ZYDUS POV
May dumating na balita sa akin na sa susunod na kabilugan ng buwan ay sasalakay ng muli ang mga kampon ni Remilia dito sa kastilyo ng transylvania. Ang halos lahat ng lugar kung saan nakatira ang mga alagad kong bampira at patuloy na naniniwala sa kakayahan ko ay patuloy pa ring pinupuksa ng mga tauhan ni Remilia . ang lahat ay pinapapatay niya kapag hindi ito pumapayag sa kagustuhan niyang pumailalim sa kanyang pamumuno....
Sadyang makapangyarihan si Remilia isa siya sa malakas na bampirang nakilala ko ngunit hindi siya nababagay maging isang pinuno o reyna ng buong bampira. Isa siyang hybrid ( half vampire half werewolf), siya ang bunga ng pagmamahalan ng magkaibang lahi. Na mahigpit na tinutulan noon ng aming lahi, ang umibig sa kalabang mortal ng aming lahing pinagmulan . Noon pa may mahigpit na magkalaban na ang dalawang nilalang na iyon na ilang daang taon na rin ang nakalilipas.....
Ngunit hindi iyon naging hadlang upang maging kaibigan namin si Remilia, palihim siyang pumupunta sa lugar ng Crisana kung saan kami madalas na naglalaro noon nila Zemus at ang iba pang batang bampira kasama ang ilang taong mortal na hindi alam na isa kaming mga bampira. Ngunit isang araw ay biglang nagbago ang lahat ng bigla bigla umano ay may kinagat na mortal si Remilia, napikon daw ito sa isang batang mortal, mabilis na kumalat ang balita sa lugar ng Crisana dahil ilang minuto lamang ang nakalilipas ay bigla na lamang itong naging isang mabangis na bampira...na parang werewolf ang itsura....
Naging isang parang halimaw si Remilia na naging hayok sa dugo ng mortal. Bata pa lamang kami nun ay marami na siyang napatay na mortal at hindi nagtagal pati kapwa bampira ay kanya na ring binibiktima.Mabilis na dumating ang matandang Zafrina sa Lugar kung saan kami naglalaro at nagwawala ang batang kinagat ni Remilia na nag iba ng anyo. At dahil sa bagong anyo nito at hindi pa niya kayang dalhin ang pagbabagong nilalang niya ay hindi muna ito pinayagang umuwi sa kanilang tahanan para na rin sa ikabubuti ng lahat. mabuti na lang noon ay nagawa kong mailagay agad ang shield upang wala ng ibang bata pa ang madamay, agad na napatulog ng matandang Zafrina ang bata at nabigyan ng agarang lunas at ipinaliwanag sa mga magulang nito ang nangyari sa anak nila. Magmula noon karamihan sa mga mortal na naninirahan doon ay nagsi alisan na, pati na rin ang magulang ng batang naging isang bampira. Iniwan nila ang bata sa pangangalaga ng matandang Zafrina dahil hindi nila maari na itong isama para na rin sa kaligtasan ng iba pa niyang kapatid.
Biglang nawala si Remilia ng araw na iyon, dahil isa pa rin itong bata marahil ay natakot na rin ito. At ilang buwan bago ito muling nagpakita sa nayon ng Crisana, ngunit hindi na siya muli pang nakapasok sa nayon na yun dahil binalutan na ito ng kapangyarihan ng matandang Crisana upang hindi na muli pang maulit ang pangyayaring iyon. At para na rin sa kaligtasan ng buong nayon na nanatiling nanirahan sa lugar na yun sa kabila ng masamang pangyayaring iyon sa kanilang nayon . Kahit kami ay hindi makapasok sa loob ng nayon na yun dahil isa rin kami sa mga bampira. Ilang taon ang lumipas bago muli kaming magkita ni Remilia at hindi na niya ako tinantanan noon upang akitin. Lumaking isang magandang dilag si Remilia, marami ang pumuri sa angking ganda niyang taglay . Alam kong may pagtingin sa akin si Remilia, ngunit ang salitang pag ibig ay wala sa bokabularyo ko sa mga panahong iyon. Dahil ang paniniwala ko noon ay Walang karapatan ang mga katulad naming nilalang sa salitang pag ibig na tinatawag ng mga tao....
Talagang bokal sa pagsasabing mahal niya ako , At matutulungan daw niya ako sa paglupig sa mga masasamang werewolves na patuloy na pumapatay sa aming lahi. Magiging mas malakas daw ang aming pwersa kung sakali. Aaminin kong isa nga siya sa pinakamalakas na bampirang nakilala ko at medyo nakukumbinsi na rin niya ako sa bagay na yun . Ang pinaka ayoko lang kay Remilia ay pagiging selosa niya, at matakaw sa dugo ng tao. Mahigpit na ipinagbabawal ng mga matatandang bampira ang pumatay ng isang mortal. Maari kaming makatikim sa dugo nila ngunit kinakailangan ang limitasyon.
BINABASA MO ANG
THE HUSBAND...
VampireI was 17 years old when I was kidnapped by unknown person , Mabilis ang mga pangyayari nalaman ko na lang na kasal na daw kami at asawa ko siya halos wala akong matandaan sa lahat ng pangyayari, I thought it was a dream, after our honeymoon, I got b...