Sabrina's POV
"Beshy this is it pancit." Sabi ni Lucas kaya napangiti siya.
Nakaakbay ito sa kanya habang papasok sila sa registrar office. Mag eenroll silang dalawa dahil finally huling semester na nila sa koliheyo.
"Oh my god diko kinakaya ang ganap. Natiis natin ang makihalubilo sa mga panget dito." Maarte nitong sabi kaya napatawa siya lalo nat tiningnan sila nang masama sa mga nakarinig sa kanila.
"Bunganga mo bakla. Jusko ha diko feel ang makipag sabunutan today." She said na ikinanguso nito bago siya inakbayan ulit.
"Sa bahay kaba uuwi?" He ask. Umiling siya kaya nawala ang ngiti nito. "Sab sa bahay ka nalang please. Dilikado na ngayon pati sina mama nag aalala na sayo."
"Eh siya ba nag aalala sa akin?" She ask at agad niyang iniiwas ang tingin dito nang makita niya ang awa sa mga mata nang kaibigan. "Forget it. Ok lang ako baks isa pa sanay na ako halos limang buwan nadin akong naninirahan sa boardinghouse ko."
Pitong buwan na mula nang umalis si Luke at di nagparamdam sa kanila. Buhay naman ito pero tangina lang talagang wala na itong paki sa kanya. How many times she called and message him pero ni wala itong sagot. At nung puntahan ito nina Lucas sa america ay ni hindi man lang ito nagtanong o nangamusta sa kanya. He literally just abandoned her.
"Pero buntis ka." Lucas said kaya napahaplos siya sa tiyan niyang bilog na bilog. Anim na buwan palang ang tiyan niya pero ang laki na. Paano ba kasi eh kambal ang nasa loob.
"Ok lang ako." She said.
"Kailan mo sasabihin kay kuya ang kalagayan mo sab? Malay mo pag nalaman niyang buntis ka ay umuwi yun."
Ngumiti siya nang mapait bago umiling. Ipinagbawal niya sa mga ito na sabihin kay Luke ang kalagayan niya.
"Bakit pa? Sanay na akong wala siya."
"But you love him beshy."
"And he left me hanging Lucas. Kasabay nang pag alis niya ang pag abandona sa akin. Putangina bat niya pa ako pinakasalan kung iiwan niya ako nang ganito? I tried to understand him baks pero may hangganan ang pang unawa ko." She said na ikinabuntong hininga nito bago siya niyakap.
"Masusuntok ko na talaga si Kuya for hurting you." Sabi nito na nagpangiti sa kanya.
Sa dami nang pinagdaanan niya sa loob nang pitong buwan isa lang ang nananitili. At yun ay ang bestfriend niya. Kahit rinding rindi na ito sa pakikinig sa iyak niya ay di siya nito iniwan. Lucas stayed kahit minsan pinagtabuyan niya ito. Kung sana ganun din ang kakambal nito.
Nang maging ok na siya ay ngumiti siya kay lucas at humawak sa braso nito. "Tara na gutom na ako." She said na ikinatawa nito.
Nang makarating sila sa mall ay agad silang nagpunta sa paborito nilang kainan. Syempre libri ni Lucas dahil wala siyang pera noh. But seriously meron naman pero hindi niya ginagalaw dahil di naman iyon kanya. Alam niya na galing kay Luke ang pera na dumadating sa account niya buwan buwan pero di niya yun kailangan.
While waiting to their food ay sabay silang napatingin at napasinghap nang makita ang balita sa tv.
"Famous filipino model Luke Barber is getting married." Ayon sa balita kasabay nang paglabas nang mga litrato ni Luke kasama ang isang napakagandang babae. Magkahawak kamay ang mga ito habang ang saya saya nang ngiti.
PUTANGINA
----------####---------
Gabriel143