Chapter 22

874 24 0
                                    

Napangiti naman ako ng makita ko agad ang pamumula ng mukha ni Love.  Ayieeeeeh!  Kinilig ako sa tawag ko kay Xia.  Thanks to my Baby Athan.

Nagkukulitan lang kami buong araw.  Xia insisted na sakanila nalang muna ako,  pero may mga dapat muna akong gawin. Kaya nagpaalam nalang muna ako.

" Naks!  Ang laki ng ngiti natin ah? " bungad saakin ng magaling kong daddy.  Kaya tinaasan ko ito ng kilay.

" Of course, nag back out yung client mo eh" sabi ko sakanya na nakataas pa din ang kilay.  nakita ko naman yung reaction niya.  Parang hindi makapaniwala.

" Seriously?!!  Bakit naman? " sabi nito. Parang naubusan na ng dugo sa pagputla.

" Kasi hindi ko sinipot? " Kinakagat ko na ang labi ko kasi gusto ko ng matawa sa reaction niya.  It's Pay back time dad.

"What?!!! Oh my god!  Bakit?? You promise to meet my client "

" Wala akong pinangako " sabi ko habang naglalakad papunta ng couch at padabog na umupo. Lumabas na naman si Mom.  Galing ata sa kusina to.

" Oh baby?  Ang saya mo ata" sabi ni Mom na nakangiti at tumingin kay Dad na nakasimangot.

" Syempre po Mom.  Ang saya ko po ngayon kasi naka ganti ako kay dad!  HAHAHAHAHA" tawa lang ako ng tawa kaya napakunot ang noo nila pareho.

" Alam mo kasi Mom,  may kasalanan yan si Dad saakin " pag uumpisa ko habang nagpipigil ng tawa. Di ko na talaga maitsura yung mukha ni Dad.

" Why baby?  Ano na naman kabulastugan ginawa mo Bernardo?!! " HAHAHAHA OH MY GOD!  epic yung pagkasabi ni Mom ng Bernardo.  Bernard lang talaga pangalan ni Dad.  Nadagdagan lang pag naiinis na si Mom

" A-Ah E-Eh W-Wala H-Hon K-Kasi " yan yung sabi ni Dad kaya natawa na naman ako.

" Wala yun Mom,  Gusto ko lang pakabahin si Dad.  But I'm Happy not because he tricked me but I'm happy because he did that.  " Nakita ko naman na mukhang nakahinga ng maluwag si Dad.  Pero si Mommy ay napakunot ang noo. Kaya lumapit ako kay Mom at hinawakan ang kamay niya.

" She's Back Mom,  And that guy in front of us,  Tricked us for his proposal kuno. Thank you dad" sabi ko ng nakangiti habang si Mommy look dad in awe face.

" Oh my God!  Did you really did it?  I'm so proud of you hon.  Kaya pala ganito kasaya ang baby natin.  Haven't seen you happy and seeing you like this I have no doubt how much you love her. I'm happy for you baby " sabi ni Mom  na nakangiti.  Kaya ngumiti naman ako sakanya at niyakap ito.

" U-Uy?  Ano yan, dapat kasali ako "sabi naman ni Dad at sumali saamin na yumakap.

**

" Ayos ka rin,  pinagtripan muko kanina " sabi ni Dad saakin kaya natawa ako.

" Aba! Syempre no?  Lakas din kasi trip mo Dad. Di mo man lang sinabi saakin na si Xia pala kikitain ko " sabi ko sakanya pero tinawanan ako.

"Surprise kaya yun no? Saka mabuti na yun magkita na kayo para makapag solo na kami ng Mom mo" napangiwi naman ako sa sinabi niya may halong pagka manyak kasi ang dating saakin.

" Eww!  Ang laswa dad.  Kahit na umalis ako andyan si Baby Bryle Dad.  Di mo siya masosolo " sabi ko sabay binelatan ko siya.  Narealize niya siguro na andito pala si bunso.  Kaya para siyang nabuhusan ng malamig na tubig. HAHAHAHA!

" Ah basta! Gusto ko ng ikasal ka " sabi niya kaya napasimangot ako.  Yung totoo? Binubugaw na ba niya ako? O pinapalayas.

" In your dreams Dad. Bata pa kaya ako,  24 pa nga lang ako eh.  Duh! But seriously Dad thank you pala sa kanina" sabi ko dito.

" Ano ka ba,  wala yun no!  Saka kasi I've heard about that guy Damian,  Pinopormahan yung Mahal mo kaya gumawa na ako paraan. Baka mauwi sa wala yang pag hihintay mo " napataas naman ang kilay ko sa narinig.  How would he know that Damian is a big threat ?

" Balita-Balita kaya yun,  Sabagay palagi ka nalang subsob sa trabaho kaya wala kang balita, maybe you knew na top model siya.  But he also own a clothing company,  and nasa top 5 na sila ngayon.  And hindi rin lingid sa kaalaman ng lahat how straight forward he is about love life, And in one of his interview he gladly broadcast to the world that he is courting Maxine Valdez. The Ceo of Valdez Inc "

What?!!!! Ang corny niya naman.  Nanliligaw lang naman kailangan pa ng interview. Tsk!  Kaasar.

" Oh?!!  Bakit ganyan itsura mo?  " sabi ni Dad pero sumimangot lang ako.

" Paano nga pala manligaw Dad? " sabi ko dito ng seryoso.  Kita ko naman ang paglaki ng mata niya at ang sunod ko naman na narinig ay yung malakas na tawa niya kaya napairap ako.

" Hayst! Ewan ko sayo Dad! " dahil sa tawa pa din siya ng tawa ay hindi na siya nakasagot. Nagmadali nalang ako pumunta ng room ko. Argh!  Kaasar.

**

" Gaga ka! " yun lang ang narinig ko na lumabas na salita kay Cassandra habang niyayakap ang best friend niya.  Napangiti naman ako sa nakita ko.

Nakita ko kasing kung gaano naging matatag si Cassandra sa biglang pagka wala ni Xia. I asked her noon how did she do that.  But She always answered it saying na babalik si Xia. Mukha kasi silang magkapatid. What I mean they treated each other like they are sisters.  And I've never seen her cry like this.  After a little chit chat with that I called Cassandra. Of course she has all the rights to know.  Kaya ito kami ngayon sa bahay ni Xia.  Nagwawala na tong Gagang to dito!

" Love?  Alam mo ba binubugaw na ako ng magaling mong best friend? " sabi ko habang naka pout.  Nakita ko naman na nanlaki ang mata ni Cassandra at tinignan ito ng masama ni Xia..

" A-Ah E-Eh K-Kasi B-Bessh,  A-Akala K-Ko M-May S-something T-Talaga S-Sainyo N-Ni D-Damian " sabi ni Cassandra at kinamot yung ulo niya kaya napataas ang kilay ko.

"Seriously, Bakit parang ako lang ang may hindi alam sa ka cornyhan ng lalaking yun? " sabi ko at nag pout.

" Tigilan muko Fritz!  Paanong hindi mo malalaman, Eh simula noong hinayaan mong wag na hanapin si Maxine. Pinapatay mo naman ang sarili mo sa trabaho.  Dinamay mo pa yung Babe ko! " pinaningkitan ko naman siya sa narinig ko. At binato ng unan.

"Hoy Cassandra! Wag mo ako sisihin kung talaga responsable yang girlfriend mo.  Kaya nga siya na promote diba?  Ano pa ba pinuputok ng butsi mo diyan? Gusto mo tanggalin ko na yun sa trabaho? " sabi ko dito ng nakataas ang kilay.  Bigla naman nanlaki ang mata niya at lumapit saakin.

" Joke lang naman yun eh,  Wag mo gawin yun.  Papatayin ako ni Angel " sabi niya at nag puppy eyes pa.  Ang panget!

" Fine! Alis na diyan balik ka na diyan sa mang iiwan mong best friend " sabi ko sakanya at tinulak ito.  At inikutan ng mata si Xia. Nakaka badtrip kasi yung bwesit na Damian na yun.

" Iiwan na nga lang ako, magpapaligaw pa sa iba" bulong ko at tumayo na umalis sa bahay ni Xia.  Bahala Sila Dun!

DeepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon