"HANDA na ko, Papa," sambit ni Rachel kay Dr. Luther.
Malungkot niyang tinitigan ang anak. Nag-aalinlangan si Dr. Luther sa kanilang gagawing operasyon. Hindi pa niya ito nasusubukan. Ang tagumpay nito ay nakita lang niya sa kanyang theory.
"Rachel," tawag ni Trixie. "Sigurado ka na ba sa gagawin mo?" nag-aalalang tanong nito.
"Walang ibang paraan, Trixie," paliwanag ni Rachel habang nakahiga. Sa isa pang kama ay nakahiga na rin ang kapatid na si Ashley.
"Hindi mo kailangang gawin 'to, Rachel. Kayang-kaya naman silang harapin ni Ashley. Tutulungan natin siya," giit ni Trixie.
"Trixie, kailangan ni Ashley ng dugo ko at kailangan ko ng dugo niya para palakasin ang mutation sa katawan namin. Ito lang ang paraan para tapatan ang mga halimaw ni Don Diego," giit ni Rachel.
Napailing na lang si Trixie. Naputol ang pag-uusap ng dalawa sa paglapit ni Dr. Luther.
"Rachel, wala na tayong oras."
Tumango si Rachel kay Dr. Luther. Ikinabit ni Dr. Luther ang mga kable sa ulo at katawan ng magkapatid. Imo-monitor nito ang kanilang vital signs. Saglit siyang napatitig sa dalawang anak at napabuntong-hininga.
"Kung hindi dahil sa aking ambisyon, hindi n'yo sana pagdadaanan ang ganito," malungkot niyang sambit.
Pinisil ng mahigpit ni Rachel ang kanyang kamay.
"Papa, gawin natin ngayon kung anong dapat gawin. These must end now."
Malungkot siyang tumingin sa dalawang anak. Tinanguan naman siya ng mga ito.
Nanatili siya sa tabi ng dalawa hanggang umipekto ang itinurok niyang pampatulog.Pagpikit ng mata ng dalawa ay humarap siya sa isang aparato. Nakasunod lang si Trixie sa kanya. Ino-obserbahang mabuti ang kanyang ginagawa.
"Ito ang aparatong hihigop sa kanilang dugo para ihalo ang Re-Gene drug. Kapag na-process na, ito rin ang magbabalik sa kanilang katawan," paliwanag niya sa nakamasid na si Trixie.
"Okay. Para palang sa dialysis duktor. Ano?" sambit ni Trixie.
Napatingin si Dr. Luther sa dalaga. Noon lang niya naisip na halos pareho ang dalawang proseso na ito. Tahimik siyang nagpasalamat kay Trixie sa magandang comparison na ginawa nito.
"Ah eh. Oo, Trixie. Ang pagkakaiba lang ay hindi nito lilinisin ang dugo kundi pabibilisin niya ang mutation," paliwanag niya.
Pinindot niya ang green na buton at nabuhay ito. Kinabig niya ang isang lever at napuno ng pulang ilaw ang loob ng laboratoryo. Inilipat niya ang lahat ng eletric power ng bahay sa aparato. Kailangan ng sapat na power ang isang napaka-delikadong proseso para ito maging matagumpay.
Umupo siya sa harap ng isang computer at sa screen nito ay naghihintay ang nagbi-blink na green cursor.
GENETIX CORPORATION
RE-GENE DRUG LAB TEST SYSTEMSPlease Log-In:
"May access ka pa sa system ng Genetix?" pagtataka ni Trixie sa kanyang likuran.
"Isa ako sa mga nagdisenyo nito. Gagamitin ko ito hangga't gusto ko," sagot ng duktor. Tumiklada ang mga daliri nito sa keyboard.
"May point ka," sagot ni Trixie.
BINABASA MO ANG
Ang Manananggol, Ang Manananggal, At Ang Itim na Maskara
HorrorPAANO KUNG ANG MANANANGGOL MO AY ISANG MANANANGGAL? HAHANGAAN MO BA SIYA? GAGAWING KAIBIGAN? O KUKUTYAIN AT ITUTURING NA ISANG HALIMAW? Attorney Rachel Magtanggol's life spirals into blood and violence as she takes on the case of Don Diego, a notori...