ZYDUS POV
Nag aalangan man akong iwan ang palasyo ngunit kinakailangan kong puntahan ang lugar kung saan sumasalakay ang mg werewolves at Vampires sa lugar ng Maramures. Kailangang maunahan ko silang patayin bago pa man sila makapunta dito sa palasyo.....
Kampante akong iiwanan ang mag iina ko rito sa palasyo dahil alam kong magiging ligtas sila dito dahil nababalutan ito ng mahika na kahit sino ay walang naglalakas pumasok sa loob ng barrier kung saan ako ang may gawa. Isang orasyong itinuro sa akin ng mga sinaunang bampira........
Pagdating ko sa lugar kung saan may nagaganap na kaguluhan ay nadatnan ko ang ilan sa nakatatandang bampira at sila ay nag uusap usap tungkol sa pagsalakay ng napakaraming werewolves sa bansang Germany at marami sa kalahi namin ang nasawi sa pangyayaring yun......ipinakilala nila sa akin ang babaing bampira na nagngangalang Graciella . Siya raw ay may pambihirang lakas na wala sa isang ordinaryong bampira. Malaki daw ang nagawa ni Graciella sa kanila ito daw ang tumulong at pumatay sa mga werewolves na nakalaban nila at kung hindi dahil sa kanya ay hindi sila maaaring makaligtas pa....kakaiba daw si Graciella sa lahat ng babaing bampirang nakilala at nakasalamuha nila. Galing daw sa bansang Europa si Graciella at itoy naligaw lamang sa lugar na yun kung saan siya napadpad. Isa daw siyang adventurist ayon na rin sa kanya. Naalala ko tuloy bigla ang aking kapatid, kagaya niya ay hindi rin ito nahihinto at nakukuntento sa isang lugar. Kung saan saan ito napapadpad at nag iistey lamang ito kapag nagustuhan niya ang isang lugar............
Hindi nagtagal ay lumusob na ang mga werewolves. Ngunit hindi kagaya ng inaasahan namin ay hindi sila ganoon kalalakas at karami, kakaunti lamang sila kompara sa inaasahan ko. Ni hindi ko nga nagawang lumaban pa dahil kayang kaya na ito ng aking mga tauhan. Nakita ko ang ginawang pakikipaglaban ni Graciella sa mga werewolves, magaling nga siya, napakabilis niyang kumilos kompara sa isang ordinaryong bampira.....at hindi ako tanga para hindi ko mahulaan ang gustong iparating sa akin ng mga nakatatanda, dahil hindi ito lamang ang pagkakataon na nagpakilala at nag alok ng babaing gagawin kong Reyna ng aking kaharian.......
At hindi ako isang hangal para lamang ipagpalit ang mahal kong Reyna sa kahit sinumang babaeng iharap nila sa akin. Mahal na mahal ko ang aking Reyna at mga anak, uubusin ko ang lahi ng sinumang nilalang ang makasakit sa mag iina ko............
Natapos at naubos nat lahat ang kalaban ngunit hinndi man lang ako umalis o gumalaw man lang sa kinatatayuan ko hinayaan ko ang mga kawal kong mga kawal ko ang siyang makipaglaban sa mga werewolves na yun......
Habang nag uusap usap ang mga nakatatanda at ilang bampirang sumama sa pagsugpo sa mga kalaban. ay parang bigla akong kinabahan , at biglang may sumagi at parang nag flash sa utak ko ang aking mag iina ......bigla akong kinabahan lalo pat napansin ko ang biglang pagdilim ng kalangitan......
at nakita naming lahat ang napakaraming kulumpon ng mga uwak sa langit. Napakaraming uwak ang sama samang lumilipad papunta sa kung saan. At maya maya ay biglang bumagsak ang napakalakas na ulan, bigla akong napatingin sa direksiyon kung saan patungo ang mga ibong iyon at napansin ko ang direksiyon nila ay sa palasyo.......
" naparaming uwak niyan saan sila patungo...at sinong nilalang ang tumawag sa kanila...
" marahil ay ang mga witches na naman ang may gawa nito...mukhang may binabalak na naman silang hindi maganda...."
" mahal na hari !! Pagmasdan niyo ang dreksiyon ng mga uwak papunta ito sa kastilyo..."
Hindi na ako nag aksaya pa ng oras mabilis kong pinatakbo ang aking kabayo, hindi ko na inalintana ang pagsigaw ng mga nakatatanda sa akin at kahit ang ilang kawal na kasama ko ay bigla na lang din sumunod sa akin sa pag balik sa palasyo.....
BINABASA MO ANG
THE HUSBAND...
VampireI was 17 years old when I was kidnapped by unknown person , Mabilis ang mga pangyayari nalaman ko na lang na kasal na daw kami at asawa ko siya halos wala akong matandaan sa lahat ng pangyayari, I thought it was a dream, after our honeymoon, I got b...