[ Max Pov ]
Di ko alam pero parang feeling ko, di gusto ni Ven na pumunta sa kanila. Eh bakit ba? Gusto ko din makilala yung parents ng taong parating nasa tabi ko. She's so important to me. Kaya gusto ko makilala siya ng lubos . Excited na nga ako eh! Kaya ngiti ako ng ngiti habang nag babyahe kami. Pero itong nasa tabi ko parang natatae na di mapakali.
" Chill lang Venice, Di kita ibubuko sa parents mo na patay na patay ka saakin " asar ko sakanya with matching wink pa. Inarapan niya naman ako. Kaya natawa ako.
At napatingin ako dun salamin, Ako kasi ang nag drive at kotse ko yung gamit. Kasya naman kasi dito kahit sampo. Pero syempre kandungan. Hahaha!
Napapreno naman ako sa nakita ko, pero hindi naman ganun ka bigla. Ayoko magising si Cassandra eh. Ang cute kasi nila tignan.
" Ba't ka tumigil? " nagtatakang tanong ni Venice sakin. Tinuro ko lang yung dalawa.
Sabay naman kami ngumiti ng nakakaloko, at kinuha yung mga phone namin, at kinunan sila ng litrato. Ang Cute!
Pagkatapos naman nun ay nagmaneho naman ako ulit, habang hawak ko yung kamay niya. Medyo na tetense kasi siya, effective kasi saakin pag ganun ako tapos hinahawakan niya kamay ko. Nagiging okay na ako. Gaya-Gaya lang eh no?
After 123456789 years dumating na kami, nagulat nga ako kasi ang gara ng bahay nila, at strict masyado yung security. Yayamanin pala itong babaeng to. Nahiya tuloy ako.
" Good Morning Señorita "
Bating salubong ng mga yaya nila. Wow ah? Señorita daw eh! Tinignan ko naman siya ulo hanggang paa, Di halata ah! Tapos nakikitira pa saakin yan ah! Pero dahil naramdaman ko na hindi maganda yung mood niya nanahimik lang ako.
" Where's Mom? " seryosong sabi niya, pero di pa man nakasagot sakanya ay may sumigaw na galing sa hagdan.
" Oh my god Princess!!!!! Andito ka? I miss you na baby " sabi nito at niyakap si Ven ng mahigpit pero nakatayo lang si Ven.
" Besssh! Ang ganda ng Ate ni Fritz no? " pabulong na sabi saakin ni Cassandra.
" Oo nga eh! Nahiya ako bigla " bulong naman ni Angela.
Pero dahil medyo mga iwan yung dalawa nag bubulungan. Ay napatingin sa gawi namin ang babae at ngumiti.
" Baby sino sila? " sabi niya sabay nakangiti pa din sa amin, pero dahil parang walang balak mag salita itong isa ay kami na nagpapakilala kay ate.
" Ay ate, Ako po si Cassandra Villa Silva" sabi ni Cassie habang kumikinang yung mata niya.
" Ako din po Ate, Ako po si Angela Lim " sabi nitong isa na halata talaga ang paghanga sa kaharap namin.
" I'm Rexia Maxine Valdez Po. Max nalang po. Tsaka di nabanggit ni Ven saamin na may ate pala siya " Sabi ko sabay kamot sa ulo.
" Oo nga po. Ang ganda-ganda niyo po! " sabay dugtong naman ng dalawa.
Natigil naman si Ate, Tapos Biglang tumawa.
" Really? Parang makakasundo ko kayo, By the way call me tita guys. Hindi ko kapatid tong si Venice. She's my daughter " sabay tawa nito ulit.
Kami naman tatlo ay biglang nanlaki ang mata. Mommy ni Venice? Hala! Mukhang magkapatid lang kasi sila.
" Hon? Oh Hi Venice, Buti napadalaw ka. May kasama ka pala "
Bigla naman may sumulpot na lalaki sa likod ni Tita, At hinalikan ito sa pisnge bago kami nginitian. Ang sweet naman ng dad ni Venice. Nagpakilala naman kami ulit sa kanya. At nakita ko yung pagkabigla niya nung nagpakilala ako sakanya.

BINABASA MO ANG
Deep
De TodoLahat ng bagay na nangyayari saatin ay may dahilan. 😊 Minsan Ang Hirap Umahon Lalo na Kung Masyadong Malalim Yung Nabagsakan Mo. Paalala GxG story po to!