CHAPTER 1 - Ang Simula

20.9K 448 17
                                    

"HINDI!" ang malakas na sigaw ni Rachel sa gitna ng dilim.

Sa harap niya ay isang malaking salamin. Sa repleksiyon nito, kitang-kita niya ang nasusunog na manananggal. Pumagaspas ang pakpak nito habang nilulusaw ng apoy ang balat na parang kandila.

Nang maramdaman niya ang sakit, hindi siya makapaniwala na ang balat na iyon ay sa kanya.

"Hindi! Hindi ako manananggal!" ang paulit-ulit niyang sigaw habang nilalamon ng apoy ang higante niyang pakpak.

Ngunit bago pa siya maging abo, may humawak sa kanyang balikat at tinawag ang kanyang pangalan.

"Rachel!"

Umugong ang mahiwagang tinig sa paligid na parang isang malakas na hangin. Napamulat siya at nagising mula sa isang masamang panaginip.

"Trixie?" buong pagtataka niya nang makilala ang may-ari ng tinig.

"Rachel," pabulong na sambit ni Trixie. "Anong bang nangyayari sa 'yo? Para kang nakakita ng manananggal," patuloy nito ng may pag-aalala. Iniabot nito sa kanya ang isang basong tubig.

Nakaramdam si Rachel ng matinding pagkauhaw. Gustong niyang kunin ang baso at tunggain ang laman nito pero hindi niya magawa. Nanginginig pa ang buo niyang katawan. Wala siyang magawa kundi titigan lang si Trixie na sa oras na iyon ay nagtataka kung anong nangyari.

"Ano ba girl! Huwag mo akong titigan ng ganyan. Uminom ka para mawala ang pamumutla mo," pilit ni Trixie.

Pinilit ni Rachel ang sarili. Nanginginig niyang inabot ang baso at dahan-dahang lumagok. Mabilis lumamig ng kanyang lalamunan. Nang mahimasmasan tsaka lang siya nakapagsalita.

"Trixie, paano mo nalamang nakakita ako ng manananggal?" usisa ni Rachel sa kaibigan. Unti-unting bumalik ang maayos niyang pakiramdam.

"Ano ka ba, Rachel? Ekspresyon lang. At tsaka, hello? Di ba nga ilang araw ng laman ng dyaryo 'yun sinasabi nilang manananggal sa kabilang barangay. Na-gets mo ba ang konek?" simangot na sagot ni Trixie sa kaibigan.

"Okay. Gets ko na. Pero bakit kanina ka pa bumubulong?"

"Haysss!" pagbuntong-hininga ni Trixie sabay dahan-dahang inikot ang swiveling chair na inuupan nila. "Nakikita mo ba 'yan?" bulong nito sa kanya.

Sinundan niya ang nakaturong nguso ni Trixie at nakita ang mga beteranong prosecutor ng Santa Isabel sa kanilang harapan. Katulad nila, nakaupo ang mga ito paikot sa isang mahabang conference table. Nakatitig sa kanya ang mga ito ng may pagtataka. Nakaramdam si Rachel ng hiya.

Pinihit niyang muli ang swiveling chair para tumalikod sa mga ito. Sumabay sa kanya si Trixie.

"Ba't di mo agad sinabi na nasa meeting pala tayo, Trixie?" galit niyang bulong sa kaibigan.

"Hello? Di mo naman tinanong," sagot nito.

"Hay naku. Nakatulog ba ako?" tanong niya, bakas ang pag-aalala sa kanyang mukha.

"Girl, mabuti nga kung nakatulog ka lang. Pwede kong idahilan sa kanila na puyat ka. Pero hindi eh. Mulat na mulat ka. 'Yun mukha mo takot na takot," paliwanag nito. Pinalaki pa ni Trixie ang mata at ngumanga para idemonstrate. Siniko ni Rachel ang kaibigan.

"Ano ka ba. 'Wag ka nga exag d'yan, Trixie. Ganun ba talaga nangyari?" di niya makapaniwalang tanong.

"Oo. Ganun na nga. Ano ba kasing iniisip mo?"

Sasagutin na sana ni Rachel si Trixie pero ginulat sila ng malagong na boses ni Big Boss John, ang kanilang boss at Chief City Prosecutor ng Santa Isabel.

Sabay umikot ang swiveling chair ng magkaibigan para humarap at sumama uli sa meeting. Napatingin sila sa dulo ng conference table at nakita ang galit na mukha ng kanilang boss.

Ang Manananggol, Ang Manananggal, At Ang Itim na MaskaraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon