Chapter 8

1K 30 0
                                    

Nagdaan ang ilang mga linggo ay nakita ko na yung pagbabago niya, or should I say,  unti-unti ko ng nakikilala ang isang Xia noong wala pa siyang pinagdadaanan. Pero minsan nababanas ako. Eh paano kung sino-sino na lang nginingitian.  Tapos yung iba halos himatayin pa. 

Tinignan ko lang ito at humalumbaba. Nakipag kwentuhan kasi sa mga studyante.

" Oh?  Anong mukha yan,  Nagseselos ka ba? " sinamaan ko naman ito ng tingin.

" Pinagsasabi mo diyan?  Suntukin kaya kita.  Wag ako Cassandra ha?!  Mainit ulo ko "sabi ko habang matalim pa rin na nakatingin sa kanya.

" Look at her,  Isn't she beautiful? Ang saya kasi unti-unti na siyang bumabalik sa dati.  And Thank you for staying with her " sabi niya saakin habang nakangiti na tinitignan yung pwesto nila Xia. Tapos napairap ako kahit di niya naman yun makikita.

" Dapat nga sana di nalang siya bumalik sa dati,  Para di siya naghaharot dun sa mga unggoy " tinignan niya naman ako ng may nakakalokong ngiti tapos pinisil ang ilong ko.

" Mangharot ka din kaya, Selos ka lang eh" sabi niya habang patawa-tawa na lumapit kina Xia.

" BESSSSH! I MISS YOU" sabi nung gaga at inambahan ng yakap ang Magaling na Xia.  Kaya napairap ako. At dali-daling lumapit ako saka hinablot si Xia sa pagkakayakap nito.

" Possessive " bulong ni Cassandra pero rinig ko naman.  Kaya inirapan ko.

" Tara,  Kain tayo sa Cafeteria. Nagugutom ako " sabi ko tapos ngumiti lang siya sa mga kausap niya at nagpaalam sa kanila.

" Teka lang naman Venice, Masyado ka atang gutom ngayon eh!  Hinay-hinay naman " reklamo nito sakin ng hinihila ko ito papunta ng Cafeteria. Kaya huminto na muna ako.

" Gutom na gutom na talaga ako,  but I've changed my mind ipagluto muko" sabi ko sakanya. At napakamot siya sa ulo niya. Tapos nag pout.

" Uutusan mo pa ako eh!  Ayoko nga " sabi niya at nag pout parin.  Bakit ba ang cute ng nilalang na ito ? Pero dahil naalala ko yung kaharutan niya kanina ay kinurot ko ito.

" Wag kang mag pout dyan.  Hindi ka cute!  Tara na uwi tayo. At ipagluto muko! " yun ang sabi ko kaya wala na siyang nagawa.

" Burrrrrrrrrrrrrrrrp! " lumaki naman ang mata ko pagkatapos kung dumighay.  Busog na busog kasi ako.  Tapos yung loka-lokang nasa katabi ko habang hawak ang kamay ko ay tawa lang ng tawa saakin. Kaya nahiya ako bigla at feeling ko ang pula na ng mukha ko.

" Pinagtatawanan muko? " galit-galitan ko sakanya, para matakpan yung kahihiyan na ginawa ko.

Pinisil niya naman yung pisnge ko, at tumawa pa ng konti.

" Nuh!  Ang cute mo kasi.  I'm glad that inubos mo yung niluto ko, Tara Pahinga muna tayo "  sabi niya sabay hila saakin.

Mabuti na lang at nasa likod niya ako.  Kaya di niya napapansin ang mas lalong pag init ng mukha ko.

Okay Fritz,  Relax.  Sinabi niya lang na Cute ka.  Tapos nginitian ka.  Kalma self okay?

Nasa kwarto na kami ngayon at nahiga kami pareho,  naramdaman ko nalang na yumakap siya saakin.

Magkasama na kami matulog ni Xia. Kasi ayoko talaga na mawala siya sa paningin ko simula ng nagpunta kami ng Batangas, Tapos may panahon din kasi na binabangungot siya kaya kahit noong una ayaw niya tumabi saakin ay wala siyang magawa.  Mas matigas pa bungo ko dun eh.

" Uy Xia? " tawag ko dito.

" hmm? " sabi niya lang at tumama naman yung hininga niya sa leeg ko. Kaya medyo nangilabot ako.

" Ba't ba masyado kang maharot?! " hindi ko mapigilan itanong.  Kaya napabalikwas siya at tumingin saakin na nagtataka.

"Anong maharot pinagsasabi mo?  Eh diba gusto mo na bumalik ako sa dating ako,  Ayaw mo ba? " sabi niya na medyo lumungkot ang itsura.

"Sira. Hindi naman masyado ka lang palang friendly noon.  Di mo na alam na hinaharot kana ng iba.  O baka alam mo.  Hinahayaan mo lang. Hmp!  "sabi ko sabay irap. Kaya medyo natawa siya.

" Nagseselos kaba? " kaya kinurot ko ito.

" Bakit naman ako magseselos?  Papaligawan pa kita " sabi ko sakanya using my Duh tone.

"Talaga? Si Ano kasi nanliligaw " sabi niya kaya sinamaan ko ito ng tingin pero tinawanan niya lang ako at yumakap saakin ulit.

" Don't worry Mahal din Kita " bulong niya

Kasabay ng pag init ng mukha ko at pag wawala ng puso ko.  What?!

" S-Siraulo! " yun nalang nasabi ko sakanya.

DeepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon