Chapter 16

1.2K 123 20
                                    

Sabrina's POV

"Beshy bilis." Sabi ni Lucas sa kanya nang naglalakad na sila sa school ground. Hatid sundo siya nang kaibigan at ngayon ay naka akbay na nakaalalay sa kanya.

"Binibilisan ko na baks sadyang isang hakbang mo eh dalawang hakbang sa akin. Jusko hinihingal na nga ako." She said na ikinasimangot nito.

Paano kasi malapit na itong ma late, sinabihan na niyang mauna ito pero ang tigas nang ulo. Gusto sabay daw sila para maalalayan siya.

They ignored the stare of those other students towards them. Mula nang magsimula ang semester ay lagi na silang laman nang tsismis. Kesyo ang harot ko daw at ang agang nabuntis ni Lucas. Yes akala nila si Lucas ang ama nang anak niya. Duhhh confused naman ang mga to kung bading ba o totoong lalaki si Lucas, isa pa kahit alam nang mga to na may kakambal ang kaibigan ay imposible naman daw na patulan siya ni Luke. Oh diba makahusga wagas ang mga tangina.

"Nga pala kailan nga ulit check up mo?"

"Sa byernes na. Bakit?"

"Sina mama ang sasama sayo ha? May pupuntahan kasi ako." Paalam nito kaya tumango siya.

"Sa bahay niyo nga pala ako uuwi baks. Biglang namiss ko sina mama." She said kaya ngumiti ito at inakbayan siya.

"Siguradong matutuwa yun. She keep on asking and bugging me about you. Nag aalala sila lalo na sa kalagayan mo." He said na nakapagpangiti sa kanya. How she loves her inlaws, mula pa dati nung wala siyang kaalam alam na may kakambal ang kaibigan ay malambing na sa kanya ang byenan na babae. Everytime na umuuwi ang mga ito galing sa abroad ay lagi siyang may pasalubong.

As time comes by ay ok naman. Ipinagpasalamat niya na wala masyadong demand ang mga guro nila.kaya nang mag uwian ay hindi na masyadong naghintay nang matagal si Lucas sa kanya.

While driving on the way to his parents house ay naaliw na nakikinig lang siya kay Lucas. Nang makarating sila sa mansion ay agad silang napatigil sa pagpasok nang madinig ang sigawan nang asawa. They look at each other at inalalayan siya nitong maglakad papasok para makita ang nangyayari.

"Ayaw ko na. Kung makukulong tayo then be it. Matatanda na tayo at diko na kaya na makonsensya habang iniisip na naghihirap ang anak ko at ang asawa niya dahil sa kasalanan natin." Lucas dad said.

Kitang kita niya ang paghikbi nang mama ng mga ito bago pinunit ang mga papel na hawak.

"Same love. Kaya hala magpakulong na tayong dalawa. Jusko ang kakapal nilang magpadala nang annulment para makasal ang anak ko sa babaeng yun."

Sabay silang napasinghap ni Lucas kaya napatingin ang mga ito sa kanila.

"Sabrina." Mama said bago siya nilapitan at niyakap. "Oh anak sorry." Umiiyak nitong sabi na ikinataka niya.

"A-anong annulment po? Kay Luke po ba galing?"

Umiling ito bago siya hinila paupo sa living room sofa.

"Listen ok? Luke loves you. Mahal ka nang anak ko. But he is in a situation right now na nagkululong sa kanya at ang dahilan kaya wala siyang ni isang contact mula sayo."

Naguguluhan man ay agad siyang napahawak sa kamay nang bestfriend niya nang magsimulang magkwento si mama.

"Napagbentangan kaming nagnakaw nang pera anak. Na frameup kami nang daddy niyo. Akala namin ay mag iinvest sa kumpanya namin ang kumpanyang pinagtatrabuhaan ni Luke nang di namin mapansin na binaliktad nila kami. And now Luke and you are suffering about it, but I swear to god mahal ka nang anak ko. And we already have an idea why that company did this to us."

Tahimik lang sila ni Lucas.

"They want luke to marry Vanessa. Ang anak nang ceo nang kumpanya. That woman is crazy towards my son. And they did all this dahil alam nilang gagawin ni Luke ang lahat para sa amin. But we're done with this sht. Mas gugustuhin ko pang makulong kesa ang makitang nahihirapan ang anak ko at ang pamilya niya."

Napaiyak siya sa nalaman at magsasalita na sana nang may tumawag kay Lucas at kitang kita niya ang gulat nito bago ini loudspeaker ang cellphone.

"Dammit Lucas where the fck is my wife?"

Agad siyang napasinghap sa nadinig.

"L-luke?"

"Baby? Baby oh god I'm sorry, I miss you. Please don't ever signed an annulment papers. Hindi ako ang may gawa niyang. Mahal na mahal kita at wala akong balak na makalaya sayo. Sayo lang ako baby. God knows na sa sayo lang ako." He said at magsasalita pa sana siya nang biglang namatay ang tawag.

Luke.

----------#####--------
Gabriel143

I'm Inlove With You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon