Chapter 15

962 24 0
                                    

Tinitignan ko lang siya habang nakahiga ngayon sa kama,  Nakatulog kasi siya kakaiyak.  At wala pa akong narinig na salita galing sa kanya. Kaya kinabahan ako.  Kinakabahan ako ano gagawin niya pag gising. Pero umiling ako at pilit na kalimutan muna pansamantala ang bagay na iyon at lumabas na ako kwarto.  Mabuti pa't mag luto nalang ako.

Sinisipat ko naman ang laman ng ref ngayon,  egg at bacon nalang ang nandito.  Wala na palang stock.  Kailangan na ata namin mamili.

Habang nagluluto ako ay di ko parin maiwasan na mag isip.  Ano kaya gagawin niya pag gising? Natatakot ba siya kasi hindi mutual feelings namin.  Dahil hanggang ngayon mahal niya pa rin yung taong patay na? Masyadong malalim ang iniisip ko ngayon pero nawala lang ito ng may mga kamay na pumulupot sa bewang ko.  At ang hininga na dumampi sa leeg ko.

" I-I Thought iniwan mo na ako " sabi niya na parang na relief.  Napangiti naman ko. Kahit siguro one sided lang yung feelings ko para sa kanya.  I can still call myself lucky.

Because i know the fact that Xia wants me by her side,  Ayaw niyang mawala ako.  Kaya okay lang.

" I already told you, hindi kita iiwan.  Umupo ka na muna dun okay?  Maghahain na muna ako. "

Tumango naman siya at nginitian ako.  At humalumbaba sa mesa.

" Ven? " tawag niya saakin

" Hmm? "hindi ko na siya ngayon makita kasi nakatalikod na ako.

"Seryoso ka ba talaga sa sinabi mo? " napahinto ako sa pag sandok ng kanin sa tanong niya. At tinignan ito at ngumiti

" I never joke around when it comes in my feelings Xia.  And to answer you. Yes" 

Yun ang sinabi ko, at nilagay na yung kanin sa mesa at kumuha ng plato at kutsara.

"Bakit mo ko minahal ?  Di naman kita ginayuma eh! " sabi niya sabay pout kaya natawa ako.

" I don't know.  Basta ang alam ko mahal kita, yun lang. Di naman ata siguro kailangan may dahilan para mahalin mo ang isang tao " sabi ko habang nilalapag ang mga kinuha ko. Siya naman ay nakatayo na at nag timpla ng kape. Coffee lover yan eh.

" Na curious lang ako kung bakit.  Pero alam ko naman na mahal mo ko eh!  Gandang ganda ka kaya saakin" natawa naman ko sa sinabi niya.  Nagawa pang magyabang.

" Ang yabang mo alam mo yun?  Kain na nga tayo " yun nalang sinabi ko saka umupo na.

" Totoo naman kasi mahal mo ako " sabi niya na parang pinagmamalaki niya na mahal ko siya.

" Yes,  I love you " i plainly said kaya parang nabahag na naman yung buntot kaya umayos siya. Ako naman ay nakangiti.

" Kain ka na,  Yan na lang pala meron sa ref.  Wala na tayong stock" sabi ko sakanya. Nakita ko naman ang pag pout niya,  Ang cute ng babaeng to.  Tsk!

" Grocery tayo mamaya,  Tsaka subuan muko.  Tinamad ako " sabi niya sabay pa cute na parang bata,  kaya sinamaan ko to ng tingin.  Magpapasubo?  Ano siya bata?  Disabled?

" May kamay ka kaya,  Gusto mo putulin ko nalang yan eh!  Para masubuan talaga kita" taas kilay kong sabi siya naman mas lalong nag pout.  Anu siya?  Papakipot lang ako eh.  But i like the fact na susubuan ko siya.  Ayieeeeeeeh!

" Sabi mo mahal mo ako eh!  Subuan muko" sabi niya sabay ngiti, okay she got me there.

Wala na nga akong nagawa kundi ang subuan siya, pero tuwang tuwa naman ako kasi ang ending isang pinggan at kutsara lang kami, para din na maka tipid. Nung una nagpapakipot ako pero dahil sa siya ay si Xia. Natalo ako.  Gusto niyo malaman ano sinabi niya?

DeepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon