CHAPTER EIGHTEEN

525 34 13
                                    

" ELIJAH GREGG,  THE CHEF COOK "
WRITTEN BY SHERYL FEE

CHAPTER EIGHTEEN

"Nakakahiya ka judge! Ikaw sana ang tagapatupad ng batas na ginagawa mo pero anong ginagawa mo? Mga anak mo'y  hindi mo na madisiplinahan, ano pang ginagawa mo sa upuang iyan!?" Malakas na sigaw ng kapatid nito.

"Huwag mo akong sigawan Braul! Kaya ka naging taong bundok dahil hindi mo ginagamit ang utak mo tapos ngayon sumugod ka para lang sabihin iyan? Umalis ka dito sa harapan ka!" Ganting sigaw ng judge.

Pero hindi nagpatinag ang may edad na ring si mang Braul. Imbes na sundin ang utos ng kapatid ay mas lumapit siya dito.

"Bakit  Santos? Nahihiya ka o may kahihiyan ka pa ba? Pinapaalis mo ako dahil ayaw mong ipamukha ko sa iyo ang katutuhanang naging ganid ka na rin sa pera? Bakit kayo naghiwalay ng una mong asawa? Dahil din diyan sa gawain mong iyan hindi ba? Tingnan mo ngayon si Cloie walang dereksyun ang buhay dahil na rin sa kapabayaan mo! Hindi ka ba nahihiya sa pinaggagawa niya sa Bontoc? O baka nagbubulag-bulagan ka lang talaga? Si Arman! Naranasan mo na pero hindi ka pa nadala Santos, imbes na ituwid mo ang anak mo pero anong ginagawa mo? Hindi ba't ikaw ang nakakaalam sa pasikot-sikot ng buhay niya? Nakakulong siya kagaya ni Cloie dahil sa kapabayaan mo! Iniwan ka na naman ng taomg tumanggap sa iyo kahit may anak ka sa ibang tao! Huwag mo akong pigilan dahil lahat ng iyan ay totoo Santos! Baka naman nakakalimutan mo na ang lahat? Wala ka sa kinaroroonan mo ngayon judge Santos Santillan kung wala ang taong bundok tinutukoy mo. Hindi ko ugaling isumbat ang nagawa ko sa kapwa ko pero iba ka sa kanila dahil wala kang kahihiyan sa katawan! Maging taong bundok ako para mapangalagaan ka pero anong ginawa mo? Wala! Imbes ba kami ang unahin mo dahil wala ka sa kinauupuan mo kung hindi kita itinaguyod at ikaw pa ang naglugmok sa amin! Sa oras na ito'y pinuputol ko na ang kaugnayan nating dalawa. Oras na magsanggang muli ang landas natin ay hindi ko maipapangakong pipigilan ko ang mga kasama kong itumba ka dahil kahihiyan ka ng departamento ninyo! Wala kang kuwentantang ama sa mga anak mo at higit sa lahat wala kang utang na loob sa taong nagsakripisyo para maabot mo ang iyong pangarap!" Halos hingaling wika ni mang Braul saka tumalikod upang aalis na pero hindi pa ito nakuntento dahil lumingon pa ito sa kapatid na nakaupo sa harap ng lamesa.

"Huwag kang pakakasiguro Santos dahil magugulat ka na lang kapag nasa harapan mo na ang mga police upang damputin ka at ikukulong kasama ang mga anak mong ikaw din mismo ang ang nagtulak na maging kagaya mo." Wika pa nito saka tuluyang umalis na ibinalibag pa ang pintuan ng opisina nito.

And yes! Mang Braul and judge Santos Santillan are brothers pero dahil sa walang kakuntentuhan ang huli ay halos isumpa ang taong pinagkautangan niya ng lahat bagkus ay ito pa ang mas humila paibaba kaya't sa bundok namuhay kaysa sa kabahayan.

Hanggang sa nawala ang nakakabatang kapatid niya'y hindi siya nakahuma. Tama naman kasi ito imbes na ituwid niya ang landas ng mga anak niya'y hindi, bagkus ay siya pa ang nagtulak sa mga ito. Dalawang beses siyang nag-asawa pero gano'n din ang rason kung bakit siya iniwan mg dalawang pag-ibig niya. Pero ang mas umaalingawngaw ng paulit-ulit sa isipan niya'y ang binitawa nitong salita.

"Nakakahiya ka judge m! Wala kang kuwentang ama at wala kang utang na loob sa taong naging daan upang marating mo ang iying pangarao!" Nagsusumiksik ang mga katagang iyun sa ulo niya at paulit-ulit na umaalingawngaw.

Hanggang.....

Natagpuan siya ng mga katulong sa kuwarto niyang wasak ang ulo, nakatali ang leeg. Sa madaling salita, hindi na inabot ng umaga na buhay ang judge. Nagpakamatay dahil hindi kinaya ng paghahabol ng konsensiya niya.

"So paano na iyan attorney Cameron? Patay na sng mastermind sa lahat. Naka-detained na ang galamay niya so ano ang plano mo?" Tanong ni general Aguillar sa pinsan.

ELIJAH GREGG, THE CHEF COOK WRITTEN BY SHERYL FEE(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon