CHAPTER 14

31.2K 500 17
                                    

ZIA'S POV

Tumagal ng ilang araw ang malakas na pag ulan na ginawa ni Ilac...sinabi ko na rin kay Zydus na si Ilac ang may kagagawan nito kaya sinubukan niyang tulungan ang kanyang anak na mag focus at subukang isiping muli kung paano niya mapahihinto ang napakalakas na pag ulan......

After three days ay nagawa din ni Ilac na pahintuin ang ulang ginawa niya, ngunit napakalaki rin ng pinsalang natamo ng ilang mamayan sa bayan ng Transylvania , dahil sa tatlong araw na walang tigil ng pag ulan sa ilang karatig lugar....kaya nagpasya akong alamin kung ano na ang nangyari sa ilang mamamayan sa kapatagan...nagpa alam ako kay Zydus na pupunta ako sa bayan upang alamin ang nangyari doon . Ayokong maraming mamamayan ang madamay o nadamay ng dahil lamang sa pagkakamali ng aking anak. Gusto kong tignan kung ano ang maitutulong ko sa ilang tao sa lugar na yun......

Pinayagan ako ni Zydus ngunit kailangang kasama siya, ngunit nagpumilit akong wag na siyang sumama sa akin at isa na lamang sa kawaksi ang isasama ko. Kailangang maturuan pa rin kasi ni Zydus si Ilac sa paggamit ng tama sa paggamit ng kapangyarihan nito. Pumayag na rin siya after ng ilang oras naming pagdidiskusyunan. Yun nga lang kinakailangang magsama ako ng sampung kawal at tatlong maid servant para makatulong ko......

Gusto sanang sumama ng dalawa kong anak sakin ngunit hindi sila pinayagan ni Zydus dahil kailangang magawa nila ng tama ang kanilang kapangyarihan ng sa gayun daw ay sila na ang magpoprotekta sa akin kapag lumusob na ang mga kalaban....dahil sa sinabing iyon ni Zydus ay pumayag na rin ang dalawa at nagsimula ng muli sa pagsasanay. Masyadong istrikto kasi si Zydus sa pagsasanay sa dalawa kaya medyo hirap at takot pa din ang dalawa kong anak. Ang balak nilang pag papahirap sa ama nila ay siyang naging kabaligtaran daw dahil ang nangyari ay sila ang pinapahirapan ngayon ng kanilang ama.....

Nakakatuwa lang silang panoorin dahil laging nakasimangot si Cadius at nakanguso naman si Ilac...pinagsuot ni Zydus si Cadius ng gloves dahil madalas ay hinahawakan siya ni Cadius ng di niya alam kung sinasadya ba or hindi na mahawakan siya ng kanyang anak . masyadong pilyo ang dalawa kaya kahit ang mga maid servant ng palasyo ay natatawa habang nagsasanay ang mga ito sa likod ng palasyo kung saan malaya niyang nagagamit ang kapangyarihan nila....ang halos lahat sa palasyo ay alam na ang kapangyarihan naming mag iina....

Apat sa mga servant ko ang gustong sumama sa akin para pumunta sa bayan , gusto rin daw kasi nilang pumunta sa kanilang pamilya dahil matagal na rin ang huling araw kung saan sila huling bumisita sa mga ito, kaya sasamantalahin na rin daw nila ang pagkakataon.....

Pinagsuot nila ako ng isang damit na karaniwang sinusuot ng isang pangkaraniwang mamamayan lamang, mas gusto ko pa nga ay short ngunit hindi pumayag si Zydus ng makita niya ang suot ko. Kaya nagpalit ako ng isang pangkaraniwang bistida na siyang nakita kong inilabas ng isa sa maiden ko. Nagustuhan ko ang itsura at kulay ng damit kaya ito na lamang ang isinuot ko, at umalis na kami sa palasyo sakay ng kabayo..excited akong sumakay sa kabayo, It's not my first time to ride a horse actually, dahil ng mapadpad kami ni papa nun sa Africa , siguro mga eleven years old pa lang ako nun ay nag aral akong mangabayo ng di nalalaman ni papa, kaming dalawa lang ni yaya ang nakaka alam ng bagay na yun dahil alam kong hindi ako papayagan ni papa pero dahil love ako ni yaya at gusto niyang mag enjoy ako kahit papaano, dahil super bored nako nun sa bahay kaya ang horeseback riding ang napili kong paglibangan, yun nga lang hindi ko naman natapos ang training ko dun dahil sa hindi ko alam na dahilan ay umalis kami agad nila papa kinagabihan nun...

At ngayon nga ang pangalawa na baleng pagsakay ko, kinakabahan man ako pero nagkasundo naman kami ng kabayong to na hindi niya ako hahayang malaglag sa pagsakay ko sa kanya....naiintindihan ko kasi ang bawat sabihin ng anumang hayop sa paligid ko...nung una ay ayaw sanang pumayag ni Zydus, ng malaman niyang hindi pa ako talaga marunong magpatakbo ng kabayo pero dahil sa sinabi ng mga anak ko na hindi naman ako papabayaan ng kabayo ay pumayag na ito, nalaman na rin kasi ni Zydus ang isa sa kakayahan ng mga anak niya.....

THE HUSBAND...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon