Chapter 11 (memories of the past)

157 2 0
                                    

Bea POV

Genius sirain mo na yung spy camera dun-utos sa akin ni black. Yes guys! Genius po yung code name ko, hehehhe. Hindi nyo ba halata, computer genius poh ako, kaya genius yung code name ko. Kapag nag ha-hack ako nung computer makikita nila ang logo ko na G sa screen nila. I don’t know if alam ba nila ang ibig sabihin ng letrang G na yun. Ako at si angel lang ang nakakaalam ng code name namin wala ng iba. Siya naman si Black or B, see guys parang boy and girl lang yung dating diba?

Pumasok na si angel hawak-hawak niya yung kanang balikat niya, tinabunan niya yun ng leather jacket.

What happen best?-alala kung sabi, sabay kuha sa jacket niya na nakatabon sa balikat niya. OMo! May sugat ka best- dali-dali akong pumunta sa kusina at kinuha yung first aid kit, hind kami nawawalan nito dahil nga sa linya ng trabaho naming, may mga pagkakataon talaga na mga kagaya nito.

Sinira ko yung damit na suot niya, naka overall black yung suot niya. Nilinis ko agad yung sugat niya gamit yung alcohol, sanay na ako sa ganito, kadalasan ako ang gumagawa nito, kinuha ko yung gamit para makuha yung bala na nakabao sa blaikat niya, buti na lang at sa balikat lang siya natamaan. Habang kinukuha ko yung bala, nakatingin si best sa kabilang side, nakikita ko sa mukha niya na nasasaktan siya habang kinukuha ko ang bala palabas, kahit ganun wala ka paring maririnig na boses na nasasaktan siya. Nang mailabas ko yung bala, nilinisan ko ulit tsaka may nilagay na powder dunsa sugat, ito kasi yung gamot para sa mabilisang pagkahilum ng sugat at kagandahan pa nito, maghihilom ang sugat at wala kang peklat na makikita. Nadiskubre naming to nung nasa Africa kami dahil may isang mission ako dun at sinamahan ako ni angel. Minsang nasugatan kasi siya dun ng isang pana, mabuti nga sabi nung nailala naming gumamot sa kanya hindi daw masyadong malakas yung lason na nilagay sa pana, alalang-alala talaga ako dun kasi napahamak ko si angel, kaya yu nung Makita ko yung nilagay nung tumulong sa amin at na amaze ako dahil kinabuksan dagling naghilom yung sugat at ilang araw pa, wala ka ng mababakas na sugat dun sa tinamaan, ni anino ng sugat wala!, o diba, parang magic lang. kaya nanghingi ako dun ng ganun buti naman at hindi madamot yung manggagamot nun, sabi pa nito if kailangan ko pa daw magpasabi lang daw ako.

Sige best, pahinga ka muna, ako ng bahala ditto, inihatid ko siya sa kwarto niya para magpahinga. May pinindot siya dun sa gilid ng wall niya, bumukas  ang isang nakatagong cabinet sa likod ng isang napakalaking frame ng isang anghel na nakayuko at naputulan ng isang pakpak, naalala ko pa tong painting nato, ito yung nabili niya sa Italy gawa ito ng isng papasikat pa lang na pintor. Dito ko na nalapitan si angel, inaapproach ko siya, mataos kasi ng ilang araw kung pagiging stalker niya naglakas  loob na akong lumapit sa kanya.

Though medyo kinabahan din ako noon, pero nilabanan ko yun alang-alang sa kuryusidad ko. Tama nga talaga yung saying na curiosity kills the cat.

Flashback….

 

Nakita ko siya papasok sa isang show room may painting display kasi ang papasikat pa lang na pintor ditto sa Italy si Antonio El Trio, kadalasan theme niya sa pagpipinta ay yung mga heavenly ncharacter, katulad ng mga archangels, angels and demons. May nakatawag pansin din sa akin na isang likha ni el trio ito yung painting niya na pinangalanan niyang lost in the dark, wherein isang anghel na naputulan ng pakpak at gutay-gutay yung damit tapos nakayuko lang sa isang sulok. Hindi lang ako ang nakuha ang atensiyon sa painting na ito, pati na din yung sinusundan ko, nandun lang kasi siya sa harap ng painting at pinagmasdang maigi. Wala akong alam sa mga art-art nay an, pero nagandahan talaga ako dun, maganda yung ginamit ng mga kulay, parang buhay na buhay talaga ang painting na yon.

Black angel's heart: Avery "The Assassin"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon