CHAPTER 4 - Ang Dalawang Video

3.3K 134 4
                                    

HINDI na maipinta ang pagmumukha ni Thalia dahil sa pagkainis kay Ricardo. Kanina pa kasi ito tanong ng tanong sa kanya habang binabaybay nila ang kalsada ng subdivision kung saan nangyari ang tangkang pagpatay kay Aries. Dito rin nakita ang mga katawan ng apat na militar na sinasabing pinaslang ng manananggal.

"Thalia, ano bang gagawin natin dito?" usisa ni Ricardo habang nakabuntot kay Thalia. Iniwasan nitong mabangga ang mga batang naglalaro sa kalsada. Nasa parte sila ng subdivision kung saan marami pang bahay at konti pa ang damuhan. Sa di kalayuan ay tanaw ni Ricardo ang mga bakanteng lote. Iilang na lang ang bahay sa parteng iyon at mas maraming lote ang tinubuan na ng damo. Itinuro ito ni Thalia.

"Pupunta tayo don, Ricardo. Doon nangyari ang insidente. Magtanong-tanong tayo kung may nakakita sa mga pangyayari," paliwanag ni Thalia.

"Bakit, Thalia? Inutos din ba yan ni Don Diego? Di ba sabi niya alamin lang natin kung anong pinaplano ni Rachel sa kaso niya? Bakit kailangan nating mag-imbestiga?" giit ni Ricardo.

Napatigil si Thalia sa paglalakad at inis na hinarap si Ricardo.

"Hindi ka talaga nag-iisip, Ricardo!" gigil na sambit ni Thalia. "Di ba may nagsasabing manananggal ang pumatay sa mga militar na nakita sa lugar na ito? Dahil may video tayo na nagpapakitang si Rachel ang manananggal, kailangan lang natin ng matibay na proof na ang manananggal nga ang pumatay sa kanila."

"Okay. Para...?" tanong ni Ricardo. Hindi pa rin nito nasundan ang sinabi ni Thalia.

"Anong para? Para mapatunayan natin na si Rachel ang killer. At since siya ang killer, siya ang makukulong hindi si Don Diego. At kapag nagawa natin 'yun, Ricardo, mas malaki ang ibabayad sa 'tin ni Don Diego. Na gets mo ba?"

"Ah. Medyo?"

"Haist! Wag ka na ngang maraming tanong. Tara na. Don tayo sa bahay na 'yon. Sabi ng mga tagarito, nai-video ng nakatira doon ang insidente," yaya ni Thalia kay Ricardo.

Nagpatuloy silang maglakad hanggang marating ang nag-iisang bahay di kalayuan sa tapat ng pinangyarihan ng insidente. Sa loob ng bakuran nito ay may nag-wawalis na isang babae. May nakaupo namang isang batang lalaki sa harapan ng bahay nito. May hawak itong cellphone at may pinapanuod. Nilapitan ni Thalia at Ricardo ang babaeng nagwawalis.

"Magandang umaga po, nanay," bati ni Thalia nakatayo sa labas ng bakuran. Tumigil sa pagwawalis ang babae at tumingin kay Thalia. Kinikilatis siya ng may pagtataka.

"Ano po 'yun?" tanong nito.

"Ah eh itatanong lang po sana namin kung nasaksihan n'yo 'yun nangyaring barilan dito sa lugar n'yo," panimula ni Thalia.

"Ay naku wala pong tao dito sa bahay namin nung mangyari 'yun," mabilis na sagot ng babae. Nagpatuloy ito sa pagwawalis papalayo kina Thalia at Ricardo.

"Aling Simang, alam naming narito kayo noong gabing 'yon at nai-video n'yo ang insidente. Alam din namin na nagpapasugal kayo sa bahay n'yo mula 6:00 PM ng gabi hanggang madaling araw," pagtatapat ni Thalia. Takot na napatingin sa kanya si Aling Simang.

"So I guess alam mong bawal ang magkaroon ng pasugalan?" dagdag ni Ricardo nang makita ang reaksyon ng matanda.

"Ah eh ano po bang gusto n'yong malaman?" kinakabahang tanong ni Aling Simang. Naging magalang na ang tono ng pagsasalita nito.

"Gusto naming ilahad mo ang buong detalye ng pangyayari," mataray na utos ni Thalia.

"Buong detalye po ba?" pagsisimula ni Aling Simang. "Ganito po kasi ang nangyari nong gabing 'yon...."

***

"HUMANDA ka, Butchoy! Tatamaan ka sa 'kin!" galit na sambit ni Aling Simang habang papalabas ng bahay.

Ang Manananggol, Ang Manananggal, At Ang Itim na MaskaraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon