Chapter 13 (The intruder)

152 2 0
                                    

Hello guys, here’s the chapter 13. Medyo matagal ding hindi nakapag-update kasi naman po  sa sobrang busy, medyo mahirap din pagsabayin yung work tsaka yung hilig mo, kasi minsan tinatamad ka nang magtipa ng keyboard pagdating ng bahay. Minsan nagkakaroon din ng writer’s block… hahahhh, or wala lang talagang maisip… sundan nyo po ang iba pang chapter.

 

Thank you sa lahat ng bumabasa sa kwento ko, para sa inyo po lahat ang chapter na to.

 

SOMEONE POV

Nalaman kung lumipat ng bahay sina Avery kasama yung friend niya. Nakabili kasi ito ng bahay sa dulo ng siyudad, mukha itong 3 storey-vacation house. Maganda nga naman pagkakapwesto ng bahay kasi nasa medyo mataas na lugar. Makikita mo ang bahay sa malayo pa lang na parang isang knight na matayog na nakatayo sa itaas na bahagi ng lugar nato. I used my telescope, nakita ko silang nag-aayos sa loob ng bahay. Glass ang wall ng bahay sa harapan, kaya makikita mo, kung an ang ginagaawa ng tao sa loob, maya-maya pa parang sinara nila yung ventilation at di ko na Makita kung ano ang ginagawa nila sa loob.

Fuck!-napamura ako

Denial ko yung phone ko at tinawagan ko yung tauhan ko.

Yes boss!-sagot nung nasa kabiilang linya.

Magmanman ka dito.-utos ko. Ok boss!-sagot naman nung nasa kabilang linya. Binaba ko na yung phone ko at umalis sa lugar na yon.

Bea POV

Iba talaga ang pakiramdam ko, mukhang may nagmamasid sa amin, Hindi talaga ako mapalagay. Pinindot ko yung remote ng ventilation namin, kasi naman poh, yung wall dito ay yari sa glass, pero ok naman kahit glass to when I check it, bullet prof naman, kaya okay lang talaga.

Lumabas si avery  at umakyat na sa third floor, hindi ko na sinabi sa kanya ang nararamdaman ko kanina, dahil ayoko munang bigyan siya ng alalahanin, sasarilihin ko muna hanggang hindi ako makakita ng matibay na ebedinsya.

Bumalik ako sa loob ng control room ko, chineck ko yung camera #30 ito yung camera na nakalagay 30 meters away from the main gate. Minasdan ko yung mabuti, may nasagip ang camera ko, isang papaalis na kotse, zi-noom ko yung kuha, isang pulang Toyota revo, tiningnan ko yung likod para makita yung plate number niya, pero wala akong makita. Medyo mahihirapan akong makuha kung sino ang nagmamay-ari nito, bukod sa walang plate number yun, atsaka madaming nagmamay-ari ng ganitong klaseng sasakyan.

Sinave ko sa file ko yung na capture ng camera ko, bubusisihin ko ito mamaya.

Avery POV

I checked my room, medyo malaki ito, yung wall ko, tama lang sa gusto kung kulay, green tsaka may accent na gold, parang tinakda talaga ito ng kapalaran ko, ito yung gusto kung combination. Inilabas ko na ang ibang gamit ko, inuna ko muna ang gamit ko sa mga mission ko, tsaka nilagay ko sa isang cabinet dito.  Hinawakan ko ang katana ko. Ito ang paborito ko sa lahat, pamana pa ito sa akin nung sensei ko na nagturo sa akin kung paano, gamitin ang iba’t-ibang klaseng sandata. Napansin kasi niyang sa katana palagi ako nag fu-focus, kaya ng malampasan ko lahat ng expectation niya, binigay niya sa akin ang katanang to, bilang premyo ko sa paglampas sa expectation niya. Tuwang-tuwa pa nga ako that time, kasi di ko iniexpect na ibigay niya sa akin to, kasi naman mula pa ito sa clan nila.

Black angel's heart: Avery "The Assassin"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon