CHAPTER 3 - Ang Manananggal

3.7K 139 5
                                    

KINABUKASAN, 10:00AM pa lang ng umaga ay umalis na ng Prosecutors Office si Rachel para mag-file ng motion for hold departure laban kay Don Diego.  Ngayon din ang appointment niya sa duktor.

Hindi naman niya talaga balak lumabas ng maaga pero namamanhid na ang kanyang tenga dahil sa walang tigil na tsismisan ng kanyang mga ka-opisina. Ayaw kasing tumigil ng mga ito na pag-usapan ang tungkol sa manananggal na pumatay sa mga militar at tauhan ni Don Diego. Napilitan tuloy siyang tawagan ang psychiatrist para i-request na gawing mas maaga ang kanyang appointment. Mabuti na lang at pumayag ito.

"You can open your eyes now, attorney," utos ng duktora.

Nanatili siyang nakahiga sa malambot at itim na sofa. Kanina lang ay nakapikit niyang inilahad sa duktora ang tungkol sa kanyang panaginip at ang misteryosong alaala. Parang nakikita pa niya ang mga ito sa puting kisame ng clinic.

She trembled before it and breathe deeply.

Narinig niya ang boses ng duktora. Malumanay itong nagsalita.

"Ang sabi mo meron kang alaala na hindi mo naman matandaan na ginawa mo. At meron mga lugar sa alaala mo na naroon ka ngunit hindi mo matandaan na pinuntahan mo," pagkunpirma ng duktora habang nakatingin sa kanyang notebook. Tumango lang si Rachel.

"Hmm." Saglit nag-isip ang duktora pagkatapos ay nagtanggal ng salamin at seryosong tumingin sa kanya. Bumangon naman si Rachel at umupo sa sofa.

"You have a very rare condition, attorney, at dalawa lang ang nakikita kong posibleng rason," panimula nito. Inilagay nito ang hawak na ballpen at notebook sa lamesa.

"Ano po 'yon duktora?" kunot-noong tanong ni Rachel.

"Una, kung may mga unresolved issues sa subconscious part ng brain mo ay maaari itong ma-trigger ng stress, guilt, or mabigat na problema. In this way, 'yung mga past memories mo ay maaaring  makaapekto sa present mo making those past memories seems real but at the same time confusing. And second...hmm...merong kang tinatawag na double identity. Isang defensive mechanism ng mga taong under too much stress or guilt. Para siyang 'yun case ni Dr. Jekyll and Mr. Hyde. 'Yun mga ginawa ni Mr. Hyde ay lumalabas sa memory ni Dr. Jekyll," dagdag ng duktora na seryosong nakatitig sa dalaga.

"Ibig bang sabihin nababaliw na ako?" tanong ni Rachel na halatang nabahala sa huling sinabi ng duktora.

"Hindi naman, iha. Hindi ka nababaliw," napangiti ito sa kanyang reaksiyon. "Ang source kasi ng mga alaala mo ay stress, guilt, or unresolved issues. Kung maa-identify natin ang ang mga unresolved issues mo at mga bagay na nagbibigay sa 'yo ng stress ay maaaring mawala 'yan," dagdag nito.

"Maaari? You mean hindi ka po sigurado?"

Napabuntung-hininga ang duktora.

"It will take time Attorney Rachel. Kaya hindi natin agad masasabi. For the meantime, bibigyan muna kita ng tabletang pampakalma sa tuwing mai-stress ka." Gumawa ito ng riseta at iniabot sa kanya.

UNRESOLVE ISSUES? STRESS? GUILT?

Ito ang mga gumulo sa kanyang isip paglabas niya ng clinic.

Siguro nga ay na-iistress na siya sa palaging pagyaya ni Dante sa kanya na magpakasal. And she's guilty of turning him down...many times. Ang kanyang panaginip ang resulta nito. Her childhood nightmare are not the cause but the effect.

Ang lumang bahay, ang nakakapanglaw na kwarto, ang larawan ng mga magulang niyang matagal ng patay. At ang....

Bigla siyang natigilan. Ayaw na niyang isipin pa ang itsura ng nakakatakot na manananggal. Maisip lang niya ito ay sumasama na ang kanyang pakiramdam kahit na alam niya sa sarili niyang panaginip lang iyon.

Ang Manananggol, Ang Manananggal, At Ang Itim na MaskaraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon