Chapter 10

1K 33 0
                                    

" Good Morn-------Bakit namamaga yung mata mo? " bungad saakin ni Xia ng makalabas ako ng kwarto.

Nandun lang si Cassandra sa couch nakaupo,  pero naglakad lang ako saka tumabi kay dito. Pinandilatan naman ako nito ng mata.

" A-Ah, T-Tumawag kasi si Mom,  I-Inaway niya ko " sabi ko na saka pinilit ko ngumiti. Lumapit naman ito sakin. At tinignan ako sa mata.

" Bakit ang ganda mo parin kahit parang kinagat ng bubuyog yang mata mo. Sarap mo tuloy paiyakin "

'Gaga ka ikaw nag paiyak sakin'

Yan ang gusto ko sabihin sakanya.  Pero dahil sa compliment niya.  Di ako nakakibo dahil nag init yung pisnge ko. Narinig ko nalang ang pagtawa ni Cassandra.

" Aww ang sweet naman nitong best friend ko.  Tamo oh! Kinikilig si Fritz sayo " sabi naman nito parang kinikilig pa.

" Ang ganda ko kasi Bessh! Di na ako magugulat dun " sabi naman ni Xia. Kaya halos mahulog ako sa pagkaka upo. At sinimangutan ito.

" Yabang! " gusto ko sabihin yun kaso naunahan ako no Cassandra.

" Ewan ko sayo!  Magluto ka nga dun.  Na miss ko luto mo ee! " pag dedemand naman nitong si Xia.

" Inaalila mo na naman ako " reklamo ni Cassandra pero wala siyang nagawa at padabog na pumunta sa kusina.

Ito naman katabi ko ay ngumiti lang saakin at tumabi.

" Ayan wala ng storbo,  Na miss kita " sabi niya kaya napatingin ako dito.

" Anong na miss?  Mag kasama lang tayo sa isang bubong eh! " maktol ko sakanya pero di siya nakinig at niyakap ako.

" Di kasi kita katabi matulog eh. " sabi niya sabay pout.

Oh diba?  Ang ganda ng araw ko.  Pinapakilig ako ng bruhang ito,  hayst!  Nagwawala na naman yung puso ko. Enebe!

" Asus!  Mahal mo na ako niyan? " pabiro kong sabi sakanya.

" Syempre,  Mahal mo din ako eh! " sabi niya sakin.

" Gaga!  Pinagsasabi mo diyan " sabi ko sakanya. pero tinawanan niya lang ako.

" Xia? " tawag ko sakanya habang nilalaro ko yung buhok niya.

" Hmmm "

" If ever ba mahulog ako sayo,  sasaluhin muko? " seryosong tanong ko.

" Syempre Hindi ang bigat mo kaya,  Baka mabali mga buto k--------Aray! " di na niya natapos sasabihin niya kasi kinurot ko ito.

" Seryoso kasi eh! " sabi ko sa kanya. Kaya natahimik siya.  Nag iisip ata. Pero nagsalita lang din siya.

" Siguro, Di ko alam.  Basta ang alam ko gusto kong nandito ka lang lagi sa tabi ko "

Hindi man siya sigurado pero ang malaman na gusto niyang nandyan lang ako sa tabi niya ay masayang masaya na ako.  Kaya napangiti ako.

" Teka nga! " sabi niya sabay kalas sa yakap.

"Umamin ka nga, Ikaw ah?  Tinatablan ka na ba ng kagandahan ko? " sabi niya sabay nag puppy eyes sa akin. Kaya pinalo ko ito.

" Yabang talaga " sabi ko pero natawa lang kami pareho.

" Pwd na rin. Mapagtatyagaan na" sabi ko sakanya kaya sumimangot ito.

HAHAHAHAHAHAHA!  Syempre joke ko lang yun.  Maganda naman talaga siya,  Pareho kaming maganda kaya bagay kaming dalawa.  Ayieeeeeeh!  Letse kinikilig ako sa sarili kong banat.

" Para kang timang!  Ano ba iniisip mo?! " sabi niya habang nakasimangot pa din. Kaya hinawakan ko yung mukha niya.

" Ang ganda mo po " sabi ko at binigyan siya ng killer smile ko.

Alam niyo yung feeling na makita mo yung taong mahal mo na mag blush,  Ang priceless. Kinikilig na naman ako.  Kaya kinagat ko yung labi ko.

" You're blushing " sabi ko sakanya kaya kumawala siya sa pagkakahawak ko at hinawakan niya yung mukha niya. Kaya natawa ako.

" OH PLEASE!  ang harot niyo, Alam niyo yun?! Tara na.  Kain na tayo " singit naman ni Cassandra na kakalabas lang sa kusina.

Tumayo naman kami ni Xia, Pero ang pula pa din ng mukha niya,  kaya mukha na siguro akong asong ulol na nakangiti ngayon. ^____________________^
What a word!

" Creepy " bulong ni Cassandra saakin kaya sinamaan ko ito ng tingin.

*Kitchen

" Nga pala,  Patapos na yung 1st semester natin,  Ano plano niyo sa sembreak? " basag ni Cassandra sa katahimikan namin habang kumakain.

Natigilan ako ng slight sa narinig,  ang bilis talaga ng panahon no? Dati bugnutin pa kayo,  ngayon naka gluta na.  Hahahahaha!

" Bakasyon? " sabi ni Xia na patanong.

" Kung saan si Xia doon ako.  " sabi ko sabay tawa ng konti.

" Bakit ayaw mo ba pumunta sainyo? " nagtatakang tanong ni Xia sakin.

" Sabi ko naman sayo na nag naglaya-----------" natigil si Cassandra sa sasabihin niya ng sinipa ko siya sa paa. Kaya parang di maipinta yung mukha niya. Sa sakit.

" Oh bakit Ganyan itsura mo?  Natatae ka ba? " tanong ng katabi ko. Tumawa lang ako dun ng konti, tapos inirapan ako.  At ngumiti pag lingon kay Xia.

" Hindi bessh!  Ano kasi para para may nakita akong ipis kanina.  " palusot nito sakanya tapos sinipa naman ako nito at sinamaan ko ng tingin. Buti na lang hindi masyado masakit. Ang weak!

" Ba't nga ulit di ka uuwi sa inyo? "

Hala siya!  Akala ko na makakalimutan niya di pa pala. Sabagay,  May mga bagay talaga na hindi madaling kalimotan.  Gaya niya hirap na hirap siyang makalimot.  Hayst!  Sasagot lang Nag drama pa.  XD!

" Mami-miss kasi kita " sabi ko sakanya sabay wink. Kita ko naman yung biglang pag pula niya kaya napangisi ako.

" Naku!  Ang harot niyong dalawa eh.  Pag umpugin ko kayo dyan eh! " reklamo naman ni Cassandra pero tinawanan ko lang ito. Lalo na nung sinamaan siya ng tingin ni Xia.  Bleeeeeeeh! Buti nga sayo :P

" Basta Uuwi ka sainyo sa sembreak.  Tapos Sama kami nila Cassandra dun. Diba bessh?  Wala ka na naman problema sa Restaurant niyo diba.  " Malambing na pagkasabi ni Xia. 

Sabay pa kami nag buntong hininga ni Cassandra,  Hayst! Paano kami makakatanggi sakanya?  Kung gamitin niya yung pinaka malambing na boses niya sabay pa cute.

" Hmm okay.  isasama ko nalang din si Angela para naman may quality time tayo. Ayoko ng may istorbo eh " pabiro kong sabi.

Nakita ko naman yung reaction ni Cassandra,  Oh ba't parang kuminang yung mukha niya?  Don't tell me.  HAHAHAHA!  Oh d*mn! I should know.

DeepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon