hay sa wakas, chapter 4 na rin. nagtitityaga talaga ako para ma update ang story na ito, anyways first time ko pa naman sa wattpad, pero di bale, i will do my best para naman maging ok din tong first story ko. nainspired kasi ako sa paggawa nito kasi suki din ako na reader ng wattpad. dati pa talaga pangarap ko ng maging writer ng isang nobela, mabuti na lang at may wattpad na pwede ka makagawa ng iyung sariling kwento. kahit papano maging writer ako dito.
naalala ko pa nung high school pa ako, nagsusulat ako ng kwento sa mga notebook ko, kaya ayun ang mga notebook ko ay na puno ng mga kung anu-anong kwento, di na tuloy magamit sa mga subject ko kasi na puno na ng puro kwento. Hmmmm... medyo adik din ako sa pagbabasa ng mga romance novel, idol ko nga dito yung writer ng mga pocket books na sina Helen Meriz, Gilda Olvidado at kung sinu-sino pa. Isa sila sa mga inspirasyun kung gumawa ng sarili kung kwento
Sana itong chapter na ito ay magustuhan niyo at di kayo ma bored, kung may mga type errors din, pasensiyahan niyo nalang at intindihin anyways maintindihan niyo naman kung babasahin niyo ang isang buong sentence di ba, ma gets niyo na kung ano ibig sabihin ng mali ko.
(Avery pov)Naalimpungatan ako, kaya kumilos ako sa kama, pilit kung inaaninag kung nasaan ako, kasi pakiramdam ko, hindi familiar sa akin ang buong lugar kung nasaan ako at yung scent ng room parang hindi familiar, kinapa ko ang kumot tsaka inaninag. hindi nga talaga familiar, bumanon ako at pilit na inaalala kung anong nangyari sa akin at kung nasaan ako. biglang nag flash back ang mga pangyayari
ang naalala ko, matapos ko maisagawa ang misyon ko, lumabas ako ng mariah hotel para maglibot dun, naisipan kung maglakad lakad sa paigid malapit sa hotel ng may nakita akong anim na motor na sa tingin ko ay mga bikers, tsaka yung isang lalaki na familiar sa akin at bigla nalang pinaharurot ang sasakyan nit papunta sa akin at sinakay ako sa likod niya. ang huling naalala ko ng lumiko kami sa isang eskinita tapos nakatagpo namin yung isa pang motor ng parang may tumama sa likod ko. yun ang huli kong naalala.
Di yata't natamaan ako ng bat na dala-dala nung lalaki. Bumangon ako sa kama at pilit inaaninag ang buong kwrto, hindi ko binuksan ang ilaw baka makabulabog ako ng kung sino man ang nandito, hindi ko alam kung nasa panganib ba ako or hindi. Napagtanto kung pang lalaki ang kwarto, bigla kung nakapa ang sarili ko, natakot ako baka pinagsamantalahan ako ng kung sino mang nagdala sa akin dito. Nang makapa ko ang buong katawan ko, wala namang medyo kakaiba, maliban na lang sa sakit na nararamdan ko sa likod ko, ito marahil yung tama ng bat sa likod ko.
kinapa ko yung door knob, nabubuksan naman, kailangan makaalis ako sa lugar na ito ng hindi namamalayan ng kung sino man yung nagdala sa akin dito. dahan dahan kung binuksan ang pinto tsaka maingat na lumabas ng kwarto. napansin kung nasa 2nd floor ako, at binilang ko ang pinto na nandito, parang pitong pinto ang nandito sa taas kasali na tung tinulugan ko, tahimik naman ang buong paligid, mukhang natutulog na ang mga tao na nandito. Nang medyo masanay na ang mata ko sa dilim naaninag ko ang buong paligid, mukhang bahay na parang opisina yung dating. dito sa 2nd floor ang theme ay parang europian style, basi na din sa mga ginagamit na mga furnitures na makikita sa labas ng bawat rooms.
tinahak ko ang daan pababa at may napapansin akong isang kwarto sa baba pa, ang pagkakakiba lang glass door ang gamit nito kaya medyo makikita mo kung ano sa loob mukhang conference room, completo ng facilities may projector sa gilid at may isang malaking table sa gitna. nang tingnan ko yung kaliwang bahagi nito mukhang isang dining room base na din sa lamesa at upuan na nakikita ko. dumiritso ako sa paglakad, sinisigurdo ko na wala kahit tunog akong magawa, kinailangan ko talagang makaalis dito ng walang makakaalam, hindi ko kasi sigurado kung ligtas ba ako or nanganganib, mabuti na yung sigurado. dahan-dahan akong dumaan sa sala at napansin kung may tao na nakahiga dun, di ko lang masyadong makita yung mukha, nang sa pagdaan ko, biglang may humawak sa kamay ko, dahil sa biglaan at di ako nakahanda, na out of balance ako at natumba dun mismo sa taong nakahiga.
BINABASA MO ANG
Black angel's heart: Avery "The Assassin"
Teen FictionShe is an assassin... He is a gang leader... she is paid to kill... He fights for his pride.. she has nothing to lose.. he has everything at stake... will love can be found by this two? can this stand against all the odds? or forget everything they...