ZIA'S POV
Humupa panandalian ang labanan ng mga werewolves over the Vampire clan. Naipanalo nila Zydus ang laban sa ibang lugar kontra sa mga hybrid sa ilang lugar na sinakop ng mga kalaban kamakailan. At dahil payapa na rin ang kalooban ni Zydus at ng buong Transylvania ay hindi ko pa rin maiwasang matakot at kabahan kada aalis ng palasyo si Zydus para sa pakikipaglaban sa mga kalabang lahi......
Malapit na rin ang kabilugan ng buwan, malapit na akong maging ganap na bampira.kinakabahan ako na di mawari para sa araw na yun, ni hindi ko pa nga nakakausap ang papa magmula ng akoy magpunta kami dito. naghahanda na ang palasyo para sa nalalapit na araw na yun, ilang araw na lamang magmula ngayon kaya busy sila masyado sa preparasyon....ngunit bago pa muling dumating ang araw na yun ay may dumating na imbitasyon mula sa mga council sa bansang Europa. Sila ang nagpapatupad ng batas sa lahat ng mga nagkakasalang bampira. At kinakailangan ang presensiya ng mahal na hari.....
Umalis si Zydus patungo sa bansang Europa upang umatend sa pagpupulong na gaganapin sa mundo ng mga bampira sa buong mundo. Lahat ng matataas at makapangyarihang bampira ay magsasama sama at magkikita kita para sa gaganaping pagpupulong tungkol sa mga pangyayaring naganap kamakailan. Marami pa rin kasi ang naghahangad na paalisin sa pagiging hari si Zydus sa kabila ng mga nagawa niya sa buong lahi ng bampira.....malakas si Zydus sa lahat ng bampirang naninirahan sa buong mundo. Walang sinuman sa mga bampira ang nakakatalo dito. Ngunit kahit sa mundo rin pala ng mga bampira ay may politics issue...kasama sana ako dahil isa ako sa naimbitahan ng council kailangang kasama daw ang reyna sa pagpupulong na yun. Ngunit mahigpit na tumanggi si Zydus dahil purong bampira ang mga tao daw dun at kapag ganoong magkakasama silang lahat ay hindi nawawala ang gulo sa pagitan ng mga kapwa bampira. At dahil hindi pa ako ganap na bampira ay natatakot siyang pati ako ay pagdiskitahan ng mga kapwa bampira niya dun......siya na lamang daw ang bahalang magpapaliwanag sa lahat....
Sasamantalahin ko sana ang araw ng pag alis ni Zydus para pumunta sa lugar ng Crisana, dahil masyado akong naguguluhan at parang na cucurious ako sa lugar na yun , gusto kong balikan ang kuwebang nakita ko dun pati na rin ang librong nakita ko doon . Ngunit bago pa ako maka alis ay may biglang dumating na balita galing sa lugar ng Maramures, dahil may nakita daw silang isang malaking liwanag na nanggagaling sa lugar na yun...ang liwanag daw na yun ay sumisimbolo ng paghingi ng tulong ng mga naninirahan dun..isang signal na nagbibigay pahiwatig na kailangan nila ng tulong na nagmumula sa palasyo.....
Ngunit ayon sa isang kawaksi ay puro mortal lamang ang mga nakatira doon at papaanong hihingi sila ng tulong sa palasyo...dahil ang signal na yun ay para lamang sa bampirang kalahi nila . Pero sabi naman ng isang kawaksi na may ilang bampira din na naninirahan doon ayon sa nasagap niyang balita, karamihan daw sa ilang taong lumisan sa lugar noon ng Crisana ay doon lumipat bago pa man mangyari ang pagsalakay sa lugar ng Crisana. Ngunit Ang higit nga lang daw na nakakapagtataka ay nang eksaktong umalis ang ilan sa bampirang naninirahan doon sa Crisana ay siyang biglang pag atake kinabukasan ng grupo ni Massimo nun, kaya ang iniisip nila ay may malaking kasabwat o espiya si Remilia sa lugar na yun. Kaya hindi maganda ang kutob nila sa signal na ginawa ng mga taong nasa lugar Na yun, tanging ang mga bampira lamang kasi ang gumagawa ng ganoong signal kung sakaling kinakailangan nila ng tulong ng palasyo.
" baka isa lamang itong patibong mahal na reyna!..."....sabi ng isang kawaksi ng palasyo..
" oo nga mahal na reyna, maaaring nalaman nila na wala ang hari sa palasyo at kayo lamang ang nandirito ngayon.."...segunda naman ng isang kawal...
" what if kung hindi , what if kung kailangan talaga nila ng tulong na nagmumula sa palasyo...!
" ang mabuti po ay papupuntahin ko na lamang ang ilan sa kawal sa lugar na yun para masigurado po nating hundi iyon isang patibong, kapag hindi bumalik ang ilang kawal sa loob ng kalahating oras ay saka na lamang kayo sumunod doon..."... Suhestiyon ng isa sa kawal ng palasyo...
BINABASA MO ANG
THE HUSBAND...
VampireI was 17 years old when I was kidnapped by unknown person , Mabilis ang mga pangyayari nalaman ko na lang na kasal na daw kami at asawa ko siya halos wala akong matandaan sa lahat ng pangyayari, I thought it was a dream, after our honeymoon, I got b...