CHAPTER 10 - Nakaraan: Dr. Luther's Death

2.3K 105 5
                                    

ISA-ISANG inilatag ni Bianca ng maayos sa kama ang mga gamit na dadalhin niya kinabukasan para sa unang araw ng pagtatrabaho niya kay Don Diego.

Hindi niya maitago ang excitement na nararamdaman. Hindi siya makatulog kaya naisip niyang ayusin na lang ang mga ito.

Ito ang kauna-unahan niyang trabaho. Kung gagalingan niya, pwede siyang maging permanent employee katulad ng pangako ni Don Diego sa kanya.

Isang magandang simula ang pagtatrabaho sa isang kilalang kumpanya tulad ng Genetix Corporation. Kung ito ang unang mapapalagay sa kanyang resume ay tiyak na hindi siya mahihirapan sa pag-aapply sa ibang kumpanya. Isa pa, marami siyang matututunan dito kahit na OJT lang siya.

Malaking kumpanya ang Genetix pero kahit sobrang laki nito at halos parang imposibleng pamunuan ng isang tao ay well-organized ito. Ang ayaw lang niya ay ang mahigpit na security nito. Bukod sa maraming policy na pinapatupad ay marami ring confidential information kung saan off limits silang mga empleyado. Sa isang tulad niyang usisera, hindi niya alam kung anong pwedeng mangyari sa kanya.

"Anak, excited ka na ba? Baka hindi ka makatulog niyan," biro ng kanyang ina. Ugali nitong silipin ang panganay na anak sa kwarto bago matulog.

"Oo, Nay. First day ko po eh kaya gusto kong pagbutihin. Gusto kong maging permanente sa kumpanya na 'to para makatulong na ako sa pangangailangan natin dito sa bahay," paliwanag niya sa ina.

Tatlo na lang silang magkakasama sa bahay nang mamatay ang kanyang ama. Nag-aaral ang kapatid niyang si Trixie at nag-retire na ang kanilang ina sa trabaho. Nabubuhay lang sila sa pension ng ama at sa retirement benefits ng ina. Ang pagkakaroon ng trabaho ni Bianca ay malaking tulong sa kanilang mahirap na kalagayan sa buhay.

Napatitig sa kanya ang ina. Halata sa mukha nito ang pasasalamat. Niyakap siya nito ng mahigpit.

"Maraming salamat anak."

Bumitaw si Bianca sa pakakayapos ng ina at hinarap ito.

"Inay naman. Ako ang dapat magpasalamat sa 'yo at kay Papa. Kung di dahil sa sakripisyo n'yo hindi ako makakatapos ng pag-aaral."

Lalo niyang napasaya ang kanyang ina. Nabasa ang mga mata nito sa tuwa.

Noong gabing iyon halos hindi makatulog si Bianca dahil sa sobrang excitement sa una niyang trabaho.

***

PAG SAPIT NG UMAGA, maagang pumasok si Bianca sa Genetix Corporation. Bukod sa ayaw niyang ma-late sa unang araw ng pagpasok, ayaw niya ring tumayo sa mahabang pila tuwing umaga dahil sa higpit ng security.

Pero isang mahabang pila pa rin ang inabutan niya nang makarating sa gusali. Dumadaan kasi sa isang full body scan ang lahat ng empleyadong pumapasok dito. Wala siyang nagawa kundi ang pumila na rin. Habang nakapila inisip niya kung ano ang unang trabahong ibibigay ni Don Diego sa kanya. Naputol ito nang may biglang bumati sa kanya.

"Hello!" bati ng isang lalaki sa unahan niya nang lingunin siya nito. "New here?" tanong nito. Dahil sa itsura nito at sa kakaibang English accent, alam niyang hapon ang lahi nito.

"Ah, eh. Ako ba? I mean, me?" gulat niyang sagot.

"Yes. You," natatawang sagot ng hapon.

"Ah me, I am the new OJT. You?" tanong niya.

"I see. I'm Dr. Hiromoto. I'm also new here." sagot nito habang kinakamayan siya.

Ang Manananggol, Ang Manananggal, At Ang Itim na MaskaraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon