Chapter 14

890 24 0
                                    

Nakabalik na kami ng manila,  Kaya agad ako dumiretso sa condo ni Xia.  Halos mabangga ko na lahat makasalubong ko sa pagmamadali. Asar na asar din ako kay Cassandra kesyo daw wala naman akong maabutan na Xia doon. Kasi sigurado siyang wala doon si Xia.  Buti nga andyan si Angela at sinisita ito.  Hayst!  Kung hindi lang siguro ganito yung nangyari.  Ako sana nang aasar sa ngayon.

" Xia? " patakbo ko na papasok sa kwarto ko,  wala siya.

Tumakbo naman ako sa kusina,  wala pa din.  Sa sala wala rin.  Sa balcony, wala pa din. Bumalik ako sa kwarto niya ulit.  Baka nasa Cr lang naliligo.  Pero pag tingin ko wala pa din. Hindi ko alam pero parang sumisikip ang dibdib ko. Parang mababaliw ako. D*mn! Cassandra is right.  Kaya napaluhod nalang ako at napahagulgol ako.
It's my fault.

" HOY!  Anong ginagawa mo dyan?  Para kang tanga "

Bigla naman akong napa angat ng marinig ko yun.  Kilala ko yung boses na yun.  Kasi yun lang na boses ang gustong gusto ko marinig. Tumayo ako agad at inambahan siya ng yakap. At inulan ko siya ng sorry ko. Na ayoko siyang lumayo siya saakin.  Na na miss ko agad siya. Pero dahil ay tinawanan niya lang ako ay tinignan ko siya. At kumalas sa yakap. I just want to make sure na hindi tulad kahapon yung tawa na yun.

" Bakit ba ang drama mo?  " sabi niya sabay pa din tawa,  Pero dahil hindi ako sumagot ay tumahimik siya. At yumuko.

Hinawakan ko yung mukha niya,  At pinaharap saakin.  Tinitigan ko ito sa mata. Her laugh can be fake,  But her eyes say it all. Andito naman yung feeling na parang nawawala ako.  Parang hinihigop ako ng mata niya.

" Bakit ang lalim pa rin niya? " sabi ko sakanya, na nakititig pa din sa mata niya.  At mas nilapit ko pa ang mukha ko.

" I'm sorry,  I'm sorry kung hanggang ngayon hindi ko magawang kalimutan mo siya.  Alam kong mahal na mahal mo siya.  Pero I'm sorry if maging selfish ako ngayon"

Nagulat siya sa sinabi ko,  akmang magsasalita na sana siya pero di ko na ito hinayaan at hinalikan ko siya.

God!  Ang tagal kong hinintay na mangyari to. Ang lambot ng labi niya. Lalayo na sana ako sakanya pero nagulat ako ng kabigin niya ang batok ko at iginalaw niya ang mga labi niya, dahil sa nagulat ako ay hindi ako nagalaw.  Pero di yun dahilan para huminto siya bagkos ay kinagat niya yung lower lip ko, kaya naibuka ko ang bibig ko at ginawa niyang pagkakataon na yun para ipasok niya ang dila saakin.

" Hmmmmm " sh*t did i just moan? dahil sa pagkagulat ko ay napabalikwas ako sa halik namin at naitulak ko siya.

Nakakahiya ka Fritz! Ang landi mo masyado,  Partida First kiss ko yun.  Sh*t! Napalingon naman ako sakanya.  She's crying. Kaya agad ako lumapit sakanya at niyakap ito.

" Shhhh.  I'm sorry.  Don't worry Hindi ko na uulitin y--------" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng halikan niya ako. Pero smack lang.

" Do it as long as you can, Alam ko naman na patay na patay ko sakin.  Kaya okay lang " sabi niya kaya napatanga ako. Habang umalis na siya ng tumatawa. Ako? Ito tulala.

Ang tagal nag sink in sa utak na pinayagan niya ako na halikan ko siya hanggang gusto ko. Nagbihis lang pala siya kaya nakabalik siya agad sa harap ko.  Napairap nalang ako ng nginitian niya ako ng pang asar.

" Hindi ka ba galit? " bigla kong tanung sakanya tapos nakita kong sumeryoso na siya.

" I was " kaya napayuko ako at nalungkot sa narinig ko.

" Pero ng makauwi ako dito.  Na realize ko na hindi dapat ako magalit sayo.  Kasi in the first place,  wala kang alam.  And I know galit ka lang kagabi.  Yan naman talaga karamihan saatin diba?  Minsan nakakapagsalita tayo ng hindi maganda.  Lalo na pag galit tayo.  Nakakatawa nga eh! Kasi pag dating ko dito.  Hinanap pa kita kahit alam kong naiwan ka sainyo and i end up sneaking in your room " mahabang sabi niya na nakapag paiyak saakin lalo. Kaya lumapit naman ito sa akin at niyakap ako.

" Kainis ka eh!  Akala ko babalik ka na sa dati.  Akala ko wala akong maabutan dito.  Nakakainis ka.  Kasi akala ko mawawala ka saakin.  Kahit hindi ka akin! " iyak ko habang pinagpapalo siya ng mahina. Kaya mas niyakap niya ako.

" Shhhh.  Tahan na, Ba't di mo kasi sabihin na mahal mo ko eh. Pakipot ka pa! " Gagang to,  nagawa pang tumawa.  Pero dahil masunurin ako ay tumigil ako sa kakapalo sa kanya at pag iyak at hinarap siya.

" Parang tanga to.  Ngayon seryoso naman siya " sabi niya naman. Pero tinignan ko lang siya sa mata. At humugot ng lakas.

" Xia,  I Love You "

Napangiti naman ako dahil sa wakas ay nasabi ko sakanya.  Pero mas napangiti ako sa nakikita kong reaction niya.  Napa awang ang bibig niya at namumula ang mukha.

" Oh natutulala ka diyan? " sabi ko habang nakangiti sakanya.

" A-Ah a-ano  k-kasi a-ah y-yung s-sinabi m-mo" dahil sa pag stutter niya ay di ko mapigilan na matawa.  Correction,  Humalakhak ako.

Pero nakita ko naman siyang umiiyak,  kaya napaayos ako.

" Hey?  Bakit ka umiiyak?  "

Hindi niya sinagot ang tanong ko,  Umiiyak lang siya. Kaya nataranta ako. Nag sink in na siguro sa kanya ang sinabi ko

" Look Xia.  I didn't mean na pagtawanan ka, But I meant what i say.  I really do love you,  It wasn't a joke or for fun. At kahit maging one sided lang yung feelings ko.  It doesn't matter,  Don't worry if you don't feel the same,  I will always stay still beside you.  Stop crying na!  Di ako mawawala kahit bastedin muko. Okay lang "

Mahabang lintanya ko,  Pero di pa din siya natinag umiiyak pa din. Sh*t! Pinaiyak ko na naman siya. Bagsak balikat nalang ako habang tinitignan siya. Ngunit yumuko lang din ako.  Nasasaktan ako sa tuwing nakikita ko siyang umiiyak.  Pero mas masakit kung alam mong ikaw ang dahilan ng mga luhang yun.

DeepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon