EPILOGUE

3K 137 37
                                    


DON DIEGO'S ATTEMPTED ESCAPE
TURNED CITY'S BILIBID INTO ASHES
ENDING IN A FATAL CHOPPER CRASH.

PAGKATAPOS mabasa ang headline, napa-iling si Dr. Luther. Alam niyang kasinungalingan lang ang lahat. Tiningnan niya ang kasunod na pahina.

ATTY. RACHEL'S NAME CLEARED.
MAYOR OF SANTA ISABEL STEPPED DOWN.

Tumango ang ulo ni Dr. Luther. Sa wakas ay may nabasa siyang magandang balita.

Tiniklop ni Dr. Luther ang lumang dyaryo at inilagay sa isang kahon kasama ng mga lumang files na itatapon. Napakunot noo siya. May mga ala-alang ibinalik sa kanya ang kanyang mga nabasa.

Sa puntong iyon biglang tumunog ang telepono sa kanyang bulsa. Isang text message. Pagkatapos basahin ay dumayal siya ng numero ngunit dumiretso lang ito sa voice mail. Nagsalita siya pagkatapos ng beep tone.

"Hello, Rachel. Sunduin mo ang kapatid mo. Malapit ng matapos ang last Re-Gene drug treament ni Ashley sa Genetix lab. Kayong dalawa na lang ang sabay mag-dinner. Kailangan n'yo raw i-celebrate ang pagbabalik niya sa normal na buhay. Nasa meeting pa si Aries with the supplier ng mga security camera dito sa office. Ako naman nag-aayos pa ng Chairman's Office. We'll catch up. Please call her. Okay? Bye."

Pinatay niya ang telepono at ipinatong ito sa lamesa. Sa ibabaw nito, kinuha niya ang mga lumang files ni Don Diego at inilagay sa folder na may label na "TO FILE SHREDDER". Pinulot niya ang isang sobre naglaglag mula dito at napansin niyang isa itong sulat na hindi pa nabubuksan. Binasa niya ang nakasulat sa envelop nito.

To: Don Diego San Juan

From: Selena San Juan

***

ACCESS GRANTED!

Lumikha ng ingay ang robotic na boses galing sa biometrics sa loob ng tahimik at madilim na basement ng mansion ni Don Diego.

Bumukas ang pangalawang pintuan. Pumasok ang isang anino at lumapit sa isang steel table na puno ng mga switch. Pinindot nito ang isa. Naglabasan ang mga rehas mula sa sahig at bumuo ng pabilog na kulungan. Pinindot pa ng anino ang isa pang switch at bumukas ang pintuang bakal sa kisame. Mula dito ay bumagsak na nakatayo sa lupa ang halimaw na si Jasmin. Parang ahas na naglaro sa hangin ang mahaba nitong buntot. Galit nitong inilabas ang mga pangil sa harap ng papalapit na anino.

"Magbabayad sila, Jasmin. Magbabayad sila sa ginawa nila sa aking kapatid!"

Ang Manananggol, Ang Manananggal, At Ang Itim na MaskaraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon