Panimula

3.3K 133 10
                                    

Meet Lucas Montero ang Closet queen ng ating kwento. For him he is a she na natrap lang sa katawang lalaki. Mula sa edad na dose alam niya at ramdam niya na siya ay sereyna. His parents accepted it but he chooses to not be an all out gay para narin sa iniingatang pangalan nang pamilya. Kaya kahit mahirap, tiis ganda ang lola niyo na magpanggap na shokoy kahit feel na feel na niyang umupo sa bato at ilabas ang pagka dalagang pilipina niya.

Meet Sabrina  Entrata ang bukod tanging babaeng alam na alam ang lihim ni Lucas

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Meet Sabrina Entrata ang bukod tanging babaeng alam na alam ang lihim ni Lucas. They're friend but also enemy. Magulo ba? Well let just say she is his bestfrienemy mula pa sa unang taong nang kolehiyo. Crush niya ito pero shet lungs mas naarte pa ito sa kanya. But can you really teach your heart to unlove a person dahil lang sa preference niya sa kanyang pagkatao? Kasi after 3 years of being his friend sure na sure na siya her crush feeling already turned to love.

-----------"Hoy bakla tulo laway kana naman

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

-----------
"Hoy bakla tulo laway kana naman." She said at agad itong tumingin sa kanya nang masama.

"Ikaw na babae ka wag mong pinapakialaman ang pag ma man hunting ko ha. Inggit ka?" Sabi nito kaya umirap siya bago ito binato nang French fries.

"Kapal. Ewan ko sayo bahala ka na nga." She said bago ipinagpatuloy ang pagkain nang French fries at panonood nang kdrama.

Napatigil siya sa pag nguya nang inilapit nito ang mukha sa kanya.

"Sab." Bulong nito.

She look at him bored kahit ang totoo ay halos lumabas na ang puso niya sa lakas nang tibok nito. "Bakit? At pwede ba lumayo ka." Pag susungit niya.

"Infairness ang galing kong pumili nang lipstick sayo." He said bago nangalumbaba. "Gusto mo kulutin ko yang buhok mo?"

Iiling sana siya pero nang makita niya ang mga mata nito tila siya may sapi na tumango.

"Yes. Magagamit ko na yung curling iron ni mudra sayo. Hays bet na bet ko talaga ang maging parlorista today." Baklang bakla nitong sabi bago tumingin sa paligid. "Oh em ang gwapo talaga ni Troy, gosh!"

Napailing siya at napangiti nang mapait. Hayop na bakla to bat kasi siya ang gusto mo heart. Pwede iba nalang?

----------####-----------
Gabriel143

I'm Inlove With You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon