Chapter 21

897 31 0
                                    

" Tsk!  Nagiging center of attraction kana sa kakasigaw mo. Umayos ka nga------ARAY! "

Sabihan ba naman ako na Umayos?  Eh parang siya maayos eh no. Kaya nabatukan ko agad.

" Anong my son too? Pinapa ako mo saakin yung bata?  Naku Xia umayos ka ha?!! Hindi Porket mahal kita may ganyan ka na agad?!!!  Asan ba tatay niyan? " sabi ko sakanya habang pinanliitan ko siya ng mata. 

" Aba't di ka makasagot?!!  Sabihin mo kasi ng maayos eh! " dagdag ko kasi di siya makasagot.  Naka nganga lang siya.  Napakunot lang ako ng ngumiti siya.

" Mahal din kita Venice " sabi niya saakin. Habang nakangiti.

OMG!  bakit ba ako kinikilig?.. Ayan tuloy nawala bigla ang inis ko.  Napalitan nga lang ng pag init ng pisnge ko, Enebe!

" Ayan sabi ko na nga ba,  Wala talagang kupas ang ganda kong to! "

Kahit kailan talaga ang yabang pa din nito.  Pero totoo naman sabi niya na maganda siya eh.

"Ano na nga kasi? " sabi ko sakanya.  Kanina paku nito binibitin.

" What about baby Athan?"

May clue naman kasi ako,  He's an adopted child. Kasi nga nasa 4 years old na siya.  So it means. Teka!  4 years ago? Wala akong alam sakanya eh.  Baka may nakilala siyang iba noon tapos nabuntis siya. OMG!

" Silly,  pinag iisip mo diyan? He's just like me when i met him sa orphanage sa states" sabi niya saakin gusto ko sana mag react ng tinawag niya kong silly,  kaso nakita ko yung lungkot sa mukha niya. Kaya nanahimik nalang ako.

" Nagka trauma siya,  in the fact na he also saw his parents die, and until now.  Andyan pa rin mismo ang bangongot sa kanya.  But Athan is a strong kid.  Nakikita ko na unti-unti na niyang tinatanggap yung pagkawala nila.  And you know what's funny?  He demanded na maging mommy niya ako.  At first i was shocked but when i asked him why he choosed me. He just answered me 'Because i see sadness in your eyes Mom and i want to make you happy' " sabi niya ng nakangiti.  Kaya napangiti ako. 

" Awww! Hindi lang pala cute na cute ang batang yun. Gusto ko na agad siya ampunin eh. " sabi ko habang natutuwa.  Tinawanan naman ako ni Xia.

" Di mo siya pwede ampunin " napasimangot naman ako sa sinabi niya.  Edi wag! Kidnappin ko nalang yun. -.-

Pero naalala ko yung sabi ni Baby Athan kanina nung sinabi ko na kikidnappin ko siya. Ay natawa naman ako.

" Oh masaya ka pang di mo siya pwede ampunin? "nakataas na kilay na sabi ni Xia.  Kaya umiling ako at kinwento ko yung dahilan kung bakit ako natawa. Kaya nagtawanan kami.  Kaso napatigil ako.

Ang ganda niya talaga,  Lalo na ngayon na tumatawa siya.  Halos hindi ko na makita yung mata niya.  At ang puti ng mga ngipin niya.  Namiss ko talaga yung babaeng to.  Dalawang taon kung hindi siya nakita. Pero parang hindi pa rin ako makapaniwala na nandito na siya. Na katabi ko siya.  At ito tumatawa pa. Wala na akong mabakasan ng katulad noon.  Yung parang nilulunod ako ng mata niya.

" You're the only one who stares me like that, Yan yung rason bakit naasar ako sayo noon.  Kasi feeling ko na ininvade mo yung buong kung pagkatao. You look at me like I'm a puzzle na gusto mong buohin " mataman naman akong nakatingin sakanya. Habang sinsabi niya yun.

"You're the only who make me feel uncomfortable, when you look straight to my eyes.  And tell me that no matter what will happened you'll stay. Did you wait for me? " seryoso niyang saad.  Halatang kinakabahan siya sa sasabihin ko.

" Hinintay kita Xia. At hihintayin kita kung sakaling magtatago ka na naman.  Hihintayin talaga kita para masapok kita.  Subukan mo ulit umalis ng walang pasabi.  Itatapon talaga kita sa eroplano " sabi ko sakanya. Kaya natawa siya. Pero niyakap ko na siya.  At hindi ko mapigilan na umiyak.

DeepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon