Isang Buwan na ang makalipas simula ng pasukan. At isang buwan na rin ang nagdaan simula ng pinili kong maging ganito. Ang maging yelo sa harap ng mga tao.
But I'm still lucky, kasi nandyan pa din si Cassie para samahan ako, kahit nakikinig lang ako sakanya. Kahit di ko magawang sabayan siya sa mga trip niya. Andyan pa din siya.
" Ay naku! Kung di lang kita best friend eh! Makakalbo kitang yelo ka! "
But somehow got irritated lalo na pag palagi niya yan sinasabi sa akin. Pero iirapan ko lang siya. Hindi naman kasi plain cold ako sakanya. Kasi kahit anong gawin ko. Kilala niya ako.
" Besh? Gusto mo sumabay saakin mag bar naman tayo, andaya mo kasi palagi ka nalang nagpa pass, mas gusto mo pa tumambay sa unit mo. " sabi niya habang nag pout. Pauwi na kami ngayon ng kinulit niya ako mag bar.
Tinignan ko siya ng mabuti, I've changed but I'm not a fool para di ko malaman na may problema siya.
" Okay, And Tell me everything I didn't know "
Kita ko ang gulat sa mata niya at hinayaan ko muna siya at nilagpasan ito. Nasa may bandang gate na ako ng naramdaman ko nalang na tumilapon ang dala kong libro, dahil may naka bunggo sa akin. Buti na lang ay hindi ako natumba. Pero sa kasamaang palad ay yung nakabunggo sakin ang parang tangang nag dive sa semento.
Tinignan ko lang ito, nakita ko naman ang paglapit agad ni Cassie dito at inalalayan ito patayo.
" Okay ka lang? " tanong niya sa babaeng tanga. Tinanguhan lang ito at bumaling saakin.
" A-Ah! I'm sorry miss! nagmamadali kasi ako. Sorry talaga! " sabi niya saakin habang yumuyuko. Tinignan ko lang ito. Tapos nilampasan lang siya.
" Stupid" pabulong na sabi ko. At nagdirediretso na ako sa parking lot at pumasok agad sa kotse ko.
Sampung minuto ako asar na asar kay Cassie. Dahil antagal niyang dumating. She know already how i hate waiting.
" What took you so long Cassandra ? " I asked her with irritation. At pinaikutan niya lang ako ng mata. Habang kinakabit niya sakanya ang seatbelt.
"Duh! Hinatid ko po muna kasi yung babae sa clinic, Nagalusan kasi siya kanina. "
" Whatever She's stupid " yun lang sinabi ko at nag drive na ako papunta ng unit ko. Naka uniform pa kasi kami. And wala naman problema sakanya kasi marami siyang damit dun. Palagi kasi yan pumupunta doon sa Unit ko at nakikitulog.
Ilang minuto lang din Ng makarating kami sa unit ko, at sumalampak pa ang gaga sa Couch.
" Oh my God! I'm so drained! " pasigaw naman na sabi niya kaya tinignan ko siya.
" So we are not going? " napatayo naman ito agad at umiling iling.
" No way! Pupunta tayo. Utak ko lang yung pagod ngayon no! Grabe naman kasi si Sir Cuadra magpa Short Quiz. Dinaig pa yung Finals " Himutok niya bigla kaya napatawa ako ng konti.
" It's okay, Basic " yun lang sabi ko sakanya tapos inirapan ako.
" Basic? Seriously?!!! 100 items lahat, Tapos short quiz lang sa kanya. Siraulong Cuadrado yun! " natawa lang ako sakanya at nailing habang papunta na sa kwarto ko. At naligo na muna.
" I'm hungry " yun yung bungad ko pag labas ko ng kwarto kaya pinagtaasan ako ng kilay ni Cassie. Pero tinitigan ko lang ito. Hanggang sa nagmartsa na siya papunta ng kusina.
" Argh! Kahit Kailan Talaga Maxine! "
Kaya napangiti naman ako.
We both know how to cook, pero dahil sa tamad ako ay siya yung pinapaluto ko. Kaya no choice siya.
Di din ako pumupunta ng bar pag wala akong kain. Di naman sa nalalasing ako. Ayoko lang magutom.
Nakaluto naman agad si Cassie, at kumain lang kami. Tinitignan ko siya, konti lang yung kinain niya. Halatang may problema talaga. Tinatago niya pa. Pero bukod sa kilala ko siya. Gawain ko yan noon kaya alam ko.
" Okay Let's Party! "
Yan yung sigaw ni Cass, ng pagpasok pa lang namin sa bar. Nilibot ko lang ang tingin ko. At sunod dun sa kasama ko na nagtatalon. Parang bata ang loka-loka palapit sa counter. Kaya napailing ako. At naglakad na palapit sa kanya.
Nagkakalahati pa ako ng may biglang humablot saakin.
" Hey Sexy, Wanna dance with me? " A guy said using his seductive voice. Pero tinignan ko lang siya ng walang emotion.
" Bitaw" yun lang ang sabi ko at napansin ko na napa atras siya pero bumitaw din agad. at nagpatuloy na ako sa paglakad.
" HAHAHAHA! PUTA! BASTED KA ?!! Thank you lord"
Rinig kong kantyaw sa barkad siguro nung lalaki. Psh! I bet nag pustahan ang mga loko.
" Grabe Max! Kita mo ba mukha ni Winston, Priceless. HAHAHAHA! " napakunot ang noo ko. Kaya inirapan ako.
" Yung lalaking lumapit sayo, Si Winston yun, Dakilang Casanova yang gagong yan. Palibhasa Anak Sanford " tumango nalang ako. Wala akong pake sakanya.
" Let's go to vip room, Masyadong maingay dito " yun nalang ang sabi ko saka kinausap na niya yung barista. At nagpunta na kami sa Vip.
*
" They've decided na Mag divorce "
yan yung sabi ni Cassie saakin out of nowhere. May tama na siguro ang loka. Kaya hinayaan ko lang ito.
" I'm expecting this to happened, pero di ko alam na ganito pala yung feeling, Ang bigat sa pakiramdam. " narinig ko naman tumawa siya ng konti.
" Ang mas nakakatawa pa dun ay pinag aagawan pa nila ako, whether go to States, or in Spain. Like Wtf?! They never ask me what I want, They never ask me kung sasama ba ako sa kanila o hindi. Hindi na kasi ako bata. Ang tanda ko na para isipin pa nilang di ko kaya na ako lang"
" Tell them you'll stay if that's what you want, ikaw na ang may sabi na matanda ka na diba, I know tita and tito will understand, You're their only one princess . Kung nakalimutan mo "
Napasinghap naman siya at napairap saakin.
" Alam mo Maxine, Nagdadrama pa ako eh! Moment ko to eh! Princess Princess ka dyan! Sipain kaya kita?!!! Hmp! " sabi niya sabay pout. Kaya natawa ako ng konti pero nag seryoso lang din
" I know how hard it is, It isn't easy, I know. and I'm not in the position to tell you what to do. But just remember you have to accept the fact na walang forever sa mundo" sabi ko sabay tawa ng konti. Kaya napaismid siya pero lumapit naman ito saakin at yumakap. At umiyak lang siya.
Cassandra is the type of person na pag may problema ay kinikimkim niya rin. Pero once nailabas niya ito ay kinabukasan ay nagiging okay na siya. And i kinda envy her on how she manage on everything. I once asked her how she do that she just always answer it with
'Ako pa ba? Syempre ang galing kaya ng words of wisdom ng best friend ko'
Pero bakit hindi ko magawang maging okay? Bakit hanggang ngayon ay miserable pa rin ang buhay ko ? Paano ba bumangon?
BINABASA MO ANG
Deep
De TodoLahat ng bagay na nangyayari saatin ay may dahilan. 😊 Minsan Ang Hirap Umahon Lalo na Kung Masyadong Malalim Yung Nabagsakan Mo. Paalala GxG story po to!
