ZYDUS POV
Nakatanggap ako ng tawag na nagmumula sa bansang Italya sa Roma na nagmumula sa isang taong mortal, nagulat ako pagkarinig ko ng pangalang sinabi ng secretary ko kung sino ang taong gustong kumausap sakin......it's Ikor Reynolds.............Sa tagal at haba ng panahon ngayon lang muling nagparamdam sa akin ang taong yun ang Reynolds brothers si Ian at Ikor ang twins na vampire slayer.........
Sikat at tanyag ang magkapatid na yun bilang isa sa mga slayer na pumapatay sa mga katulad naming bampira at werewolves na pumapasok sa mundo ng mga tao.....sila ang pinakamagaling sa mga slayer ng isang grupo noong mga panahong yun. Isa na ring immortal ang reynold twins dahil hanggang ngayon ay hindi pa din nagbabago ang mga nayo nila. Nabubuhay na rin sila sa napakatagal na panahon. Hindi ko lang alam kung ano ang totoong nangyari sa kanila.
Maraming naglipanang katulad namin ng mga panahong yun, at karamihan sa mga kalahi namin ng mga panahong yun ay talagang pumapatay ng mga mortal para mabuhay pa ng matagal sa mundong ito. Kakaibang lakas ang nagagawa sa amin ng dugo ng mortal.
Magmula noong panahong yun na kapwa pa tanyag ang magkapatid na yun ay wala ni isang bampira na kalahi ko ang nakakapasok sa teritoryo ng mga mortal. Kahit ilang beses ng ipinapaliwanag sa kanila na wala kaming ibang intensiyon sa mga mortal at hindi namin sila gagawing pagkain at maghahasik ng lagim ay patuloy pa din silang pumapatay ng mga bampira. Hindi ko naman sila masisisi dahil ilan sa mga kapwa ko bampira ay talagang patuloy pa ring nambibiktima ng mga tao.....hindi mo din masisisi ang mga bampira dahil masyadong malulupit ang mga mortal lalo pat kapag nalaman nilang isa silang bampira. Marami ang natatakot once na malaman
Ngunit nakapagtatakang buhay pa silang dalawa. Dahil iĺang dekada na ang nakakaraan at ilang battle na Kung akoy ilang daang taon na ring naninirahan dito sa mundo, at ang magkapatid na Reynolds ay nakilala ko ng akoy tatlong daang taon mahigit na..at sa pagkakaalam ko ay isa lamang din silang mortal. Maraming haka haka ang mga narinig ko kung paano sila naging isang immortal, ngunit sa kabila nun lalo pa sila nag pursige na ubusin ang lahi ng mga bampira at lobo.
Aaminin ko na malakàs sila at may mga makabagong sandata para ubusin ang mga bampira at lobo.
Nasaksihan ko ng atakihin ang kapatid nitong si Ian nun sa kagubatan ng Criselda kung saan sinalakay sila ng mga mababangis na werewolves, at si Ikor ay nakagat naman ng isang hybrid na bampirang si Remilia.
Parehas silang wala ng buhay ng araw na yun at kaya malaya na kaming nakakapanirahan sa mundong ito. Naging matiwasay at malaya na ķaming nakakalabas at nakakapunta sa kagubatan noon para manghuli ng mga hayop na siya naming kinukuhanan ng dugo.
Nawala ang grupo ng mga reynolds dahil magmula ng malaman nilang patay na ang reynolds brother ay biglang nawala na ring parang bula ang grupo nito. Nang mamatay at mawala ng parang bula ang magkapatid na yun ay nawala na ring parang bula at namatay na rin ang ilang slayer ng grupong kinabibilangan nila......
Isa ako sa nakalaban ng magkapatid na yun...masasabi kong kakaiba talaga silang makipaglaban mabilis silang nagsikilos at ako sa lahat ang gusto niyang mapatay ng mga panahong iyon....dahil kasalukuyang ako na ang nakaupo sa puwesto nun bilang hari ng mga Bampira sa buong mundo......ilang beses ko din siyang nakalaban at muntik muntikan ko na rin siyang napatay ng mga panahong iyon.....
pero ngayon bakit bigla bigla ay nagparamdam sila. Matagal ng panahon nangyari ang mga bagay na yun, masyado nakong bilib sa kanila kung sila nģa ba ay buhay pa hanggang ngayon. baka naman ginagamit lamang nito ang pangalang iyon para ako ay magpakita sa kanya.......pero paano ko malalaman kung talagang siya nga si Ikor Reynolds kung hindi ako pupunta....
" Sino ka at anong kailangan mo sa akin...."
" it's been a while Zydus....sabi ng isang tinig na kilalang kilala ko pero papaanong nangyaring buhay pa siya sa mga panahong ito..
BINABASA MO ANG
THE HUSBAND...
VampirI was 17 years old when I was kidnapped by unknown person , Mabilis ang mga pangyayari nalaman ko na lang na kasal na daw kami at asawa ko siya halos wala akong matandaan sa lahat ng pangyayari, I thought it was a dream, after our honeymoon, I got b...