Chapter 16 (double the trouble)

127 1 0
  • Dedicated kay Violeta Bautista Odong Galula
                                    

Seung Joon POV

Nung makalabas na kami ng opisina ni doc at papunta na sa parking lot para kunin yung mga sasakyan namin, naramdaman kung may kakaiba sa paligid, hindi pa ako nagkamali sa nararamdaman ko, bukod sa amin, may iba pang nandirito. Tumingin ako sa gawi ni X, at tama nga ako, hindi lang ako ang may ganung pakiramdam, nagulantang nalang ako ng biglang tinalon ni X ang pagitan nilang dalawa ni Ms. Poker face. Medyo nauna kasi sa paglakad si Ms. Poker face at nakasunod naman si X dito, samantalang ako, nakasunod din sa leader namin na si Bea. May tumamang bagay sa isang kotse, agad kung pinuntahan kung saan nanggaling ang nagbato nun, may nakita akong lalaking nakaitim,  hinabol ko siya, ngunit bigla nalang nawala. Mukhang may ninja skills ang isang yun. At ano ang pakay nito sa isang babaeng estudyante lang ng isang unibersidad?

Bumalik ako kung saan ko sila iniwanan kanina. Kinuha ni bea yung bagay na tumama sa kotse, tama nga hinala ko, isa yung shuriken, pinasok niya to sa loob ng bag niya.

Hey, bakit mo aalisin yan, diba dapat tatawag tayo ng pulis para imbestigahan yan.-saway ko sa kanya. Nakita ko naman si X na nagpapagpag ng t-shirt niya dahil nadumihan siguro dahil sa pagkatumba nilang dalawa ni avery.

Ako ang mag-iimbestiga nito, and no need to call the police dahil wala namang nasaktan and ayaw namin na magulo an aming buhay dahil sa isang bagay na’to. Cool lang na sabi nung glider namin na si bea, mukhang sanay na ang isang to sa mga ganitong pangyayari, tiningnan ko si ms. Poker face wala naman akong nakitang pagkabahala dito bukod sa namula ang pisngi nito.

At bakit naman ikaw mag-imbestiga niyan, pulis ka ba?sabi ko sa kanya

Malapit na akong maging pulis and sa criminal investigation unit ako maaasign-nagmamalaki pang sabi nito, sabay tawa.

Hey we’re not joking here, dapat malaman ng pulis to, para hindi kayo mapapahamak pa.-pangungumbinsi  ko pa rin sa kanya.

No need, may kakilala akong pulis na mas pinagkakatiwalaan namin na mag-imbestiga ng mga kagaya nito-pinal na pagkasabi nito

Di na ako umimik pa, alam ko naman n walang patutunguhan ang pakikipagtalo ko sa isang to, mukhang desidido ito sa desisyon niya.

Bakit may nagbabanta sayo palagi avery?-narinig kung tanong ni X kay ms. Poker face.

Napansin kug umiwas ito ng tingin sabay sabing “Hindi ko alam!”

Magtatanong pa sana si X nung mapansing pinalibutan kami ng mahigit sa sampung lalaki na may dala-dalang baseball bat.

Shit!-napamura si X ng wala sa oras

Oh! Nandito ang pinuno ng golden dragon gang-sabi nung lalaking may dilaw na buhok at may malaking hikaw sa tenga.

Who are you?-nanggagalaiting sabi ni X

Hindi mo kami kilala? Well, malamang hindi nga, hindi pa naman kasi tayo naglalaban sa battleground. Pero pag nabugbog namin ang lider ng GDG, malamang aangat kami sa rank-mahabang litanya nito.

Napailing lang ako sa sinabi nito, ang mga mahihina nga naman.

Tsk..tsk..tsk..

Wow bago mo bang kasama ang mga ito x-ray? May bago na naman kayong miyembrong babae, mga magaganda din pala. Bagong recruit?-sabi uli nung lider nila.

Nakita kung hinawakan ni X si ms. Poker face at nilagay niya sa likod nito. Sumunod lang din siya kay X. si Bea naman, kinuha lang yung tablet niya at nilagay sa body bag nito. Pero wala kang makikita na bakas na pagkatakot o pagkabahala sa kanila, hindi kaya gangster din ang dalawang to?

Black angel's heart: Avery "The Assassin"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon