CHAPTER THREE

581 25 5
                                    

" ELIJAH GREGG, THE CHEF COOK "
WRITTEN BY SHERYL FEE

CHAPTER THREE

"Hanep kang babae ka, nandito ka na naman? Wala ka yatang planong pumirmi sa bahay ninyo ah." Sita ni Lewis sa pamangking kaedaran.

Family house man kasi ang bahay nila, nandoon ang kuya Rhayne niya at pamilya nito. Ayaw din naman niyang mahiwalay sa abuela dahil kahit pa sabihing may asawa siyang tao eh napakaluwag naman ang mansion nila para iwanan pa sila. Tatlo silang magkakapatid at kahit pa manirahan silang lahat doon with their families ay kasya silang lahat.

"Ang harsh mo naman Lewis eh alam mo namang---" Kaso hindi na rin niya (Janina) natapos dahil ito snh tumapos.

"Alam mo namang may pinagtataguan ako, iyan nag kukumpleto sa sasabihin mo Janina. Okey fine may pinagtataguan ka, manirahan ka dito no problem pero sng tanong hanggang kailan? Hanggang kailan mo sila pagtataguan? Alam mo mas mabuting tapatin mo sila kaysa ganyan na para kang kiti-kiti sa katatago mo diyan. Mamaya niyan itago ka ni Bossing  for life sige ka." Muli ay wika ni Lewis.

Kaya naman nakaisip ng pangganti si Janina. Well sng sermon na iyun ng tiyuhing kaedaran ay hindi na bago sa kanya. Welcome na welcome naman kasi silang lahat sa bahay ng grear grandmother nila kaya't walang problema.

"Oh para saan na naman ang naughty look na iyan?" Tuloy ay tanong nito ng mapatingin siya dito.

"Gutom ako Lewis kaso busy ang mga kasambahay ninyo. Eh nahihiya skong mag-utos sa kanila." Malambing niyang sagot na kulang na lang maglabitin siya dito.

"Hay naku Janina sabi ko na nga ba dapat mag-enrol ka na sa culinary schools para magkaroon ka ng kaalaman sa pagluluto." Nakailing na saad nito.

Na siya namang nadatnan ng abuela nilang papasok sa kabahayan. Naka-silyang de-gulong man ito pero hindi iyun hadlang sa pagtatambay sa garden sa tuwing hapon.

"Ay lola mano po." Agad naman salubong ng dalaga dito.

"Kaawaan ka ng Diyos  apo ko. Mukhang may diskusyun kayo ni Lewis iha?" Sagot nito matapos makapagmano ang mga apo pero bago siya makasagot ay inanahan na siya nito.

"As usual lola ang apo mong pinagtataguan ang mga manliligaw ay nandito para makikain dahil hindi rin marunong magluto." Ani 'to kaya't agad niyang sinundan.

"Dali na Lewis make a call na ano ba iyan ang tagal mo eh." Naka-puppy eyes pa niyang sabi.

"Gusto mo ma'am ipagluto kita?" Hindi na rin nakatiis na sabad ng personal nurse ng abuela nila.

"Ay huwag na miss nurse hindi mo trabaho iyun baka mapalayas pa ako mi grandma." Maagap niyang sagot although alam naman niyang hindi iyun magagawa ng matanda.

Kaya naman pumagitna itong muli .

"Go and take my wallet in my room apo tayo ang mag-order kaysa sermunan ka ng tiyuhin mo. May date silang mag-asawa kaya't idinadaan sa sermon." Pabiro din nitong sabi kaya naman pinaghahagkan niya ang matanda na ikinakamot ng ulo ni Lewis.

Di yata't inilalaglag siya ng abuela pero kumindat lang ito sa kanya while his cousin hugging their lola kaya't napangiti na rin siya dahil agad-agad din naman niyang nakuha ang ibig sabihin nito. Nais tuloy nilang matawa ng para itong may pakpak na umakyat sa ikalawang palapag ng bahay nila kung saan naroon ang kuwarto ng matanda. Kung gaano ito kabilis umakyat ay gano'n din kabilis bumaba. At hindi nga naglipat minuto ay nakababa na rin ang dalaga kaso habol ang hininga dahil sa pagmamadali.

"Ahm miss nurse maari ka ng magpahinga ako na muna ang bahala kay lola. Tatawagin na lang kita kapag may kailangan." Baling pa nito sa nakangiting nurse.

ELIJAH GREGG, THE CHEF COOK WRITTEN BY SHERYL FEE(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon