" Babe Sino yan? " napabalikwas naman kaming dalawa ng may nagsalita sa, nakita ko naman ang pagsimangot ni Venice, at nakakunot ako na tinignan si Beatrice.
" Hi I'm Beatrice Valdez, Asawa ng------------Aray! Sissy naman. Joke lang eh! " sabi ni Beatrice. Kinutusan ko kasi baka masabunutan pa to ni Love. Na ngayon ay naka pout na. Cute!
" Pagpasensyahan mo na yang kapatid ko Love, May toyo kasi yan" sabi ko kay Venice. Na ngayon ay nakataas ang kilay.
" Kapatid? " napa face palm naman ako. Oo ng pala di ko naikwento tong si Beatrice sa kanya. Kita ko naman na nakasimangot si Beatrice at tinignan ako ng masama.
"Hi! I guess you're Venice na girlfriend ni sissy, Ako nga pala si Beatrice. Nice to meet you" sabi niya ng nakangiti kay Venice tapos tumingin sakin at inirapan ako. Nginitian lang din ito ni Venice ng alanganin. Pero dahil laking makapal ang mukha si Beatrice. Hinatak niya si Venice at kinausap niya ito. Napailing nalang ako na sumunod sa kanila.
At dahil nagpahatid lang pala si Venice at coding ang sasakyan ni Beatrice wala akong choice kundi ipag drive sila. Nakakaasar nga kasi nag mukha akong driver. Paano ba naman nandun ang dalawa sa likod. Kung ano-ano pinagkwento ni Beatrice sa kanya. Ng mga bata pa kami. Natigil lang sila sa pag uusap ng huminto ako sa pag drive kasi may tumawag saakin.
[ Miss okay na po yung order niyo, Kakadating lang] tuwang tuwang sabi ng secretary ko. Parang kinikilig. Napangiti naman ako.
" Halatang kinikilig ka diyan, Thank you pala. " sabi ko dito at tumingin sa salamin. Nakakunot na ang noo ni Venice at si Beatrice naman ay nginitian ako at kumindat pa. Loka loka talaga
[ Syempre Miss, Nakakakilig kaya. Isipin ko pa lang gusto ko na maihi dito ]natawa naman ako sa sinabi niya.
" Silly, Anyway wag ka na pumunta dito. Ako nalang pupunta diyan. Ihahatid ko lang muna sa restaurant sila Venice at Beatrice " sabi ko dito at biniro pa ako nito kasi magkasama pala kami ng Love ko. Kilig na kilig daw siya. Kaya natatawa pa din ako habang pinatay ang tawag.
At mas natawa ako ng makita ko na nakasimangot na si Venice at inirapan pa ako. Selosa!
At dahil alam kong naiinis na si Venice saakin ay buong byahe tahimik na siya, Pero si Beatrice kwento pa din ng kwento. Dumating kami ng restaurant na ang tahimik niya. Pero di ko nalang pinansin at nagmadali na akong pumunta kay Ms. Cruz .
[ Venice Fritz Pov ]
Nakaka asar! Sino ba yung kausap niya ba't kailangan pang kiligin at kailangan niyang puntahan. Nakakabwesit! May nilalandi na agad yung Love ko.
" Selos much? " sabi ni Beatrice saakin ng nakangisi. Parang si Cassandra din to eh. Mapang asar. Kaya inirapan ko.
" Sino ba kasi yung nanlalandi sa Love ko? Wag na wag ko yun makikita't masasabunutan ko talaga yun! "sabi ko saka tinawanan naman ako ni Beatrice.
" Uso po magtiwala. Saka mahal ka ng kapatid ko " sabi niya na ikinangiwi ko.
" Mahal? May pinapakilig na ngang iba eh! " sabi ko dito, halatang asar na asar pa din ako.
" Bakit ba? Ako nga rin kinikilig din ako sa love mo " sabi niya kaya inirapan ko lang ito
Patagal na patagal na hindi ko nakikita si Xia. Mas naaasar na ako sa kanya. Di na ako mapakali na dito. Halos mag dalawang oras na kami dito. Kaya para na akong bulkan na sasabog ano mang oras.
"Mommy? What's with your face, Don't you like my cookies " simangot na sabi ng bata kaya medyo nawala ang inis ko kay Xia.
" No baby, May iniisip lang si Mommy. Alam mo naman na masarap mag luto ang baby ko. Favorite ko kaya tong cookies mo " sabi ko dito kaya ngumiti na ang bata.
"Oo nga baby, Masarap ka magluto. Manang mana sa Mommy mo " sabat naman ni Beatrice sakanya at pinugpog ito ng halik. At tumawa lang ang bata.
Magkaharap kasi kami ni Beatrice at nandun si Baby Athan sakanyang tabi. Halatang Tuwang-tuwa si Beatrice sa pamangkin. At dahil sa kakulitan ni Athan ay nakalimutan kong naasar ako kay Xia.
Nag kulitan lang kami dito tatlo ng biglang nagdatingan din sila ni Cassandra at Angela. Ewan ko nga anong nakain dito at napadpad. Sabi nila na may live band daw dito ngayon. Pero patagal ng patagal na nakatambay kami dito ay bumabalik na naman sa isip ko si Xia. Litse! Malalaman ko lang talaga na may nilalandi yun. Makikita niya talaga.
Habang naman pinapatay ko yung katawag ni Xia sa isip ko ay napakunot naman ang noo ko ng mag bulungan ang tatlo sa harap ko at may pa ngiti-ngiti pa. Tapos ng mapansin na nakangiti ako ay seseryoso. Kaya tinaasan ko nga sila ng kilay. Di ako masyado makaporma ngayon kasi nasa lap ko si baby. Naka pwesto Nakatulog sa kakulitan. Hinahaplos ko lang ang buhok niya. Ang cute talaga ng baby namin.
Maya-maya din ay kinuha na siya ni Manang Anding, Dahil kailangan na magpahinga ng bata, at umuwi. Nagpaalam nalang ako sa tatlo na mag ccr na muna ako. Halos padabog na ako na nag lakad pabalik ng matapos ako, Kasi kung ano2 na ang mga pumapasok sa isip ko. Kung nasaan si Xia. Kung sino kasama niya. Naging praning na ko kumbaga. Pero di pa man ako nakaka abot kina Beatrice ay bigla nalang namatay ang lahat ng ilaw. At kasabay iyon ng pag singhap ng lahat. Sh*t!

BINABASA MO ANG
Deep
AcakLahat ng bagay na nangyayari saatin ay may dahilan. 😊 Minsan Ang Hirap Umahon Lalo na Kung Masyadong Malalim Yung Nabagsakan Mo. Paalala GxG story po to!