" ELIJAH GREGG, THE CHEF COOK "
WRITTEN BY SHERYL FEECHAPTER SIX
"Ikaw na naman? Huwag mong sabihing napadaan ka dahil hindi pasyalan ang bahay namin." Bulong ni Janina sa binatang nakasunod sa kanya.
Mukhang humihina na yata ang pakiramdam niya ah, bakit hindi niya namalayang may nakasunod pala sa kanya?
"Yes Janina Khate ako na naman at hindi ako napadaan dahil talagan mamasyal ako dito sa inyo." Nakangiting sagot ni Elijah.
Kaya nanan imbes na papasok na siya'y basta na lamang ihinarang ang sasakyan sa gate nila saka hinarap ng maayos ang binata.
"Ang laboo ding kausap ano? Sabi ko naman hindi pasyalan ang bahay namin tapos mamamasyal ka dito? Hindi naman ito mall upang pasyalan. Doon sa SM ang magandang pasyalan o 'di naman kaya'y sa Mines View Park or sa Camp John Hay." Aniya dahil hindi naman pumapasok sa iaipang siya sng sadya ng panauhing hindi man lang niya maisipang papasukin.
Kaso!
Kay sarap kurot-kurutin ang pisngi ng loko! Sa dinami-dami ng sinabi niya'y napapangiti lamang ito!
Pero bago naman makasagot ang binata'y dumating ang principal, si sir Wilmer Gabb.
"Ate naman bakit nakaharang sa gate ang sasakyan mo?" Agad nitong sita sa kapatid pero agad ding napabaling sa binatang nandoon.
"The international chef cook is here. Pasok ka bro, huwag mong pansinin ang ate kong maganda kaso mas maganda sana kung maisipang papasukin ka." Aniya sa panauhin kaso napaismid naman nag kapatid.
"Hoy hoy sir ipasok mo muna ang mga sasakyan bago ka papasok. Here's my key." Ani 'to saka binalingan ang binata.
"Ipasok mo rin ang sasakyan mo baka nay mapadaang luko-luko diyan eh kargo de konsensiya pa namin. Ikaw ba naman kasi gawin pang pasyalan ang bahay namin." Ingos nito sa binata na hindi na nakasingit sa bilis ng pananalita nito.
Nang nawala na ito sa paningin nila'y sumilay ang ngiti sa labi niya. Hindi yata't naging intsik na siya, napaaga yata ang biyahe niya at uwian pa lang yata ng mga galing sa trabaho.
"Suwerte mo bro, alam mo kung bakit? Kahit hindi mo sabin kung ano ang sadya mo'y alam kong aakyat ka ng ligaw kay ate kaya't sabi ko'y masurte ka dahil walang umakyat ng ligaw dito na hinarap ni ate. Ako na ang nagsasabing takot mambasted iyan kaya't laging nawawala sa ganitong oras. By the way halika pasok ka muna malay mo makumbinsio siyang manliligaw ka." Ani Wilmer Gabb sa panauhin.
"Salamat bro kahit ngayon lang ako pumarito'y maiinit na ang pagtanggap mo sa akin. Nakikita ko na siya dati pa sa Bontoc, sa tahanan ng mga Dela Rosa. Hipag ninyo si Rizza 'di ba? Malapit na magkakaibigan ang pamilya namin lalo at matalik na magkaibigan sina lolo Darwin at lolo Amor. Hindi lang iyan nagkabanggaan din kami noong may dinaluhan siyang meeting doon as I successfully completed my culinary class. Ang pagkakataon ang nagbigay daan upang muli kaming magkita, magkatabi kami sa upuan noong nagtravel ako sa Barcelona sa competition na dinaluhan ko and she was bound to Madrid that time. Ang cute niya kasi bro." Pahayag naman niya.
Kaya naman mas lumawak ang ngiti ni Wilmer Gabb.
"Baka destiny kayong dalawa bro. Sa loob na tayo magkuwentuhan mamaya eh lalayas na naman ang kapatid ko. Magandang match iyan bro ang taong hindi marunong magluto at chef cook." Nakangiting sabi nito.
Kaya naman nagbigay daan siya (Elijah) upang makapasok ang sasakyan ng kapatid ni Janina na hindi pa niya sigurado ang pangalan kaso sa name plate nito'y isa itong prinsipal.
"Oh hindi mo ba ipapasok ang sasakyan mo bro?" Takang tanong nito sa kanya ng naipasok na nito ang dalawang sasakyan na hindi pa siya kumikilos.
"Ah bro hindi ba nakakahiya sa inyo? I mean---totoo naman kasing nandito ako para mamasyal. Aakyat ng ligaw kay Janina pero nakakahiya naman yatang pati sasakyan ko'y ipapasok ko pa." Alanganing sagot niya.

BINABASA MO ANG
ELIJAH GREGG, THE CHEF COOK WRITTEN BY SHERYL FEE(COMPLETED)
General FictionGeneral Fiction/ Romance/ Drama