" So bakit napunta ka dito? " sinamaan ko naman siya ng tingin. Di ba siya masaya na makita ako? O di kaya wala na siyang balak makita ako? Tsk! Nandito na pala kami sa loob." May Ememeet ako dito, Demanding kasi gusto dito " napataas naman ang kilay niya sa sinabi ko.
" May ka date ka? " sabi niya na nakataas pa din ang kilay.
" Pake mo?! " sabi ko dito sabay irap.
" No way! Papalagay ko yun sa blocklist dito " sabi niya ng seryoso. Pero nagpipigil ako na matawa. Ang ganda talaga nito magselos.
Narealize ko kasi kung bakit Valdez inc, at kung bakit nakangiti ng ganun si Dad. Siya pala ang e memeet ko. Minsan na bobo din ako. Tagal ko maka pick up.
" Ngini ngiti mo diyan Venice? Naku pag ikaw talaga matuloy makipag date dun. Di kana makakalabas dito. At di na sisikatan ng araw ka date mo, Subukan mo. Malilintikan ka" dahil sa sinabi niya ay napatawa ako ng malakas. Dahilan para lingunin ako ng mga ibang customer nila. At napakunot ang noo niya
" Ang cute mo pala mag selos " tatawa tawa kung sabi at pinisil ang ilong niya. Inirapan niya naman ako.
"Anyway I'm the representative of Tan corporation, I have a meeting with the Secretary of Valdez inc" Nakita ko naman siyang namula at napakamot ng ulo.
" Si tito talaga. Excited masyado. " pabulong niya, rinig ko naman.
" So tama nga ako? Mas mauuna ka pang makikipag kita sana kay Dad kaysa saakin? " sabi ko ng nakataas ang kilay.
" D-Dad?? " tanong niya saakin na di makapaniwala sa sinabi ko. Pero ngumiti na lang din ng tumango ako.
" Well that's good, Anyway, hindi naman sa ganun. He just asked me na may proposal daw siya saakin. That's why umo-o ako. By the way ano bang proposal na yun? " sabi niya saakin napairap naman ako.
Bakit di sinabi ni Dad na may contact pala siya sa babaeng to. Mamaya yun saakin. Pinagtripan pa ako ngayon ah! Wait for my revenge. Mwahahaha! At dahil naasar ako na tong babaeng to natiis ako ng ilang taon. Aasarin ko to.
" Ay oo, He wants you to participate on my wedding, At dahil malakas kayo ngayon, it was nice kung kayo ang mag organize for my wedding. Tsaka okay din yun sainyo diba? Mas magiging mabango pa ang pangalan niyo sa industry " nakita ko naman ang mukha niya ngayon na asar na asar. Hahaha!
" Ayoko nga!! Lalo na pag ikaw ang ikakasal" sabi niya saakin at inirapan ako.
" Sino ba yang pakakasalan mo?!! D*rn! "
Natutuwa ako sa nakukuha kong reaction sa kanya. Di ko pa to nakikita sakanya noon eh! Kaya lubos-lubosin ko muna ngayon. Peace guys. ^_^v
" Bakit pa? Ayaw mo naman pumayag dun eh. Ayoko nga " sabi ko dito sabay pout. Saka ko narinig ang pag buga nito ng hangin.
" Okay deal. " sabi niya in defeat. Pero may halong lungkot yung naramdaman niya. Pero nawala din iyon ng mapunta ang gawi niya sa likod ko. At ngumiti ng malawak.
" MOMMMYYYY! " sabi ng tumatakbong cute na cute na bata at kumandong agad kay Xia. At hinalikan siya nito sa pisnge.
" Oh baby? Pumunta ka na naman ng kusina no, Ilang cakes naubos mo dun? " pabiro na tanong ni Xia sakanya at nag pout ang bata.
" Mommy naman, Hindi po ako kumuha ng pagkain dun. Good boy po ako " sabi niya ng ngumiti, Pero nagkatinginan kami ni Xia at sabay kami tumawa.
Eh paano ba naman, Yung ngipin niya ay may mga ebidensya na may pinapak siyang cake, Chocolate cake nga ata yun. Pero agad naman sumeryoso si Xia.
" Baby, ano nga ulit sabi ni Mommy sayo? " malambing na pagka sabi niya sa bata.
" Don't lie po, Eh Mommy sorry na po. I'm hungry na kasi" sabi ni Athan sabay pout kaya ginulo lang ni Xia ang buhok nito at mas nag pout ang bata.
" Okay. But next sabihan mo si Mommy okay? " tumango lang din ang bata.
Napatitig naman ako sa kanilang dalawa ang cute nilang mag-ina. At sh*t! Ngayon ko lang narealize, Anak niya pala to? Paano nangyari, Parang nasa 4 years old na ang batang to eh. May asawa na ba siya? Ba't ngayon ko lang narealize to.
Sinipat ko naman ulit si Xia, Nabigla nga ata siya ng hablutin ko ang kamay niya bigla, Pero na relief ako ng makita ko na wala siyang wedding ring. Nakita ko naman na bumaba si Athan sa kandungan ni Xia.
" Mga Mommy, Punta lang po ako ng Kitchen, Makikipaglaro po muna ako kay kuyang isda " napangiti naman ako habang natawa ng mahina si Xia. At nagtatakbo na ito papunta ng kitchen area.
" He's my son if you're asking " sabi niya saakin, kaya napayuko ako.
" How? " pabulong na sabi ko, akala ko hindi niya narinig kasi mahina lang naman yun. Pero napatingin ako sakanya ng marinig kong tumawa siya
" Because he's my son " sabi niya ng nakangiti na.
" Alam ko iniisip mo, don't worry. Hindi pa ako kasal. Tsaka hindi rin ako in relationship. Pero baka soon " inirapan ko naman ito. Pero tumayo siya at tumabi sa akin. Niyakap niya naman ako.
" I miss you " sabi niya na tumatama din yung hininga niya sa leeg ko kaya napaigtad ako. Inamoy amoy niya pa ako kumalas sa pagkaka yakap. Kaya napakunot ang noo ko.
" You smoked? " tanong niya saakin. Patay! Dahil nga Hindi ako sinungaling. Tumango naman ako.
At dun na siya nag umpisa na wag na daw ako mag smoke, kesyo ganyan, ganun. At dahil nagiging nanay na siya. Hinalikan ko na lang siya para tumigil. Smack lang naman kasi.
"Ayan ingay mo kasi, di na po kasi. Stressed lang ako masyado" sabi ko dito at nginitian siya.
"ba't ka nanhahalik? Diba ikakasal kana? " sabi niya at tinakpan niya yung bibig niya.
"Naniwala ka naman, Joke lang yun eh. Nakakaasar ka kasi buti pa si Dad may contact sayo. Ako wala. Tapos balak niyo pa pala sana magkita. Hmp! "sabi ko dito at humalukipkip.
" Sure ka? Wala kang fiance? Boyfriend? Girlfriend? " sabi niya saakin in a cute way.
"Wala nga kase, manliligaw marami " sabi ko sabay ngiti ng pang asar sa kanya. Kita ko naman ang pagka inis sa mukha niya.
" Hindi pwede! Ligawan muko. Sasagutin kita agad. Bilis " sabi niya saakin. Kaya napakagat ako sa aking labi dahil gusto kung matawa sa sinabi niya. Enebe kenekeleg eke!
" Anong hindi pwede? Ikaw nga may anak ka eh" sabi ko dito sabay pout. Pero bigla naman siya nagkamot ng ulo.
" Ah Eh paano ba to, G-ganito kasi yun, H-he's my son " tsk! Paulit ulit naman eh! Manhid ba to?
" And your son too? " patanong na sinabi niya pero napatanga ako.
"What?! "
Nagulat ako sa sinabi niya eh. Ano ba pinagsasabi ng bruhang to.

BINABASA MO ANG
Deep
De TodoLahat ng bagay na nangyayari saatin ay may dahilan. 😊 Minsan Ang Hirap Umahon Lalo na Kung Masyadong Malalim Yung Nabagsakan Mo. Paalala GxG story po to!