ZIA's POVNapakalalim pala ng pinaghulugan ko, mabuti na lang at puro damo tong binagsakan ko ,kung hindi malamang nagkasugat na itong puwet ko sa biglang pagbagsak ko....pero kahit may damo ramdam ko pa din ang sakit, kasi mataas ang pinaghulugan ko....tinignan ko ang paligid ko, napakadilim wala akong masyadong maaninag , tanging liwanag lamang na galing sa itaas na pinagbagsakan ko kanina. Hindi ko alam kung nakita ako ni Zenum kanina bago ako mahulog dito sa bangin , my God baka hinahanap nako ni Zydus baka magwala na naman yung isang yun kawawa naman ang mga tauhan nito kahit mga bampira ang mga yun nakakaramdam pandin sila ng sakit....Sana makita nila ako dito pero paano.......siguradong mag aalala yun kapag hindi niya ako makita sa paligid....
Isa lang ang natatanging paraan para maka alis dito.........I was about to use my powers to escape here , but suddenly some fireflies got my attention, nasa isang sulok sila and one by one their coming to me, natuwa ako sa itsura nila dahil para talaga silang may isip! Nakapalibot sila sa akin, sinubukan ko silang kausapin , Then suddenly , I hear them that they want me to follow them.....at habang sinusundan ko sila , parang padami pa ng padami lalo ang mga alitaptap...hanggang sa lumiwanag na ang buong paligid....kitang kita ko na ang kabuuan ng pinagbagsakan ko, at may isang maliit na butas pero kasya naman ang kahit tatlong tao sa butas na iyon...ayoko sanang pumasok sa loob nun dahil ayoko talaga sa masisikip na lugar para bang hindi ako makahinga kapag masyadong maliit ang butas na papasukan ko, pero malaki naman medyo ang butas and besides, I don't have a choice para magniarte pa......baka may ibang daan naman palabas sa loob ng kuwebang ito.....
Pagkakatiwalaan ko ang mga alitaptap nato, baka sakalaing alam nila ang tamang daan at hindi lamang nila ako niloloko. Kakaiba kasi sa mundong ito parang kahit ang hayop at mga insekto ay mahirap pagkatiwalaan. Isa pa ay alaga ng mga witches ang anumang insekto dito sa mundo nila at isa ang mga witches sa mga mortal na kalaban ng mga bampira. Kakaiba kasi ang mga witches kaya nilang patayin ang mga bampira gamit ang kaalaman nila sa pangkukulam at paggawa ng potion laban sa kanilang mga kalaban.....
Pagka Pasok ko sa butas ay agad akong namangha sa nakita kong bulaklak, napakaganda at marami ang bulaklak at maliliit na dami sa paligid.......maliwanag ang paligid dahil sa kristal na nakapalibot sa kuwebang ito...Paanong nagkaron ng ganito kagandang mga halaman sa loob ng kuwebang ito , paniguradong may isang nilalang ang nag aalaga sa mga halamang ito, ngunit sino! ......karamihan sa mga nakatira dito ay mga bampira ayon na rin kay Zydus....hindi kaya isang witch ang nangangalaga sa kuwebang ito.......
Sinundan kong muli ang mga alitaptap at nakita kong may dalawang malaking butas na daan ang kuwebang ito....susundan ko sana ang mga alitaptap ngunit naghiwalay din sa dalawang grupo ang mga alitaptap na to, ng kausapin ko ang mga alitaptap ay magkakaiba sila ng opinyon parehas gusto ng dalawang grupo na sundan ko sila kaya ang ginawa ko ay pinakiramdaman ko ng mabuti kung sino sa dalawang grupo ang nagsasabi ng tamang daan, ngunit sa Kanilang dalawa ay parehas lamang na nagsasabi sila ng totoo, kaya inuna kong pagbigyan ang grupo na nasa kaliwang daan pumunta mas kakaunti lamang sila kompara sa mga alitaptap na nasa kanan may gusto lamang daw silang ipakita sa akin pansamantala, kaya pumayag na rin ako sa kagustuhan nila.....
Namangha ako sa nakita ko .......pagkadating namin sa pinakadulo ng kuwebang ito...napakaraming paro paro na para silang umiilaw kada tamaan ng sinag ng liwang na nagmumula sa mga Kristal na bagay sa paligid, para silang mga diamond sa paligid... Napakaraming bulaklak at damo sa paligid...may ilang maliliit na puno rin na punong puno ng bulaklak ang bawat sanga .......at ang higit na naka agaw ng atensiyon ko ay ang isang duyan na hugis paro paro........Ang mga dingding ay nagliliwanag sa ibat ibang kulay ng kristal Akala ko nga ng una kong makita ay mga yelo pero ng hawakan ko ay purong kristal ang mga ito akala ko nga ay mga sinadyang gawa lamang at idinikit sa bawat dingding ang mga kristal sa paligid ng kuwebang ito , pero kakaiba ang kinang ng mga ito kaya napatunayan kong hindi ito gawa lamang ng isang tao....... "/Hindi kaya purong diamond ang mga ito...siguro ang yaman ko na sobra kapag nadala ko ang mga ito sa pilipinas hehehe...." ....ano ba tong iniisip ko ..puro pera na naman ang nasa utak ko. Nang nasa Pilipinas kasi ako , nagpupursige akong makatapos na dahil ang sinasahod ko lamang sa pagiging intern ko nun sa hospital ay nasa minimum wages pa lang dahil hindi pa talaga ako ganap na isang surgeon, kailangang matapos ko muna ang training ko para malaki ang kitain ko, para hindi na ako umaasa pa kay papa, nahihiya na kasi ako kay papa nun dahil lahat ng gastos ko sa kambal ay si papa ang nagtutostos ..........hindi ko naman na kailangan ng pera sa panahong to, kung pera lang din ang pag uusapan ay napakarami na din ng pera ni Zydus.....at isa pa kailangan ko munang hanapin ang tamang daan palabas sa kuwebang ito...siguradong kanina pa nag aaalala si Zydus...
BINABASA MO ANG
THE HUSBAND...
VampireI was 17 years old when I was kidnapped by unknown person , Mabilis ang mga pangyayari nalaman ko na lang na kasal na daw kami at asawa ko siya halos wala akong matandaan sa lahat ng pangyayari, I thought it was a dream, after our honeymoon, I got b...