwanag ng lahat sa inyo..."
Bigla akong kinabahan sa naiisip ko ng mga sandaling ito.....kaya minabuti kong i confirm na lamang sa doktor ang nasa isip ko....
" wait! May isang tanong lamang ako...dugo ba tong nasa dextrose na to...! Wag mong sabihing ito lang ang nakagaling sa akin..."
" tama po kayo mahal na reyna...
" kani..kaninong dugo itong isinalin sa akin!..."
" sa mahal na hari po mismo mahal na reyna, patawarin niyo po ako, alam po ng mahal na hari na baka hindi kayo pumayag , ngunit wala na pong ibang paraan mahal na reyna ...at ang mahal na hari po mismo ang nagbigay ng dugo niya sa inyo .."
" si Zydus! Sa kanya ang mga dugong ito.."
" opo! Ayaw pong pumayag ng mahal na hari na ibang dugo ang isalin sa inyo kaya siya na po mismo ang nagbigay ng dugo sa inyo ..."
" salamat , sige maaari ka nang umalis......ahmm sandali! Sandali lang maaari mo bang ituro sa akin kung san ang kwarto ng mga anak ko.."
" opo mahal na reyna....sigurado na po bang okay na kayo.."
" oo salamat..."
Pagpasok ko sa isang kwarto nakita ko ang dalawang anak ko. Ngunit laking pagtataka ko dahil parang bigla na silang lumaki na katulad sa isang labing dalawang taong edad na bata na. Baka naman nagkakamali ako ng kwartong pinasukan ko, pero para talagang yung kambal ko ang naka upong yun at naglalaro ng games sa hawak niyang ipod tablet....at ng siguroy naramdaman nila ang presensiya ko ay biglang huminto sa paglalaro ang batang may kulay mais na buhok na sa hula ko ay si Cadius...nakatulala lamang ako sa kanilang dalawa, ang dalawang baby ko ay mga binata na. Mukha namang wala silang sakit sa nakikita ko ngayon sa kanila mukha pa silang masigla sa itsura nila. Wala naman silang dextrose sa katawan mga nakahiga lang at parehas na naglalaro...
BINABASA MO ANG
THE HUSBAND...
VampireI was 17 years old when I was kidnapped by unknown person , Mabilis ang mga pangyayari nalaman ko na lang na kasal na daw kami at asawa ko siya halos wala akong matandaan sa lahat ng pangyayari, I thought it was a dream, after our honeymoon, I got b...