Chapted 13

896 27 0
                                    

Lumapit naman ito saakin, at umupo sa kama.  Habang ako ay nakaupo lang din habang yakap-yakap ko ang tuhod ko.

" Bernard is my First love. He's my everything way back when we are in highschool "

Sabi ni Mom ng seryoso,  gusto ko man pumalag o basagin yung sasabihin niya pero hindi ko magawa.  Nanghihina ako.

" Your Father is one of our close friend way back then"

Doon na ako napatingin sa kanya, pero walang emosyon akong pinakita kay Mom. Nakita ko na nanginginig siya.

" We are so Happy, Really Happy that time.  Hanggang sa mag college kami,  and Until Your Father confessed. Yun yung time na, May reunion sila ni Bernard.  He wasn't there.  He wasn't there when your father raped me "

Nakita ko na ang mga luha na tumutulo sa mata ni Mom.  Mas nanghina ako sa narinig ko,  Kaya naiyak na din ako. Dad raped Mom?

" He can't accept the fact na ni reject ko siya,  and take advantage knowing na wala si Bernard,  na wala akong laban. Kulang na lang siguro patayin siya ng Tito mo ng malaman niya lahat,  pero tinanggap niya pa rin ako kahit binaboy na ako ng Dad mo "

Napapikit ako,  Hindi ko maisip na ganun pala ginawa ni Dad.  Hindi ko alam ito.  I always saw him sweet and kind.

" Until we found out na nagbunga ang ginawa niya. Halos ikamatay ko yun ng malaman ako.  I've decided na ipapalaglag ko sana yung nasa sinapupunan ko.  But Your Tito said.  Walang kasalanan ang bata and i should have carry it and accept it.  And that's the time na, Pinalaya niya ako.  At pinakasalan ako agad ng Dad mo. "

Umiiyak kami ngayon ni Mom,  Niyakap ko siya Hindi ko alam, ang hirap pala ng pinagdaanan niya,  hindi ko alam na ganun pala ang ginawa ni Dad.  Hindi ko alam na grabe pala pinag daanan nila. Hindi ko alam na ako pa yung naging bunga ng pambababoy ni Dad kay Mom. Pero ni minsan hindi pinaramdam ni Mom saakin na kasalan ko yun,  Na dahil saakin ay bumitaw ang taong mahal na mahal niya.

" S-sorry mom.  I didn't  know"

Nabulag pala ako sa sakit, ng makita ko kung paano si Dad nasasaktan makitang may ibang mahal si Mom.  Nabulag ako kasi yung taong minahal ako higit sa buhay niya.  Ay nawala dahil sa pagmamahal niya ng sobra kay Mommy. Nabulag ako ng hindi ko man lang alam kong bakit ganoon si Mom. Kung bakit hindi niya magawang mahalin si Dad.

" Shhhh.  Baby it's okay. It's okay honey.  It's not your fault " yun lang sabi ni mama habang hinhagod niya ang likod ko.  Pero ng maalala ko si Xia. Umiiyak na naman ako habang kumalas sa yakap kay Mom.

"M-Mom si Xia?!!!  I want to talk to her.  I wont forgive to her kung may mangyaring masama sa kanya.  I won't forgive myself kung bumalik sa dating walang buhay ang mahal ko! " iyak kong sabi kay mama.

Alam ko at kita ko ang pagkagulat ni Mom.  Pero nginitian niya lang ako. At hinawakan ang mukha ko.

" Go baby,  Find her. Say sorry to her, pag okay na kayo.  Punta kayo dito,  we have to talk. " yun lang ang sabi ni Mommy at tumango naman ako ng umiiyak pa din at niyakap ito bago pa man ako tumayo. At tumakbo sa room nila Cassandra.

" Let's go back! " yun ang bungad ko sa kanila.

" Fritz?  Wag na nga kasi muna ngayon,  Alam mo naman siguro grabe yung kanina.  Makinig kana lang kay Cassandra " suway sakin ni Angela pero sinamgutan ko lang ito.

" Cass? " sabi ko sabay lingon kay Cassandra. Nakita ko naman na huminga muna siya ng malalim.

" Fritz,  Kahit puntahan mo siya ngayon o habolin mo man.  I know hindi mo siya makikita dun,  I know kung saan siya pupunta.  Pero wag na muna ngayon.  Hayaan na lang natin si Maxine.  Intindihin mo na lang muna siya" yun yung sabi ni Cassandra pero umiling ako.

" Hindi pwd na pabayaan lang natin siya,  Baka ano gawin niya sa sarili niya.  Fvck! Hindi ko mapapatawad ang sarili ko pag nangyari yun! " pero inirapan lang ako ni Cassandra.

" Kung di ka lang kasi kalahating tanga,  Di yun gaganun " sabi niya.

" Eh malay ko ba?  Na matatakot siya sakin ng masigawan ko ito, At ipaalala yung Walang kwenta niyang Ex. Nadala lang din ako ng galit " sabi ko

" Hindi siya ganun kababaw para matakot sayo "

" Oh hindi naman pala, Dahil ba dun sa Ex niya?!!  Puta!  Patay na yung tao.  Hanggang ngayon. Nasasaktan pa din siya?  Gaano ba niya kamahal yun?.  Hihigitan ko! "

" Ses!" ungot ni Cassandra. Tsaka sinamaan ako ng tingin.

" Wala ka talagang alam no?!! Ewan ko sayo!!! Kaasar! " dugtong niya nalang at padabog na humiga sa kama.

Si Angela naman ay nakatanga lang sa amin ni Cassandra.  Ano na naman ba ginawa ko?

Dahil sa kagagahan ko ay hindi kami naka alis,  bukas nalang kami ng maaga aalis.  Nandito ako ngayon sa May pool side ng bahay,  habang hawak ko yung tasa ng kape ko. Iniisip ko kung kamusta na siya.  Kung galit ba siya saakin. 

" ARGH!  ang stupid mo talaga Fritz! "

Napatingin naman ako agad ng may narinig akong humagikhik,  at sinimangutan ko ito.

Nandun kasi sa pool yung dalawa at nag tampisaw.  Inirapan ko nalang ito.

" STUPID KA NAMAN TALAGA EH " asar saakin ni Cassandra. Kaya tinaasan ko ito ng kilay.

" Excuse me?! " kaya mas tumawa pa sila. Kaya nagdadabog na ako ngayon papasok ng bahay.

Yaan ko nalang yung dalawa.  Minsan lang yun makasingit eh.  May mga sariling mundo kasi.

" Oh Ven?  Akala ko maliligo ka rin, Kumain ka na ba?  " napasimangot naman ako ng makita ang mukha ng nagsalita.

" Ah sige!  Kung gutom kana kumain ka na lang dun.  May niluto ako dun" sabi niya na aalis na sana.  Huminga muna ako ng malalim.

" Did you hate me? " napatigil siya sa tanong ko pero humarap ito saakin ng nakangiti.

" Bakit ko gagawin yun?  Lalo na kung mukha ng Mommy mo nakikita ko sayo. " sabi niya ng pabiro saakin.  Kaya sinimangutan ko ito.

" Ano ba naramdaman mo ng malaman mo yun? " nakita ko siyang parang hindi makapaniwala kasi ako yung nag initiate na mag usap kami.

" Syempre masakit para saakin yun,  galit na galit ako sa sarili ko noon.  Kasi wala ako ng panahon na yun.  Pero mahal ko si Verin.  I'll do anything for her. "

" Kaya pinalaya mo siya noon? " tumango naman ito.

" Yes, Pero mapilit talaga ang tadhana, Kaya ito, We still end up together. And i know the fact na Hindi talaga nawala ang pagmamahal na meron kami. " mukha naman siyang kinilig kaya napairap ako.

" Ses! Basta wag mo sasaktan si Mom ha?!!  Ipapahiram ko mukha ng Uod sayo.  Tabi nga. Nagugutom na ako " sabi ko dito at mahina itong tinulak.

Narinig ko na lang ang pag tawa nito,  ng makarating naman ako sa kusina agad ko hinawakan ang dibdib ko.  Ang gaan na ng loob ko sakanya.  And all i can say, He can be a Great dad.

Xia is right,  He's an ideal dad. ^_^

DeepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon